"Heheheh ako na po Tita nakakahiya po" sabi ko.

"No it's ok"

"Ahm ok, po natutulog pa po siya" sagot ko.

"Ahhhh, sige kumain ka ng marami ha? Wag kang mahiya" paalala niya sa akin."sa sala lang ako, tell me if you finish your food ok?"

"Ok po Tita"

Kumunot ang noo niya. Nagulat naman ako, may nasabi ba akong mali?.

"I told you just call me Momshie" tumawa siya. At tumalikod.

Ang weird nitong Mommy ni Kim. Nakakagulat pero infairness ang jolly niya kausap parang bagets hahahahah. Tsaka ang ganda ng Mommy mukhang teenager pa ito. Dahil ang bata ng mukha. Sinimulan kong kainin ang pagkain na nakalatag. Sobrang dami nito. Panay subo ko dahil sobrang gutom ko ngayon.

"Oh, hija gising kana!" narinig kong sabi ni Momshie hahahah."come here, kumain na si Zaya rito"

At nakita ko agad sila ni Tita papunta sa kinaroroonan ko. Ngumiti naman si Daisy sa akin.

"Good morning" paos ang boses niya.

"Good morning" ngumiti kong bati sa kanya.

"Ahhh Yaya kunan niyo ng plato si Daisy" sabi ni Momshie sa kasambahay (tsar)."maiwan ko mo na kayo mga hija ha? Yung asawa ko panay tawag hehehe" kaya tumalikod na si Momshie.

Nag simula na ring kumain si Daisy.

"Ahm Daisy, nasan pala ang Daddy ni Kim? Bat di ko nakita?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at sumagot.

"Ang naring ko lang ay nasa ibang bansa nagtatrabaho ang Daddy niya Engr. raw" sagot ni Daisy.

"Ahhh ganon ba?"

"Kailan ka pa naging interesado?" nagtaas siya ng kilay.

"Syempre ngayon!" sagot ko at tumawa lang siya.



Inirapan ko si Daisy at tinapos ko ang aking kinain. Tumayo ako at ilalagay sana ang plato sa lababo ng bigla akong pigilang ng kasamabahay. Siya na raw yung maglalagay. Di naman ako nagulat dahil alam kong marami silang katulong rito sa bahay nila. Sobrang laki kaya nito dzaaaa. Kaya umopo nalang ako at tahimik na tinitigan si Daisy na kumakain.


"Why are you looking at me?" biglang sabi ni Daisy. At nagtaas siya ng kilay.


"Ano!? bawal ba? Kala mo maganda ka ha?! di kaya" at nag cross arm ako.


"Luh, grabi siya sungit mo bigla ah?" nag ngising aso siya.


"Paki mo ba?" tatayo na sana ako ng biglang dumating si Kim at yung kapatid niyang babae.



"Good morning everyone!" bati ng kapatid ni Kim. At tumingin siya akin at lumapit."good morning ate!" hinalikan niya ang mukha ko. Ngumiti naman ako sa kanya.


"Good morning Katey!"

Lumapit rin siya kay Daisy at humalik rin sa pisngi. Nagtawanan pa sila. Naging friend na rin kasi namin to ang kapatid ni Kim dahil pag may gala kami ni Reigna kasama siya palagi.


Umopo naman si Kim sa gilid ko at tumingin.


"Tapos ka ng kumain?" tanong niya. Tumango lang ako at nag iwas ng tingin.


Tinawag niya naman ang kasambahay nila upang handaan sila makakain.




"Ate Zay, wag na mona kayong uuwi pls. dito lang mo na kayo" pagmamakaawa ni Katey.




"Eh, manghod papauwiin na kasi ako ni Mamay. Next time nalang" nginitian ko siya.



Nag pout naman siya."Hay sayang" at sinubo ang pagkain.




Habang kumakain si Kim at Katey. Panay tingin ko lang sa lamesa, nahihiya kasi akong mag angat ng tingin kay Kim at makipag-usap. Kaya sa lamesa nalang ako nakatingin.



"Hoy!" kalabit ni Daisy sa akin. Napatalon naman ako sa bigla at sinamaan ko siya ng tingin.



"Puta ano ba!" medyo tumaas ang boses ko."hehehehe sorry" nag peace sign ako kina Katey at Kim.



"Magpapaalam na tayo kay Tita, nag text na si Mommy sa akin oh" pinakita niya ang text ng Mommy niya.



"Ahhhh, sige mag co-commute tayo?" tanong ko.



"Hija, ihahatid kayo ng driver namin. Wag na kayong mag commute" biglang sumulpot si Momshie sa harapan namin.




"Tita, susunduin po kasi kami ni Dad" ani Daisy.



"Tawagan mo na, ihahatid kayo"



"Ok Tita, tatawagan ko lang" at umalis si Daisy upang tawagan ang Dad niya.



Ngumuti naman si Tita sa akin."Tapos kanang kumain hija?"



"Opo Tita" sagot ko naman.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now