"Here's your ticket to Cebu Ma'am. Have a nice flight!"
"Thank you po." Sabi ko and headed towards the entrance. Buti nalang hindi pa ako ganun ka-late.
“Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you.”
Finally, after 1 hour nasa Cebu na din ako. Pagkalabas ko ng eroplano ay agad akong sinalubong ng sariwang simoy ng hangin. Ibang-iba talaga pag sa probinsiya. I will admit it, I used to hate going to provinces, ewan ko din siguro nasanay ako sa Manila. Maingay, busy day and night. Walang pahinga ang saya.
But ever since I stayed here in Cebu because of some circumstances, I just can't stop going here. Especially ngayon na sobrang tanda na ng mga lola ko. I need to visit them more often.
I took the bus and a tricycle dahil medyo malayo sa kabihasnan ang bahay nila lola kaya naman medyo malayo-layo din.
As soon as I stepped out of the tricycle ay narinig ko na ang boses ni Lolo Fred.
"Andiyan na si Maxine! Nenita lumabas nga kayo dito at tulungan siya sa dala niya!" sabi ni Lolo habang nag-aabot ako ng bayad.
"Aba Freddie! Ako'y wag mong utusan, eh kung kayo kaya ni Jose ang tumulong at kayo ang mga lalaki!" sigaw ni Lola habang may walis tambo na dala. Natawa naman kami ni Kuyang tricycle driver habang inaabot niya sakin ang sukli.
"Hi po Lolos at Lolas! Nag-aaway na naman kayo."
Natatawang sabi ko at humalik sa mga pisngi nila.
Kay Lolo Fred at Lola Nitz talaga itong bahay na ito, at sila din ang parents ni Mama. While my two other grandparents ay Lolo at Lola ko naman sa tuhod na sa kabilang bahay lang naman nakatira.
"Apo! Aba'y bat parang lalo ka atang gumaganda? Eh parang nung isang taon lang naman kita nakita!" sabi ni Lola Rosie.
"Hay nako Lola, niloloko mo nanaman ako eh." sabi ko at tinulungan silang maghanda ng lamesa para sa tanghalian.
"Nenita ang mga malunggay nasan na?" sabi ni Lolo Jose.
We just had our lunch at kinewentuhan ko din sila about kila Mama na kung bakit di sila nakasama na bumisita this year.
Since kailangan ng magpahinga nila Lola ay nag-volunteer na akong ako na ang maghuhugas ng mga pinggan.
After I washed the dishes ay pumunta muna ako sa backyard nila Lola para humiga sa duyan nila dun.
It's so nice in here. Kung wala siguro akong work ay for sure dito nalang ako mags-stay.
I opened my phone at pumunta sa gallery ko. Binuksan ko ang isang album dun at napangiti ako ng makita ko ang picture naming dalawa.
Hindi ko namalayan ay naluluha na pala ako. I wiped my tears and closed my phone.
Kailan ba ulit kita makikita?
"Apo? Apo?" rinig kong sabi ni Lola Nitz habang tinatapik ako.
Napamulat naman ako at nakita ko siyang nakabihis. Napansin ko din na medyo gabi na pala. Grabe ganun ba ako katagal natulog?
"Pupunta kami sa bayan. Hinahanap ka nila Ligaya at aayain ka daw nila sa peryahan dun. Magbihis ka at nandun sila sa labas." sabi ni Lola at pumasok na sa loob.
Nagbihis naman kaagad ako at lumabas na.
"Max! Namiss kitaaaa!" sigaw ni Ligaya at sinunggaban ako ng yakap.
"Ano ka ba, eh parang last year lang naman tayo huling nagkita!" natatawang sabi ko.
Nakita ko din sila Ben, Renzo, at Pipay.
Sila ang mga naging kabarkada ko nung una akong nag-stay dito.
"Grabe Maxine gumaganda ka ata lalo ah!" biro ni Renzo.
"Renzo bat naandito ka aber? Kanino mo iniwan si Lyca?" galit na sabi ni Pipay na walang kaalam-alam na nandito si Renzo.
"Pipay naman! Siyempre gusto ko din makasama ang iba nating kaibigan no! Kahit matanda na tayo ay gusto ko din naman magsaya!" sabi ni Renzo at sumayaw pa.
"Hoy Renzo kayo lang ni Pipay ang gurang dito no! 24 palang kami no!" sabi ni Ligaya.
Napatawa naman kami. Oo nga pala, mag-asawa si Pipay at Renzo. Hindi ko nga din inakala. Nagulat nalang ako ninang na ako ng anak nila.
"Ay oo nga pala Maxine! Imbitado ka sa kasal ko ha! Sa susunod na taon. Hindi pwedeng wala ka dun!" sabi ni Ben.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Talaga Ben? Ikakasal ka na? Aba'y parang kailan lang patay na patay ka kay Maxine ah!" nagulat kaming lahat ng sumingit si Lolo Jose.
Napatawa naman kaming lahat.
"Aayain ka namin sa bayan at tayo'y magsaya! Jusko buti naabutan mo na ang fiesta dito!"
Sabi ni Ligaya.
Nagpaalam na kami kila Lola at umalis na. Hindi naman ganung kalayuan ang bayan kaya naman mabilis lang kaming nakapunta doon.
Nang makita ko yung mga ilaw at simbahan. Hindi ko mapigilan na maalala lahat.
"Uy! Tara daw muna sa may park at hintayin natin sila. Sila na daw ang bibili ng pagkain." sabi sakin ni Ben.
Sumunod naman ako sakanya at umupo kami sa damuhan.
"Okay ka na?" seryosong sabi niya sakin.
"Alam mo Ben, kada-taon mo sakin tinatanong yan." natatawang sabi ko sakanya.
"At kada-taon mo ding hindi sinasagot yan." sabi niya.
Bigla naman akong natahimik.
"Alam mo Maxine, tanggapin nalang natin. Imbis na umasa, mag-move on nalang tayo. Eh kung ako nalang sana ang nagustuhan mo, edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan." pabiro niyang sabi.
Tama siya. Pero hindi ko pwedeng ipilit sakanya ang puso ko. Ayaw ko lang din siyang paasahin at saktan nun.
"Makakahanap ka din ng lalaki na magpapatibok ulit sa puso mo.
Natatakot din kami Maxine. Na baka ngayon umaasa ka. Pero paano kung dumating ang araw na nagkita kayo at nalaman mong may sarili na siyang pamilya? O kaya naman ay may iba ng mahal." sabi ni Ben.
Kumirot naman ang puso ko at huminga ako ng malalim para hindi ako mapaiyak.
Nanahimik nalang ako at dumating narin naman sila Pipay.
Nagsaya kami nung gabing iyon. At sobrang saya ko din na nakasama ko ulit sila.
Gusto ko mang makalimot. Gusto ko man na sumuko nalang. Pero.
Hindi ko ata kaya. Tumatakbo ang oras. Bumibilis ang panahon. Bawat taon ay parang hangin nalang na dumadaan.
Pero kahit anong mangyari. Hindi magbabago ang puso ko. Corny man sabihin. Pero anong masama kung umasa ako diba? Ang gusto ko lang naman ay makausap siya. At kung totoo man ang mga sinabi ni Ben
Ang importante sakin ay makita at makausap ko siya. Yun lang.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
When I Met You In Summer
Genç KurguFor an upcoming college student, Maxine Santos seems to be a bit more hard-headed than usual. She causes trouble in her school, causes trouble for her parents to take care of. Because of her behavior, her parents decided that they should sent her of...
