O

5.7K 57 19
                                    

=-II-=

Matagal uli ang lumipas bago ito nagreply.

 

Crosby puzzle:

Alam ko na ang sagot!

Umaga yun! Kaya nakita ng driver yung aso kahit sira ang headlight nito at kahit itim ang kulay ng aso.

Tama ba?

Me: Wow! Galing ah! ☺

 

Crosby puzzle:

Grabe, kala ko di ko na iyon masasagot. Dumugo utak ko doon, ha!

Ako uli ang magtatanong.

Anong prutas ang nasa labas ang buto maliban sa kasoy?

Ayaw paawat na tanong nito sa akin. Sa pagkakataon ngayon ay sure na ako na sa akin niya lang iyon pinadala dahil wala iyong GM na nakalagay at past eleven na ng gabi. For sure na tulog na yung iba naming classmate na katext nito.

Natapos na siya sa logic ngayon naman trivia na naman ang tinatanong nito.

Pero ano nga ba ang nasa labas pa ang buto na prutas maliban sa kasoy?

Isip isip ng mga prutas na nakikita sa palengke.

Saging… Mansanas…Ubas… Pakwan… Santol… Avocado… ano pa ba? Mmmmm….

Waaaaah! Mukhang di ko ito masasagot, ah. Gawd! Hindi ako papatalo… isip uli!

Peras… Kalamansi… sili…. Kamatis…. Asar! Wala talaga akong maisip.

Me:

Imported ba yang prutas? O nakikita din dito sa pilipinas?

 

Tanong tanong din pag may time. Hehehe! Wala naman siyang sinabing hindi pwedeng magtanong ng hint e.

Crosby puzzle:

Nakikita siya kahit saan.

Huh?! Talaga? E bakit parang wala akong nakikita na ganong klaseng prutas maliban sa kasoy?

Me:

Ano ba yan, hindi ako mahilig kumain ng prutas at gulay kaya mahina ako diyan! +__+’

 

Palusot din pag may time!

Crosby puzzle :

Sige, ibahin ko nalang ang tanong.

 

Whew! Buti naman at nakalusot ako doon!

Crosby puzzle:

Anong land animal ang may walong paa?

 

Pffft! Ang dali naman. Hehehe!

Me:

Spider!

 

Crosby puzzle:

Mali! Hehehe! Insect naman yun e. Ang tanong ko land animal, hindi insect.

 

Ganon?! Mmmmm…. Isip isip uli ng mga land animal.

Tiger… Elephant… Giraffe… Lion... hippopotamus…

Waaaah! Mga apat lang naman yung mga paa ng mga land animal e.

Me:

Meron ba niyan dito sa pilipinas? =__=”

 

Crosby puzzle:

Meron ito kahit saan. Hehehe!

 

Ayan na naman siya! E wala naman na akong maisip e. Ano pa ba?

Aso… Pusa… Daga… waaaaah!

Me:

Gaano ito kalaki?

 

Crosby puzzle:

Siguro mga kasing laki siya ng grade six student.

 

Me:

What?! Ganon ito kalaki? I can’t imagine! Is it a monster?!”

 

Crosby puzzle:

Hahaha! Ang daming tanong. Sabihin mo nalang kung di mo alam yung sagot para masabi ko na at makatulog na tayong dalawa! Hehehe!

Ouch! Nahalata niya na ata! But No! Hindi ako papatalo! Dapat masagot ko ang tanong nito. Maubos na lahat ng cell membrane ko!

Inimagine ko pa ang walo kong daliri na kamay ng hayop na tinutukoy ni Crosby pero wala talaga akong maisip na land animal na may walong paa. Dahil tuwing tinitingnan ko ang mga daliri ko ay monster lang ang nasa isip ko na may ganong paa.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong 12:05 am na!

Record breaking ang pagpapalitan namin ng text ngayon, ha. Inabot pa kami ng madaling araw. Pero hindi parin ako susuko!

Me:

Wild ba ito or pet animals?

 

Crosby puzzle:

May pagka wild ito. Pero pwede rin namang alagaan kung gusto mo. hehehe!

Be-real's Note:

Pwede din po kayong mag comment kung alam nyo ang sagot! :)

LogicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon