Introduction

40 8 2
                                    

Yuna's POV

Ang Lion High ay di katulad ng mga nakagawian nating mga eskwelahan. Strictly NO DATING allowed. Impossibleng namang magkaroon ng pag-iibigan dito.

Bakit? Kasi paano ka naman nya liligawan kung dito sa LH palagi kayong magkahiwalay.

Dito kasi sa Lion High magkahiwalay palagi ang lalake at babae, sa dorm , sa mga klase, at iba pa.

Sa canteen lang kayo possibleng magkita pero bawal na bawal talaga mag-halo lalong lalo na kasi lagot ka pag nahuli ka ng Leon at Liyona.

Pero don't worry pwede ang paghanga or in other words CRUSHES. Pero bawal mo lapitan that's the sad thing about it. Balik tayo sa Leon at Liyona.

Sila ang mga pinuno. Ang Leon sa lalake. Ang Liyona sa babae.

Sana nga maging Liyona ako ngayong year. Every year kasi nag-papalit ng Leon at Liyona palaging 4th year lang ang pwede maging pinuno. Kaka-sign off nga lang ni Ate Nica kanina, nakaka-iyak kasi sobrang bait nya tapos mawawala na sya ngayon.

Huhuhu I'll miss her.

Masaya na ako ngayon bakasyon na eh. Pwede na lumabas.

Pero may.....

I-nannounce ni Ma'am Ruth kanina na dahil summer naman pwede mag-halo ang mga babae at lalake tuwing 4:30am hanggang 6:30pm. (May oras talaga eh noh.)

Dahil doon, mapapaaga ang pagpipili ng Bagong Leon at Liyona.

So, mag-palista na daw yung gusto at kayang maging Liyona. Nagpalista agad ako, parang ako nga yung una eh.

Lima lamang sa nag-palista ang pwedeng mangumpanya sa lalake at babae. Sana makasama ako!

In three days pa daw malalaman kung sino yung lima kaya mag-lilibot muna ako kahit matagal na ako dito.

Habang nag lilibot, medyo napansin ko na kakaiba ngayon sa LH ang saya ng lahat. Pag nasa hallway ka maymga babaeng nakikipag usap sa mga lalake at vice versa.

Pag nasa labas ka naman may mga nag vo-volleyball at nag-babasket ball.

Napagisipan mo munang maglakad lakad dito sa hallway kung saan pwede mo makita ang mga nag vo-volleyball at nag-babasketball.

Nahinto ako nang may maisip

Ang saya!

Ang peaceful!

"Ay siomai!" Malakas kong sabi nung may bumunggo saakin at napaupo ako sa lakas ng bunggo.

Natapunan pa ako ng shake, what an unlucky day for me.

Na-double kill ako.

"Shake ko!" sinabi ng nakabunggo saakin na halatang may panghihinayang.

"My gosh naman oh! Tinaymingan mo pa talaga na puti damit ko! At di mo pa talaga ako tutulungang makatayo!" Naiinis na sabi ko.

"Hoy Miss walaakongpakesapangalanmo! Dahil sayo natapon shake ko!" Halatang halata yung galit nya dahil lang sa shake, pero tignan mo nga ako oh! Nilalamig na, nagmukha pang nag swimming sa chocolate lake.

Tumayo ako kasi alam ko namang di ako tutulungan netong lalakeng toh.

"So naka-injure ka na nga ng tao at na manstyahan mo pa yung damit, ang iisipin mo parin yung shake mo!?!?!" Nagtitimping sabi ko habang galit na talaga mukha nya.

"Ano ba dapat!!!" Napaka lakas na sigaw nya dahil doon marami nang tao ang napatingin pati yung mga naglalaro napahinto.

"Yung tao malamang!?!?! Di ka ba talaga nag-iisip? O sadyang bobo ka lang talaga na kahit sorry di mo alam?" Halatang halata yung galit sa mukha nya at mukhang mag bubuga na ng apoy.

Lion High [ON-GOING][NAPAKA-SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now