Damn. Mukhang gagawa pa siya ng gulo rito!

"I'm sorry." Walang buhay kong sabi.

"Oh my gosh! My dress!" Tumaas ang boses nito dahilan para makatawag pansin ng ilan. "Alam mo bang pina design ko pa ito sa isang kilalang designer, tapos bubuhusan mo lang ng wine?!" Mas malakas niya nang sabi ngayon.

Nakuha na namin ang atensyon ng lahat. Sina Mom ay papalapit na sa kinaroroonan namin na nagpanginig sa akin sa kaba.

"Hindi ko naman sinasadya—"

"Ang sabihin mo, naiinggit ka sa dress ko!" She mocked me and it makes me confused. "Kung sabagay," she smirked at me. "Maiinggit ka talaga, cheap na nga 'yang suot mo, cheap pa 'yang mukha mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Akmang magsasalita na ako para depensahan ang sarili nang magsalita siyang muli. "Ano ba naman itong maid niyo, Mr. and Mrs. Siervo, pakalat-kalat! Ayan tuloy nasira na ang gabi ko." Salubong niya sa kararating palang na sina Mom.

Mahigpit akong hinawakan nito at bumulong sa akin. "What the hell did you stupidest do, again?" Nakangiting bumaling siya sa babae. "Pagpasensiyahan mo na itong... ahm... anak ko." Ramdam na ramdam ko ang pagiging miserable niya.

"You okay, ate? Don't mind our mom, ayan na naman siya sa sakit niya." Pag-aalu sa akin ng kapatid ko.

Napayuko ako para hindi nila makita ang sakit na dumaan sa mukha ko. Ganoon na ba talaga niya ako ka-disgusto para hindi matuwid na masabi na anak niya ako?

"Hayaan mo at pagsasabihan ko ito—"

Parang pinupunit ang puso kong pinilit na alisin ang kamay niya sa wrist ko.

"What the hell are you doing? Huwag na huwag mo akong ipapahiya rito." May diing sabi niya sa akin.

"Mom, that's enough. Maraming tao and nagugulo niyo ang debut ko." Mahinhing wika ng kapatid ko. "Go to your room na, ate."

Marami na ang nagbubulungan tungkol sa akin na agad namang pinapatigil ng kung sino.

I bit my lower lip as I obeyed what she wants me to do. I politely bow my head to the girl. "I'm really sorry for what I've done, next time huwag kang humarang." I whispered my last sentence.

"Rafaella!"

Umalis ako roon at muling nagkulong sa aking silid. Hindi na ako nag-abala pang puntahan ang sinadya ko talaga kanina, dahil para saan pa? Paniguradong alam na alam na rin niya ang nangyari. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag sa pangalan ko ng kung sinong pamilyar na boses. Ilang katok pa ang aking narinig sa labas nitong aking silid na tumigil din naman.

Nakaidlip na ako sa kakaiyak nang pabalyang bumukas ang pintuan ng aking silid, kasabay ang pagbukas ng ilaw. Naririnig ko ang pagpipigil ni Khazumi at Dad, isama na pati si Nanny, kay Mom na siya palang pabalyang nagbukas nitong silid ko.

"Gumising ka riyan, Rafaella Mondia Siervo! Let's talk!" Bakas sa boses ni Mom na nakainom siya.

"Pabayaan mo na ngang matulog ang bata, Sarrah!" Nakahawak sa sintidong saway ni Dad.

"Mom, it's midnight na po, bukas na iyan." Pagpipigil ni Khazumi.

Napaupo ako at tuluyang naalimpungatan sa ingay nila. Nanlilisik ang mga mata ni Mom na dinuro-duro ako.

"Oh, shut up!" She yelled. "Alam mo ba ang ginawa mo, ha?! Anak iyon ng business partner ko at dahil sa 'yo ay mukhang magba-back out sila!"

Hindi na kinaya ng pasens'ya ko at tumayo na para harapin siya. Ubos na ubos na, sinagad niya ang pasens'ya ko. Sagad na sagad na ang pang-unawa ko sa pamilyang ito. Nang makita ang pagkamuhi ko sa kanila, they looked stunned.

"Kasalanan ko pa pala na patanga- tanga ang babaeng iyon? Stop blaming me for everything na hindi ko naman ginagawa o kaya naman ay wala akong kinalaman! I'm so tired of you!"

"Aba't sumasagot ka na!" She slapped me hard, it makes me felt dizzy.

"Mom!"

"Sarrah!"

"Hindi kita pinalaking ganiyan. Binigyan ka namin ng magandang buhay ng Daddy mo tapos kung makasagot ka sa akin ay parang kung sino lang ako! We gave you all your needs and wants, at least respect and utang na loob sa amin, hindi mo magawa? How dare you!"

Gustong-gusto kong sabihin at ipakita sa kaniya— kanila ang pinalaki nilang anak kuno pero pagod na pagod ako. "Bakit niyo po iyan sinusumbat sa akin?" Puno ng hinanakit na pumikit ako. Nang magmulat ako ay walang emosyon akong ngumiti sa kanila. "Sorry. Don't worry, tomorrow will be the last na makikita niyo ako rito. I will not—"

Natigil ako sa pagsasalita nang sampalin niya akong muli. Parang tatabingi ang mukha ko sa lakas nito. Naalog nga yata pati braincells ko.

"Talagang sumasagot ka na!"

"Sarrah!" Sa sobrang lakas ng sigaw ni Dad ay nakitaan ko ng takot ang mukha ni Mom. "Don't you dare hurt my daughter again." Madilim ang mukha nitong tumalikod sa amin. "Sumunod ka sa akin, let's fucking talk."

Nang mawala siya ay katahimikan ang bumalot sa amin. Kitang-kita ko ang takot at pangamba sa mukha ni Mommy na unti-unting napapalitan ng galit. "Sa susunod na sumagot ka sa'kin ay hindi lang iyan ang matatanggap mo. At saka nga pala, nanliligaw ba sa'yo ang batang Dela Fuerte? Bastedin mo siya... after all, magiging brother-in-law mo iyon dahil ipagkakasundo ko 'yon sa kapatid mo. Tandaan mo 'yan." May babalang sabi niya sa akin bago sumunod kay Dad.

Naiwan akong tulala. Marahan akong pumikit at yumuko sa pagkadismaya. The only man who can make me feel better and happy will be soon... marry my younger sister.

Lumapit sa akin ang kapatid ko. "Don't mind our Mom, tatanggi ako." May pag-aalinlangan niyang sabi sa akin.

I smiled at her a bit. "Tatanggi ka talaga?"

Napakurap-kurap siyang tumango. "Sigurado na ako. Tatanggi ako, ate. And mas'yado pa akong bata para sa kasal-kasal na 'yan, 'no." Ngumisi siya sa akin. "Ano ako magpapakasal na lang sa hindi ko naman kilala and worst, hindi ko pa nakikita."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean sa hindi mo pa nakikita at kilala gayong kapatid ito ng kaibigan mo?"

She stiffened. "Haler, ate, ayoko sa matatanda and you know, wala akong pake sa mga kapatid ni B-Bella." Napanatag naman ako sa narinig.

Naupo siya sa gilid ng aking kama at yumakap sa akin. "I'm sorry for everything I've done."

I bit my tongue. How could I be jealous with her? Anong klaseng kapatid ako para mag-isip ng ganoon. Parang nabibiyak ang puso kong yumakap pabalik sa kaniya.

"I know," I softly said. "I love you, little sis."

Bumungisngis siya. "I love you too, ate. And hindi na ako bata, kaya ko na ngang magpatayo ng—"

"Oh, shut up—"

"Ang green minded mo naman, ate," humagikhik siya. "I mean kasi is bahay gano'n pero... pwede rin 'yang sinasabi mo."

Doon ko siya nabatukan. Pansamantalang nawala ang sakit ng dibdib ko habang nakikipagtawanan sa kapatid ko. Hope this will never last.

Fic2philary / Nov 2, 2023

The Villain You Never Wish To Mess With Where stories live. Discover now