Chapter 1

9.8K 158 3
                                    

TEN DAYS AGO...

Pabalik-balik ang wiper sa windshield ng kotse pero parang nang-aasar ang patuloy din na pagpatak ng malakas na ulan kaya halos wala din siyang makita sa unahan niya. Mabagal lang pagtakbo na ginagawa niya dahil sa delikado ang madulas at paliko-likong daan. Kung bakit ba naman kasi umulan pa ng malapit na siya sa pupuntahan niya. Dapat ay sinunod na lang niya ang suggestion ni Sam, ang kanyang fiance.

"Magpahatid ka na lang kay Mang Gener." Tukoy nito sa personal driver nito. "I heard there is a typhoon coming. Baka kung mapano ka."

"Sam, I can manage. I can drive my car. At saka it's a two hour drive lang naman from here." Paniniguro niya sa kasintahan. "I'm sure hindi ako aabutan ng bagyo."

"But Aleiza, what if maipit ka sa traffic?" tanong ni Sam sa kanya.

"Sam, don't worry. I'll take care of myself."

"Hindi mo naman maiaalis sakin ang mag-worry. At saka ano ba kasi ang gagawin mo sa resort na yon?"

Natigilan siya. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "I just needed a time to unwind. Masyado akong stressed sa preparation for the wedding. Kailangan ko muna siguro ng sariwang hangin."

"Really? Then why don't you want me come with you?"

"No need. Your job needed you. I know naman na kailangan ka palagi sa site." Engineer si Sam at kasalukuyang humahawak ng isang itinaayong high rise building sa Manila. "Hindi naman pwedeng aalis ka everytime na magkakaroon sa site ng problema. Masyado kang maaabala and I don't want that."

"Pero Aleiza -"

"Sam. It's just a one week vacation." Putol niya sa sasabihin nito. "I promise I will be back three days before the wedding."

"Okay." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya. "Just be back before the wedding. I can't wait for you to become my wife."

Kaya heto siya ngayon, nagda-drive sa gitna ng dilim at malakas na ulan papunta sa isang private resort. Tulad ng sinabi ni Sam sa kanya ay naipit siya sa traffic sa EDSA at inabot ng malakas na ulan.

Labag man sa kalooban niya ay naglihim siya sa nobyo kung bakit siya pupunta sa resort na iyon. Hindi totoo na kailangan niyang mag-unwind dahil sa stressed sa preparation sa kasal nila ni Sam ten days from now.Nahihihya siyang aminin kay Sam na kaya siya pupunta sa isang malayong resort kahit na malapit na siyang ikasal ay dahil sa nakakaramdam siya ng uncertainty.

Oo,mahal niya si Sam. Minahal niya ito sa loob ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan. Kaya nga ng magpropose ito sa kanya nung 24th birthday party niya last month ay hindi siya nagdalawang-isip na sumagot ng oo. Hindi lang siya sigurado kung gusto na ba talaga niyang magpakasal. Ipinanalangin niya na sana ay wedding jitters lang ang nararamdaman niya.

Mahigit tatlong oras na siyang nagda-drive at pakiramdam niya ay may nakataling sako na puno ng semeto sa magkabilang braso niya dahil sa pakiramdam niya ay sobrang bigat na nito at kumikirot pa. Idagdag pa ang dilim at lamig sa sobrang lakas ng ulan. Mabuti na lang at kokonti lang ang nakakasabay at nakakasalubong niya na sasakyan dahil halos zero visibility talaga.

The Bride's Groom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon