Sumakay na ako sa kotse ni Chris at mabilis naman kaming nakalabas sa university. At oo nga ang lapit lang nung restaurant na sinasabi nya saakin, kasi tumawid lang kami ng kalsada. Mukhang tanga, nag-kotse pa.

"Muntik nang maging malayo ha?" pabiro kong sabi sa kanya.

"Sabi ko sa'yo ee, malapit lang. Tara sa loob para hindi ka na din mag-tagal."

Pumasok na din ako kaagad sa loob ng restaurant at may nag-assist saamin na isang babae. Ayoko talaga ng ganito, yung papasok ka palang eepalan ka na ng bongga? Nakakatamad kumain sa ganito eh, masyadong formal. So, naupo na kami at pumili sa menu.

"Pagkain ba 'to talaga? Hindi ko maintindihan eh.." tanong ko habang nakatingin sa menu.

"Miss, pakibigyan na lang kami nito, nito at nito." sabi ni Chris at nagmadaling ibinigay yung menu pabalik dun sa babae. "Don't worry, masarap yung pinili ko." pagpapatuloy nya.

"Uhm, sige. Anyway, may gusto akong itanong sa'yo eh. Bakit ka pala nagpapalipad ng papel na eroplano that day? Medyo psychotic ka ba? Mentally distrubed ka ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Wala eh, 'di nya ako mapipigilang magtanong kasi napagkamalan ko pa syang, sya yung stepbrother ko. Sana nga sya na lang eh.

"Hindi ko alam kung bakit ako nagpalipad ng papel na eroplano that day? Ewan ko, siguro talagang destined lang para makilala kita, ganun siguro."

Ay, uso pa pala yung destiny-destiny na yan. Sa bagay, baka nga destined din talaga na makita ko si Lawrence sa music room that day. At destined din na magiging stepbrother ko sya. Wooh! Mukha mo destiny, wag ako iba na lang.

"Sorry talaga nung araw na yun at nung next day yung sa bola. Hindi ko kasi expected na lalagpas nang ganun yung bola at talagang tinamaan ka sa mukha."

"Aba, natatawa ka pa talaga. Sinadya mo yun eh! Pugutan kita ng ulo eh." bigla naman syang natawa na naman sa sinabi ko sa kanya, hala delikado may problema 'to sa utak.

"Haha! I like you, Shontelle. Iba ka sa ibang babae ng university na puro arte ang gusto sa buhay nila."

Grabe, confession na ba agad ang gusto nitong taong ito? Kung alam lang nya inner thoughts ko baka mag-alsabalutan na 'to kanina pa. Sinusumpa ko na nga sya e na halos ipa-barang ko na.

"Uy ikaw ah? Crush mo ako noh? Mabilis pakiramdam ko sa mga ganyan ehh." napatigil sya bigla sa ginagawa nya at seryosong tumingin saakin habang nakatukod yung dalawang siko nya sa lamesa.

"Let's just say, oo, crush nga kita. But, there's nothing wrong about having a crush, right? Isa pa, you're really different, of course in a good way. And you're so cute kaya I really like you."

At bakit biglang ako ang natameme ngayon? Diba ako nga yung nanghuhuli kung crush nya ako. Tapos ako yung speechless ngayon? Wow! Wow! It's so, wow!

"Baliw." sabi ko sa kanya.

"Hala, bakit ako naging baliw?"

"Basta baliw ka! May sapi ka ng demonyong hindi makawala sa tanikala ng pag-ibig!" ang tangi kong nasabi sa kanya sabay irap ng mata ko at yuko dahil kunyare nag-tetext ako, eh, wala naman akong load.

Pagkatapos namin kumain ni Chris nagpahatid na din ako sa bahay. Na-enjoy ko yung time na kasama sya kahit medyo awkward kasi napa-amin syang crush nya ako. Ganito din kaya ang naramdaman ni Lawrence ng bigla kong amining crush ko sya?

Wrong Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now