Chapter Three

14 0 0
                                    

"Yeri, sumama ka sa'kin." Nagulat ako sa isa sa staff ng YG. Nandito ako ngayon sa dance studio, nagpapractice kami si Aeka at ng ibang trainees.

"Taray. Parang kinikidnap lang." bulong sa'kin ni Aeka, agad ko namang tinapik ang braso niya.

Tumango nalang ako dito sa babaeng staff at saka sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming naglalakad, ang awkward pero kailangan kong malaman kung anong kailangan niya sa'kin.

Nagkunwari nalang akong naglilibot ng paningin sa bawat parte ng hallway at bawat pintong madadaanan namin. May nadadaanan kaming mga pintuang nakabukas, nakikita ko galing doon ang mga trainees na sumasayaw, may mga kaedad ako at meron ring mga cute na bata pero sobrang lit na kung gumalaw.

Hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad, na-aliw kasi ako sa ibang trainees lalo na't may nadaanan pa kami na trainee na siguro nasa 8 years old, sobrang cute nila. Huminto kami sa tapat ng elevator at hinintay na bumukas ito.

Sumakay kami ng elevator ngunit bago pa ito magsara ay may isang kamay nang humarang. Pumasok ang isang lalaking buhok bunot, malaking ngiti ang ibinigay niya sa staff na katabi ko, humarap rin siya sa'kin at nginitian ako, binigyan ko siya ng nagtatakang ekspresyon. Hindi ko siya kilala pero ang laki ng ibinigay niyang ngiti sa'kin.

"Oh Yedam, pupunta ka ba sa opisina ni Mr. Yang Hyunsuk?" Buti nalang at nagtanong yung staff kaya agad napabaling ang atensyon nitong weirdong lalaking 'to sa kanya.

"Opo. Pinapunta niya ho ako sa opisina niya." Sagot nito.

"Ah gano'n ba? P'wedeng humingi ng pabor?" Tanong ng staff at saka tumingin sa'kin.

"Okay lang po." Sabi niya at ngumiti.

"Sa opisina rin sana ang punta namin kaya lang pupunta pa ako sa 5th floor para kunin ang mga papeles na hinihingi ni Mr. Hyunsuk, p'wede bang ikaw nalang ang maghatid sa kanya papuntang opisina tutal dun rin naman ang punta mo." OMO! Mas lalong awkward!

"Hindi na ho kailangan. Alam ko naman ang opisina ni Mr. Yang Hyunsuk." Pagsabat ko.

"Ayos lang. Sabay nalang tayo, doon din naman punta ko." Sabi ni weirdo. Tumango nalang ako, tutal wala na rin akong magagawa. May pinag usapan pa yung staff at si weirdo pero hindi ko nalang pinansin, OP naman ako sa kanilang dalawa.

Bumukas na ang pinto ng elavator hudyat na nasa 5th floor na kami. "Oh ikaw na bahala sa kanya, Yedam." Paalala ng staff.

"Okay po." Ngumiti na naman siya ng napakalaki. Tumingin sa'kin ang staff, tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Nagsara na ang elevator hudyat na kaming dalawa nalang ang natitira sa loob.

"Hello." Bati niya. Fck hindi ako marunong sa ganito, nakalimutan ko nang maging friendly.

"Hi." Sabi ko nalang nang hindi tumitingin sa kanya. Ang disrespectful ko pero ang awkward kasi talaga.

"Ilang taon ka nang trainee?" How did he know na trainee ako, p'wede namang bisita lang or mag auaudition palang ako.

Napansin niya sigurong natahimik ako. "Oh. Nakikita kasi kita minsan dito sa building." Napatango nalang ako. Nakikita niya 'ko? Nakita ko na rin ba siya dito? Ewan ko ba!

"Uhm btw I'm Bang Yedam, a 6-year-trainee." Nag echo sa'kin yung 6-year-trainee, that long nakaya niya? Bilib ako sa kanya. But he really seems familiar.

"Park Yeri, 2 years." Maikling sabi ko at nakipagkamay sa kanya. Ngumiti na naman siya, agad kong hinablot ang kamay ko, ang creepy naman oh.

Tumunog na ang elevator, dali dali akong naglakad palabas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YG Treasure BoxWhere stories live. Discover now