1

3K 32 8
                                    

March 18, 2019

"Lia!!!!!" Nakarinig naman ako ng malakas na tawag sa akin mula sa likod ko. Magsasara na sana yung pinto ng elevator kaso pinigilan naman ito ng dalawang kaibigan ko para makasabay sila.

"Hi siz! Bakit mukha kang puyat dyan ha?" Napahikab na lang ako nung tinanong ako ni Mich.

"Oo nga. Tignan mo nga yang eyebags mo!!! Mukha kang nabugbog sa sobrang itim." Natawa naman si Mich sa sinabi ni Jerry.

Hindi na lang ako sumagot dahil sa sobrang puyat ko.

*ting

Saktong paglabas ko ng elevator, kinuha ko yung coffee na hawak hawak ni Jerry.

"Oy, siz! Akin yan!" Takbo naman ng dalawang to sa likod ko.

Naupo naman na ako sa desk ko at napahawak sa mukha ko. Gusto ko sana mag-absent dahil sa puyat kaso ang dami ko pa palang gagawin na trabaho. Okay sana kung pinag-puyatan ko ay yung work ko... Kaso hindi.

"Bakit ba wala kang tulog? Nag-trabaho ka ba buong gabi? Nahiya tuloy ako sayo kasi ang dami ko rin dapat tatapusin kaso yon nakipag-date ako." Kinikilig na sabi ni Mich habang naupo ito sa desk nya.

"Malandi! Tularan mo nga tong si Lia, nagta-trabaho! Eh ikaw, inuna mo pa yang Doctor mo!" Sigaw ni Jerry sa kanya.

Hindi ko na lang sila pinansin at in-open ko na lang yung laptop ko para magsimula na sa work ko. Papalapit na ang fashion week, Lia. Kailangan dito muna ang focus mo!

Maya't maya, narinig ko nanaman nag-vibrate ang phone ko. Napapikit na lang ako dahil alam ko kung kanino galling yon. Hindi ko na lang pinansin to at pinagpatuloy ko yung trabaho ko.

*bzt bzt

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ulit to mag-vibrate.

"Lia, okay ka lang ba? Wala ka ata sa mood?" Tanong ni Mich sa akin.

*bzt bzt

"AAAAAAAAAH!!!!" Napatayo na lang ako at tumakbo na ako papunta ng fire exit.

Bakit ba kasi nagmemessage ka pa sa akin?

3 years!

Imagine 3 years na tayo hindi nag-uusap. Naloloka na ako eh.

Ano nanaman ba kasi gusto mo?!

Palakad-lakad lang ako sa fire exit. Ni-hindi ako mapakali dahil sa babaeng yon. 

"Lia! Ano yung ginawa mo don?!" Napatingin naman ako sa fire exit at napaupo na lang ako nang lumabas din sila Jerry at Mich.

"Oo nga. Ano ba nangyayari sayo? Kanina ka pa wala sa mood, siz. Mukha din wala ka pang tulog. Stress ka ba sa work?" Sunod na tanong ni Mich sa akin.

"Si Alex." Mahina kong sagot.

"O ano nanaman meron don?" Nakapamewang na sagot ni Jerry.

"Nag..." Nangingiyak na ako. "N-nagmemessage!" Nag-start na ako umiyak. Sinisipon naman ako at buti na lang may dala akong panyo.

Umupo naman sa tabi ko si Mich at pinasandal nya ako sa balikat nya.

"Nakakaloka. Bakit nagmemessage nanaman yon?" Umupo naman sa isang side ko si Jerry.

"H-hindi k-ko rin alam." Nahihirapan kong sagot dahil sa pag-iyak ko.

"Bakit hindi mo na lang kasi i-block?" Tanong ni Mich.

Napatingin naman sa akin si Jerry. "Unless... Gusto mo minemessage ka nya no!!!!"

"Oy, hindi no!"

Remembering You (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon