"What is it to you?" Tatawa tawang tanong ko.

"You are trying so hard to get my attention, yet you're dancing with another guy?" Pinilit kong dumila at tiningala siya, nakita ko ang galit na galit na mukha niya.

"But you don't like me back!" Tinuro ko siya at pumalakpak. Pagkatapos ay lumingon ako sa kanan at nakita ko si manang na nagbebenta ng mga candy at sigarilyo.

"So why are you- hey! Where the fuck are you going?" Habol niya nang bigla akong tumayo at gumegewang na nag martsa patungo sa Ale.

"Sshh! Manang! Pabili marlboro blue and dalawang mentos." Sigaw ko at agad namang kumuha ng sigarilyo ang Ale.

Wala akong nahugot na coins kaya binigyan ko nalang siya ng isang buong 100. Hiniram ko ang lighter ni Manang at humarap kay Scor. Nanunuya kong sinindihan ang sigarilyo.

Nanggigil siyang umiling at pilit na inagaw sa akin ang sigarilyo. Nakakalahati ko na iyon at lalo akong nahilo.

"Put that out!" Inis na sigaw niya.

Huminto ako at pinanlakihan siya ng mata.

"I'll literally throw up here if I don't smoke." Inirapan ko siya at humithit pa ng sigarilyo.

"See! Just look at that fvcking attitude? Gawain ba ng matinong babae 'yan?" Inis siyang tumingala na parang nag papahaba pa ng pasensya.

Edi hindi na ako matino! Ang laki laki ng problema niya! Diyos ko. Kunyari pang hindi affected pero inis na inis naman siya kapag hindi ko na siya pinapansin.

"You told Joseph that I'm your girl. I ain't your girl!" Tumawa ako at humithit ulit sa sigarilyo.

"That guy was taking advantage of you!" Sigaw niya.

Binugahan ko siya ng usok sa mukha at mukhang naubos ang pasensya niya dahil hinablot niya sakin ang sigarilyo at inisang hithit iyon bago tinapon sa lapag at inapakan.

"Oh my gosh! You're smoking too!" Humalakhak ako. I don't know why, I just find that hilarious. And hot.

Napa tili ako nang hablutin niya ang kamay ko at isinakay ako sa higanteng Hilux niya. Nag drive siya papunta sa malapit na coffee shop at pumarada doon. Hindi ko daw siya boyfriend pero palagi siyang sulpot ng sulpot sa tabi tabi.

"What- what are we doing here. I don't want coffee." Bulol na sabi ko.

"Kailangan mong mahimasmasan. Diyan ka lang ah, huwag kang lalabas." Banta niya bago ako iniwan at pumasok sa loob ng coffee shop.

Nahihilo pa din ako at nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Naiihi ako. Tiningnan ko kung may tao sa labas at wala naman akong nakita. Doon nalang ako iihi sa tabi ng gulong ng sasakyan. Natatawa pa ako dahil para akong tanga sa ginagawa ko.

"What the hell are you doing?" Naabutan ako ni Scor na nag huhubo pero di ko pa tuluyang nabababa iyon.

"Iihi." Humalakhak ako at agad niya akong dinaluhan para pigilan.

"You are unbelievable! Nababaliw ka na ba?" Halos mag usok ang tenga at ilong niya.

"Ihing ihi na ako eh." Nagkakamot na sabi ko kahit na papikit pikit ako.

"Let's go to tha bathroom. Crazy woman." Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil napaka hina lang noon.

Sinamahan niya ako sa loob ng coffee shop pero hindi na siya sumunod sa loob ng cr. Ano ba yan. Ipapakita ko sana sa kanya ang panty ko eh. Ang ganda kaya. Color pink.

The Things I Hate About YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum