21

453 9 0
                                    

(Therese's POV)

Maki extra POV lang po. Padaan lang ng character ko. Hihi! ^_^

(a day after the accident)

Actually, hindi ko alam yung buong kwento. Nalaman ko nalang na na ospital pala si Steph. Nabasa ko kasi yung post ni Ynna sa fb na "get well soon ate". Friends kasi kami nun sa fb eh :)

Naging busy kasi ako masyado sa work kasi may mga deadlines kami na i-meet within this week so wala akong time para madalaw man lang si Steph. Lang kwentang friend ako nuh? Tsk.

Tumatawag lang ako kay Ynna para makikumusta kay Steph. I was relieved after knowing that she's in stable condition already. Salamat naman Lord. Napag-alaman ko rin na binaril pala si Steph. Bigla kong naalala yung nangyari 2 years ago- yung inambush din sila ni Scott.

Pilit kong pinagtagpi-tagpi yung nangyayari. Hindi kaya yung nangyari ngayon sa kanya ay konektado sa nangyari 2 years ago?

Posible nga.

Yung style nung pagkabaril sa kanya - parehong pareho nun.

Kung ganun, ayaw siyang tigilan ng taong ito- nung mamamatay tao.

Pero sino naman kaya yung nag attempt na patayin yung friend ko? At bakit? May nagawa kayang isang malaking kasalanan si Steph noon sa buhay niya? Kungsabagay hindi ko naman talaga siya masyadong kilala. Pero, hindi naman siguro. As far as I know, ang bait niyang friend ko kahit minsan ay masungit/pikon man.

Natakot na ako sa sitwasyon ni Steph.

(2 days after the accident)

TAAAAEEE!! Kainis!! Na late ako sa work!! Wala na tuloy akong incentives. Ahuhuhubels.

I opened immediately my twitter account and checked the local news. Follower kasi ako ng isa sa mga media publishing sa Cebu.

Pero nung nabasa ko yung news.......

Sobra yung pagkabigla ko sa nalaman ko.

Agad kung tinawagan si Steph. Buti naman sinagot niya ito. Pero heyyy? Bakit ang ingay?

Hello Steph??? Are you there???

*alien language*

Eh? Ano daw? Asan ba itong babaeng ito?

Uy?

Alam na niya kaya? Grabe.

Hindi talaga ako makapaniwala.

SI BRAD ANG HIRED KILLER NG FORMER FIANCE NI STEPH NA SI SCOTT?

Shockness overload.

================================================

(unknown POV)

Damn! Shit! Fuck!

I really didn't expect that all of these would happen.

I didn't expect that this damn Brad would show up to the authorities and would even surrender himself. What is he doing? He's a fool! Ganyan ba talaga yung magagawa ng pag-ibig?

Ano ng mangyayari after this?

Sigurado akong makukulong siya. Pati si daddy.

NYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!

Bakit ganito?

I feel guilty.

Naaawa ako kay Brad- dahil sa kapatid ko siya.

Naaawa rin ako kay Steph - dahil alam kong mabuti siyang tao at wala siyang kasalanan pero nadamay siya sa gulong ito.

Naaawa ako sa mga taga SH. Naawa ako sa mga Fortuna.

Leche! Alam ko na hindi ako dapat makadama ng awa. I'm a monster. Pero bakit ganito?

This past few days, umiiral na yung konsensya ko. Hindi ko naman kasi alam na buhay pa pala itong lintik na konsensyang ito. Ilang taon na kasi itong hindi nagparamdam sa akin eh. -_-

Galit ako sa sarili ko.

===========================================================

(Brad's POV)

After the incident that happened to Steph, I don't have the nerve to face her as well as the Perezes. I feel guilty. Alam ko kasi na ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya.

Pagkatapos nung pagkikita namin ni daddy, napagtanto ko na dapat kung gawin kung ano ang nararapat.

Bago pa ako pumunta sa NBI, dinalaw ko muna si Steph.

Mabuti nalang ng mga oras na iyon ay pauwi na pala sina Mr. & Mrs. Perez. Narinig ko yung pag-uusapan nila ni Ynna. Si Ynna daw ang papalit muna sa dalawa sa pagbabantay kay Steph.

Walang tao sa loob. Nakita ko si Steph. Natutulog.

I took a step closer to her.

Hinaplos haplos ko yung mukha niya. Alam ko kasing hindi ko na ulit magawa ito- kailanman.

Before leaving, I planted a kiss on her forehead. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

I'm sorry Steph. Sana mapatawad mo pa ako. I'll miss you. Goodbye.

At ngayon, papalayo na ako sa kanya. Tuluyan ko ng pinutol yung lubid na nag uugnay sa aming dalawa. Pero kahit na putol na iyon, hindi ko naman pinutol yung pagmamahal ko sa kanya.

I'll be loving you always, Stephanie Magsalang.

 ============================================

MY HIRED KILLER LOVER (Completed) #Wattys2014Where stories live. Discover now