"Tara nga, mag-salon tayo at ipapakalbo kita!" singhal ko sa kanya.
"Hahaha. Ikaw naman best di mabiro. Oh tara na, inaantay na tayo ng mga accessories at dresses." sabay hatak niya sakin.
"Best, eto bagay sayo oh. Kapag ito sinuot mo for sure, maiinlab agad sayo yang Ceres na yan." aba, pati surname alam ng bruha.
"Panget kulay. Pink tapos ano yan? Bakit may ribbon? Ano ko si Hello Kitty?" tanong ko sa kanya.
"Ganun na nga!" sabay hagalpak niya.
"Tara na nga. Ano ba kasing ginagawa natin dito?"
Paano ba naman, kid's apparel tong pinasukan namin.
"May bibilhin lang ako. Kalma ka lang jan." sabi niya sakin sabay lapit sa may counter.
Ano ba to si Anne? May anak na ba to? Bakit hindi sinasabi sakin? Sasakalin ko na talaga to e!
"Oh tara na, nabili ko na." ngiti niya sakin
"Hoy babae! Sabihin mo nga sakin,.may anak ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Kapag to hindi nagsabi ng totoo. Itutuloy ko pagpapakalbo dito e.
"ANOOO!?" malakas niyang sigaw. Tinalo pa yung sigaw ko kanina sa sinehan.
Tumingin ako sa paligid..
FACEPALM!
Ang daming nakatingin!
"Ah, He-he! Sorry po! Sorry po!" nyemas kasi tong kasama ko e. Nakakahiya tuloy.
"Alam mo yung nakakahiya? Grabe ka best, hindi lang tayo nandito. Hello?"
"Kasi naman, anong klaseng tanong yun? Bakit mo naman naisip na may anak na ako?" tanong nito habang naka-kunot ang noo.
"Nakatawid na yung tren sa kilay mo. Gusto mo talagang magka-guhit yang noo mo e no?" sabi ko rito.
Bumalik sa normal yung ekspresyon niya. Takot lang nitong pumanget no.
"Kasi ano ba yung binili mo dun? Pangbata lang yung mga doon ha? Naisip ko tuloy na baka binilhan mo yung anak mo ng damit."
"Baliw ka talaga kahit kelan. Bumili labg ako ng hair clip. Mas cute tignan kapag pangbata yung ipit. Mas mukhang inosente. Parang harmless kumbaga. Gets mo ba?" tanong niya sa akin.
"Pssshhh.. ang dami mong alam. Tara na, shopping!" sambit ko na ikinasabay namin ng pag-ngiti.
________________________________
"Best! Ang ganda ganda mo talaga. Lalo ka pang gumanda sa ayos mo. Kapag yang Ceres na yan, di pa nahulog ang loob sayo. Ipa-flying kick ko na talaga siya." sabi ni Anne.
"Nako! Tara na nga. Inggit ka nanaman sa beauty ko." sabay tawa ko.
Sa paglalakad namin, may nakita kami.
"Ano best? Gaya ng dati?" tanong sakin ni Anne.
"Oh tara! Kelan mo kaya ako matatalo dito?" mapang-asar kong tanong sa kanya.
"Ngayon best. Promise!" bilib na bilib niya sa sariling sagot sa akin.
Ano bang pinagtatalunan namin?
Eh di Videoke! Yung mga videoke sa mall na wala sa loob ng booth. Yung kapag kumanta ka rinig ng lahat ng nasa paligid.
Pakapalan nalang ng mukha minsan dito e. Dapat mga ka-level mo yung nasa internet para di ka mapahiya. Buti nalang maganda boses ko pati na din si Anne. Hahaha!
Chapter TwentyTwo ~The Date II~
Start from the beginning
