Chapter 19 - Paghatid

19 0 0
                                    

Jasmine's POV

Monday na naman. Maaga na naman ang pasok. Di ako makagetover sa panaginip ko nung isang gabi. At ikwento ko daw ngayon kay CJ. Kakahiya!

*bbbbbzzzzz*

From: Babe :)

Babe kwento mo sakin ha! Don't forget! Imissyou! Mwaaaaa! :***

Katuwa talaga mga text nya :3

Ang sweet. Mamaya ko nalang ikwekwento pagkatapos ng practice para sa prom :)

Practice ng prom...

"Ehhhh babe, kwento mo na. Kwento mo na!" Parang bata tong si CJ!

"Sssshhh ka lang! May makarinig sayo, tamo! Mamaya nalang. Anjan pa man din si Veronica at Martin. Nakakahiya!"

"Eh sabi mo ikkwento mo. Diba sabi mo? Excited pa man din akong malaman yun. Please babe?" Tapos nagpacute sya sakin. Haaaayyy. How could I resist him?

"Eh bsta mamaya. Maghintay ka. At tsaka, wag ka ngang pacute dyan! Mukha kang monggoloid. Hahaha!"

"Ah ganun. Mongoloid? Mongoloid pala. Ganon pala. Ganyan ka ha! Gwapo kong to!" Medyo tampu-tampuhan effect ang mokong.

"Oh game practice na! Lapit na mga cottilioners!" Biglang sigaw nung choreong bakla. Ba yan! Panira ng moment.

After ng practice..

Naglalakad na kaming lahat palabas ng school.

"Baby hahatid mo ba ako? Malapit lang naman yung boarding house ko dito." Biglang imik ni Veronica at sabay lapit kay CJ.

"Uhhh, s-sure.." tapos biglang napatingin sya sakin. Yung tingin nya parang nahingi ng permiso sakin. Ayy, ano to? Pde naman nyang ihatid e. Ok lang nman sakin. Si Veronica naman ang legal. Kabit lang ako. Choss! Haha.

"Sya una na kami CJ ha. Ingatan mo si Veronica. Bawal chansing!" Sabi ng bff ko, si Estelle. Haaaayst. Uuwi na naman akong bigo.

"Ako na maghahatid kay Jasmine." Biglang sulpot ni Kristoff. "C'mon Jasmine. I havent seen you these past few days. And I missed you." Oh my gosh!

"YIIIIIEEEEE!!" Sigaw nilang lahat. Except kay CJ. Si Martin naman nangaasar pa ang ngiti sakin.

Biglang tumalikod na si CJ at hinawakan sa bewang si Veronica.

"Let's go BABY." sabi ni CJ kay Veronica. At talagang diniinan pa yung salitang BABY ha! Pakyu ka!

"Bye bff's!" Kaway samin ni Veronica. Tapos kumindat pa sakin. Niloloko nila ako kay Kristoff -___-

"Let's go Jasmine?" Tapos nagsmile sakin si Kristoff. Namiss ko din nga naman tong lokong to.

Hinawakan nya ang kamay ko tapos iginiya nya ako papunta sa kotse nya. Di ko na tuloy naikwento kay CJ. Hayyy.

"How are you? Mukhang di ka nagpapakita sakin lately ah? Busy much?" Sabi sakin ni Kristoff.

"Oo e. Daming gawain. Prom. Thesis. Paperworks. President pa ng Org. Hayy grabe. Stress."

"Want to hang out a bit? Pasyal lang tayo?"

I nodded. Kahit papano di ko masyadong maiisip yung SPG kong panaginip kay CJ.

"Mukhang ang tahimik mo ah? May problema ba?" Tanong sakin ni Kristoff.

"No im ok. Just tired." Nagsmile ako sakanya. Hayy. Nagseselos ako dun sa BABY nya! Bwisit!

Babe, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon