Habang binabaybay ko ang daan pauwi ng Ortigas ay nag ring ang cellphone ko na nakapatong sa passenger's seat. Si Eli ang tumatawag. Ano kayang problema ng mokong? Kinabit ko ang bluetooth earphones at sinagot ang tawag.

"Oh?" Bungad ko. Narinig kong maingay sa background.

"Tos! Where are you?" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Pauwi. Bakit?" Nagtaka ako dahil bihira naman akong tawagan ni Eli.

"Punta kang Cove." Parang natatawang sabi ni Eli.

"Ha bakit? Nasa Ortigas ako. Traffic pa ata." Nag concentrate ko sa pag mamaneho.

Napaisip ako kung bakit naman ako pinapapunta ni Eli sa Cove. Wala naman akong natatandaan na may okasyon.

"Pumunta ka nalang Tos. Si Scor lasing. Hinahanap ka." Humalakhak si Eli.

Nababa ko tuloy ang tawag. Nag dadalawang isip ako eh. Parang di naman kasi talaga niya ako hinahanap. Pero bakit naman ako lolokohon ni Eli?

"Damn it." Bulong ko sa sarili ko nang may nadaanan akong u-turn. Agad akong lumiko doon.

Bakit ang rupok mo Tosca? Hinampas ko ang manibela at inapakan ang gas. Oo na sige na pupunta na ako. Bwisit na lalaki, hindi ko matiis. Medyo traffic nga kahit hating gabi napero nag skyway nalang ako pa Cove. Tinanguan ako ng bouncer nang papasok na ako sa loob.

"Mag isa ka lang ma'am?"

"Oo kuya. May susunduin lang." Wow? Girlfriend ka?

Dumiretso na ako sa loob at hinanap sa mga couch sila Eli. Ang wild na ng tao sa loob pero wala ako sa mood. Bukod sa pagod ang katawang lupa ko ay iniisip ko pa din kung paano ko haharapin si Scor.

Ugh. It was just a stupid kiss, Tosca. Hindi mo naman ito first time! Anong kiss? Eh gamuntik mo nang i-blow job tapos ibang babae ang tinawag? Tama ba 'yun?

"Hey! Tos!" Natanaw ko si Eli na kumakaway.

Nang makalapit ako ay nakita ko ang pito hanggang sampung lalaki na nakaupo sa pa letter U na couch. Ang iba ay may katabing babae. Nasa gitna si Scor na naka bukakang naka salampak at may hawak na jack coke.

"Ayan na Scor. Wag ka na mag sungit jan." Tawa ng isa sa mga lalaking kasama nila.

"Gago ka ba?" Pipikit pikit na sigaw niya pabalik. Lasing na nga ang isang ito.

"Akala ko may shoot ka?" Tanong sa akin ng pinsan ko nang umupo ako sa tabi niya.

"Oo nga kakagaling ko lang doon." Inirapan ko siya.

"Ahh." Tumango tango siya at sumimsim ng alak.

"Tos! May gusto ka?" Tawag sa akin ni Eli. May katapat siyang waiter.

"Sex on the beach. Tatlo ah." Sigaw ko.

Nag pigil ng tawa si Scor bago ininstruct sa waiter ang mga order ng iba pa at order ko.

"Totoo ba? Hinahanap ako?" Bulong ko sa tenga ni Clint.

"Oo couz. Kanina pa badtrip yan eh. At isa pa, walang mag hahatid diyan mamaya. Kaya, it's your time to shine." Sabi ni Clinton at sinundan iyon ng halakhak.

Hinampas ko siya sa braso at nahagip ng paningin ko si Scor na seryosong nakatitig sa akin. Ni head to foot niya ako. Oh, don't tell me ayaw niya ng suot ko? Naka ripped jeans ako at itim na laced bodysuit. Baka naman kabastos bastos pa ito sa kanya?

Dumating ang inorder kong cocktail at sumimsim kaagad ako. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil kay Scor pero nanghihina kasi ako. Mukhang mapapainom pa din ako kahit ayaw ko.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now