Prolouge

81 7 0
                                        

Nakakakilabot dito. Napakadilim ng paligid. Ambaho. Nangangalingasaw ang amoy. Nakakaba tuloy. Parang nasa loob kami ng isang kwartong puno ng mga bangkay. Teka asan na ba sila parang ako nalang mag-isa di---

Napaupo nalang ako mula sa kinatatayuan ko nang makita kong duguan ang bawat isa sakanila.

"Shit! Anong nangyari sayo?!"

Nakita ko si Fatima na hawak ang tagiliran nya at pinipigilang bumubulwak ang dugo mula rito. May hawak pa syang patalim na malamang ay dahilan ng pagdurugo ng kaliwang baywang nya.

"Asan yung iba?" sabi ko ng may halong pag-aalala.

"Si N-nadine" nanginginig na tugon ni Fatima habang hawak ang kanang braso nito na parang naliligo na sa dugo.

"Anong meron kay Nadine?! At asan sya?"

"Siya ang killer!" Sigaw ni Klient na tila bang mabibingi kami sa lakas.

"A-ano?" Hindi pwede to. Hindi pwedeng sya. Hindi pwedeng yung best friend ko ang killer. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to? Sana panaginip lang 'to. Bakit sya? Bakit hindi nalang yung iba? Bakit Nadine? Bakit mo nagawa to?

"Tulooooooooooong!" Natauhan ako ng may narinig kaming humihingi ng tulong. "Hoy may tao rito!" Teka kilala ko ang boses na yun. Si JD!

Hingal na hingal si JD at hawak nya rin ang kanang tagiliran nya tulad ni Fat. Anong nangyari sakanila? Bakit puro sila saksak? At bakit ako nalang sa amin ang hindi pa nababahidan ng dugo? Ramdam ko ang mabibigat nahininga at pagod nila nang umupo muna kami sa tabi at nagpahinga. Pero, kahit na sobrang dilim rito ay nararamdaman kong may umaaligid-aligid at nakatingin samin.

Bakas parin sa mukha ni Klient ang takot sa kanyang mga mata. Kahit ako rin ay hindi makapaniwalang nangyari sakanila yun. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun.

Dahil lang sa aking kyuryosidad ay napahamak sila, ang mga kaibigan ko. Ang pakay lang naman namin dito ay malaman ang buong katotohanan. Ang katotohanan sa likod ng pintong ito.

Totoo nga ang sinabe nila

Don't let your curiosity drive you crazy.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Eyo guyz wazzup. This is my third story and sorry kung hindi ko na natapos yung mga nauna sa kadahilanang tinamad lang talaga ako HA-HA. Hope you enjoy this story and please vote!

The Mystery Behind That Secret DoorStories to obsess over. Discover now