C H A P T E R - 18

2K 33 2
                                    


J H O 'S  P O V


* kriiiiiiiiing, kriiiiiiiiing, kriiiiiiiing *



"Oy bessy tayo na jan!! Today is another day. Go, go, go!!"



Nagising ako sa tunog ng alarm ko at sa maingay kong kaibigan. it's 4:00 am. Pumikit ako ulit ng saglit bago tumayo dahil tinatamad talaga ako ngayon huhu. Ang sarap kayang matulog. Sobrang sakit parin ng katawan ko sa ginawa namin kahapon. Grabe si coach tai!!



Well nag pe-prepare na kasi kami dahil ilang araw nalang at lilipad na kami patungo sa thailand. Sobrang kinakabahan na ako jusko po! Natatakot akong sumakay ng eroplano dahil first time kong sasakay sa ganun. si Lord na yung bahala sakin.



Tumayo na nga ako at kinuha ang tuwalyang naka sabit sa likod ng pintuan at lumabas na para pumunta sa CR.



Habang nag lalakad ako, may napansin akong tao na natutulog nang naka upo sa may sala kaya napahinto ako at natulala ng makita ko kung sino siya.



Kinuskus ko ng paulit-ulit ang aking mga mata ko dahil baka naalimpungatan lang ako dahil sobrang antok ko pa.



namulat ako ng biglang mag salita si laura.



"Nga pala bessy,  yung manliligaw mo masyado atang napa-aga." Sabi Lau sabay ngiti ng nakakaloko.



"Anong ginagawa niyan dito??!" Seryosong tanong ko.



"Aba, bakit ako tinatanong mo? Eh bakit hindi siya yung tanungin mo." Sagot ni lau at pinag patuloy na ang pag hahanda ng pagkain.



"Eh bakit mo kasi pinapasok?!!" Seryosong sabi ko.



"Ano ka ba bessy! Hayaan mo na siya. Alanga naman hayaan ko siya mag isa sa labas ng pinto. Ang cute-cute niya ngang matulog oh!" Sagot ni lau habang tinititigan niya yung taong na nasa living room ngayon.



"cute ka jan!" Sabi ko sabay irap kay lau.



"Alam mo kung ayaw mo siya, akin nalang. Sayang naman siya! Liligawan ko na yan. Hala maligo ka don!" Sagot ni lau at inihapag ang hawak niyang mga plato sa lamesa.



Pumasok na ako sa CR.



Ilang minuto pa ay natapos na ako at nag bihis na. Inayos ko muna ang gamit ko at inilapag sa kama bago ako dumeretcho sa kusina para mag almusal.

D E A LDonde viven las historias. Descúbrelo ahora