CHAPTER TWENTY-NINE

Start from the beginning
                                    

"Please mag usap tayo" sabi nya at kitang kita ko sa mata nya kung gaano sya nagmamakaawa.

"Pagkatapos mo akong iwan at lokohin babalik ka!" pasigaw na sabi ko.

"I'm sorry kung iniwan kita pero hindi kita niloko" sabi nya at kitang kita ko sa mata nya kung gaano sya nasasaktan.

"Sorry!? Haha nag papatawa ka ba! At kung hindi mo ako niloko saan ka nag punta! Bakit mo ko iniwan!? Ba't bigla kang nawala!" galit na sabi ko.

"Hin----"

"Princess tara na sa loob! Baka hindi na ako makapagpigil makapatay ako!" putol ni Kuya sabay hinikit ako papasok sa loob.

"PRINCESS" rinig kong sigaw nya.

"HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI TAYO NAG-UUSAP" dagdag na sigaw nya pa.

Edi wag kang umalis! Tsk! Pake ko!

-----

Nagising ako nang biglang kumulog ng malakas.

Hayst may bagyo ata ngayon sobrang lakas ng ulan.

Sumilip ako sa bintana at nagulat ako sa nakita ko.

"Sh*t" - ako sabay dali daling lumabas.

"P-princess s-sorry, p-please mag usap t-tayo" nanginginig na sabi nya habang nakaupo sa sahig sa isang tabi.

"Bwiset! Talagang hindi ka umalis noh! At magpapakamatay ka ba!? Bakit hindi ka pumasok sa loob ng kotse mo! Kung magpapakamatay ka wag kang mangdamay!" sabi ko habang inaalalayan syang makatayo.

Hinawakan ko leeg at noo nya at nagulat ako ng sobrang init nito.

"Ang taas ng lagnat mo!" gulat na sabi ko at inalalayan ko sya papasok sa loob.

Dinala ko sya sa guest room.

"D-don't leave me, p-please!" nanghihinang sabi nya habang nakahawak sa braso ko.

"Kukuha lang ako ng gamot at pangpalit ng damit mo! Hindi mo ko katulad MANG-IIWAN!" sabi ko pagkatanggal ko ng kamay nya sa braso ko.

Hayst bwesit tulog na mga tao dito kaya wala akong choice kundi ako ang mag asikaso sa kanya.

Lumabas na ako at pumunta sa kusina at kumuha ng gamot at nagpainit ng tubig.

Pagkatapos pinatong ko muna sa lamesa.

"Anong ipapasuot ko dun!? Tulog na si Kuya! Sarado na kwarto nya! Pati sila Manong at iba pang lalaking katulong!" - ako.

"Damit ko na nga lang! Bahala na! Eh sa wala eh!" - ako at pumunta sa kwarto ko.

"Hindi naman 'to kasya sa kanya" - ako habang naka hawak sa isang puting t-shirt.

Binalik ko na uli 'to sa cabinet at naghanap uli ng iba.

"Hindi rin 'to" - ako at naghanap uli.

"Walang kasya sa kanya bwiset!" - ako at isasarado ko na sana yung cabinet ng may makita akong isang damit na nakasingit sa tabi.

"Kasya to pero...hayst yaih na haha ito na lang!" - ako at kinuha yung t-shirt.

Naghanap naman ako ng short at nakakita naman ako agad na kasya sa kanya at medyo mahaba naman ito kaya ok na.

"Haha" tawa ko habang nakatingin sa damit na hawak ko.

Pagkatapos kumuha na ako ng panyo at lumabas na sa kwarto ko at pumunta na uli sa kusina at kinuha ko na yung gamot at yung maligamgam na tubig.

Pagkapasok ko sa guest room na pinagdalhan ko kay ano...

Basta ayokong banggitin pangalan nya!

Nakita ko syang tulog na ata.

"Arghh sinong magpapalit ng damit nya!" - ako habang pinapatong sa side table ng kama yung maligamgam na tubig at gamot.

Hayst bwesit hindi ko naman pwedeng pabayaan sya na basang basa ang damit.

Hayst!

Nagbuntong hininga muna ako bago hinubad t-shirt nya.

Nangmatapos na akong punasan at bihisan sya aalis na sana ako nang bigla namang bahagyang bumukas ang mata nya.

Akala ko gising na sya pero hindi. Mukhang nag didiliryo lang dahil sa taas ng lagnat.

Naawa naman ako sa kanya.

Paano nga kung hindi nya ako niloko.

Paano kung may pinuntahan lang syang importante, inayos na problema.

Pero bakit!? Bakit hindi manlang sya nagpaalam!? Pwede naman nyang sabihin. Papayag naman ako, tutulungan ko pa sya at sasamahan.

Ang sakit lang! Girlfriend nya ako pero bakit ganun!?

"My Princess" pagsasalita nya habang pahilig hilig ulo nya sa kaliwa at kanan.

"I'm sorry" sabi nya sabay hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at saka sya napatingin sakin.

Titig na titig sya sakin kahit na bahagya pa ring nakabukas ang mata nya.

"Mahal na mahal kita" sabi nya sabay hinikit ako ng malakas kaya napapatong ako sa kanya. Nasa ibabaw na nya ako.

"Bitawan mo nga ako!" sabi ko habang todo sa paggalaw pero hindi parin ako makaalis dahil sa sobrang higpit ng pagkakakapit nya sa likudan ko.

"Ano ba!" inis na sabi ko habang todo sa pag pupumiglas.

"Bitawan mo sabi---" napatigil ako sa sasabihin ko dahil sa bigla nyang idinikit ang labi nya sa labi ko.

*****

Don't forget to vote 💕

Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess)Where stories live. Discover now