Chapter 25

204 5 0
                                        

REJ

Tyler just left. Sinara ko na agad yung gate at pumasok na agad ako sa bahay. Inoff ko yung ilaw sa sala at pumunta na agad ako sa kuwarto ko.

When I got there, nakahiga na agad ako kasi alam ko na pagod ako kanina lalo na sa exams. Pero buti na lang tapos na ako sa exams.

Thanks to Tyler dahil tine-treat ako ng food sa Shakey's for lunch tapos sa Amare for dinner. Ayaw makita ni Tyler na stress na ako.

I'm having a great time with him naman.

Nag-iisip na ako kung ano ang puwede kong gawin dahil hindi naman ako papasok ng school next week dahil sa Intrams and wala naman ako sinalihan na event. Di kasi ako nakapasok sa tryouts for volleyball, dodgeball or whatever.

Basta di ako papasok ng school next week kasi yun na nga Intrams.

Gagamitin ko yung oras para mag-review sa ACET. Naka ready pa naman yung reviewer ko tapos yung mga documents na kailangan for application.

But nag-ring yung phone ko and I received a message from Tyler.

Tyler:

Rej!! Nasa dorm na ako.
Thanks for today and I'm
having a great time with
you. Magpahinga ka na.
Goodnight. :)

Yung mapapa sigaw na lang ako sa kuwarto after reading Tyler's message.

Sumigaw talaga ako pero....

"Regina! Ano yun?!" narinig ko yung boses ni Mama through the door.

"Uh...uh...may ipis po, Ma! Pero don't worry, pinatay ko na!" I lied again.

"Hay nako, iha. Matulog ka na nga! Na-iingayan yung mga kapitbahay natin dahil sayo." sabi ni Mama through the door.

"Ay sorry po." I said with an awkward laugh. "Pero goodnight, Ma!"

"Goodnight din, iha." sabi niya.

Nag-reply ako sa message niya.

Rej:
Hi Ty! I'm glad nasa
dorm ka na. Magpahinga
ka na din. Thank you pala
sa treat kanina ha! ;)
goodnight.

Sinend ko yung message. Pero hindi na ako aasa na mag-reply si Tyler pag-ganitong oras. Siguradong nagpapahinga na yun.

Hays talaga. Iba talaga pagdine-date ko yung idol ko. Hindi na ito panaginip eh.

Nakahiga ako and matutulog na sana ako kaya lang hindi ko ineexpect na mag-reply si Tyler pag-ganitong oras.

Tyler:

Goodnight din, Rej.
Huwag mag-puyat. :)

I smiled na lang after reading his message.

What a great day talaga. Thank you, Lord for this day! Goodnight, world.

When I Met You • Tyler TioTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang