"Stop staring." Sabi niya.

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin. Iniwasan kong titigan siya buong byahe. Nakakinis. Porket nag kiss kami kagabi ay umaasa na ako agad? Nag feeling na ako agad? Oo nga pala, hate na hate niya ako.

Huminto kami sa Pancake House at nauna siyang bumaba kesa sa akin. Hindi niya ako pinag buksan ng pinto. Mukhang feel na feel niya din ang pagmamaneho ng kotse ko ah. Umupo siya sa may bandang salamin kaya kita namin ang view sa labas na puro mga naka park na sasakyan lang naman.

"Ceasar salad." Order ko sa waitress.

Sinulyapan ako ni Scorpion at muli siyang tumingin sa menu.

"That and two chocolate chip pancakes with two sides of bacon."

"Ang takaw mo naman." Pansin ko sa kanya.

"Sa'yo yung isa." Masungit ma sagot niya.

"Pero may salad na ako! Tsaka ayoko ng mabigay sa tiyan kapag breakfast." Ngumuso ako para magpa cute pero inirapan niya lang ako.

"Hindi ka mabubusog ng salad niyan. Kainin mo 'yung pancake." Magkasalubong ang kilay niya habang nag babasa ng kung ano sa phone niya.

Hay nako. Sana lasing ka nalang palagi para mabait ka sa akin.

Dumating na ang order namin. Nilagay niya sa harap ko ang isang plato na may dalawang pancake. Parang nawalan tuloy ako ng gana sa salad ko dahil nakaka takam ang amoy. Inuna ko nalang munang kainin ang ceasar salad bago nilantakan ang pancake.

"Excuse me." Natatawang sabi ko pagkatapos kong madighay.

Iiling iling lang siya at naunang tumayo kesa sa akin. Palagi naman akong iniiwan ng isang ito.

Naalala kong kailangan ko palang bumili ng groceries. Magpapa sama nalang ako kay Scor. Para naman more time together diba? Humagikgik ako habang sumusunod sa kanya. Pag sakay namin ay doon ko na sinabi ang plano ko.

"Huy. Samahan mo naman ako sa grocery oh? Mamimili lang ako ng mga stocks." Nag pa cute ako.

"May lakad pa ako. Mag tatagal lang." Pag susungit niya.

"Sige na. Sandali lang naman ako doon." Pilit ko pa.

"Hindi mo ako driver. At saka, bakit naman kita sasamahan ha?" Pabalang na tanong niya.

"Eh kotse ko naman ito. At saka, diba mas gusto mo yung may nakakain ako? Samahan mo na ako."

"Hindi pa din ibig sabihin non magugustuhan na kita." Aniya.

Umawang ang bibig ko sa narinig ko. Natahimik ako. Kailangan talaga ipapamukha? Kung hindi naman pala niya ako gusto, anong ibig sabihin nung halik? Wala lang? Power trip? Alam niya kasing asadong asado ako sa kanya kaya ganon siya?

Nag iwas ako ng tingin. Tumanaw nalang ako sa labas. Punyetang grocery 'yan. Oo na nga at ako nalang mamaya ang mamimili. Sumasakit ang dibdib ko kapag lumalanghap ako ng hangin. Ang hirap naman mag pigil ng iyak.

"Fine. I'll take you there." Sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Hindi na. Ayokong maabala ka." Tumawa ako ng pilit.

"Idrop mo nalang ako mamaya sa mega. Tapos bigay mo nalang sa guard yung susi." Sabi ko pa ulit. Mabuti nga at hindi nanginig ang boses ko. Magmumukha nanaman akong tanga noon.

"I said I'll take you there."

"O-okay lang talaga..." Sagot ko naman.

"Sasamahan na nga kita. Mukha ka pa namang hindi marunong mag grocery." Aniya.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now