Dahan-dahan. Papalapit nang papalapit. 7:06 AM. Tamang-tamang panimula ng isang araw na Hindi ko alam kung saan patungo. Nagsisimula na naman ang walang kwenta kong buhay. Salamat nga kasi nandyan ka, at napapagaan mo 'ko kahit papaano.
"Armi, uy may sagot ka ba sa Math? Pa-kopya naman dyan."
Haaayy. Ayan, nakalapit ka na. Sabi na nga ba. Pero okay na 'to, sanay naman na 'kong gamitin ng mga tao.
Wala naman na 'kong magagawa. Dali-dali kong kinuha 'yung notebook ko sa Matematika, at inabot iyon sa'yo. Tila nakuryente ako, nang magtama ang mga kamay natin.
"Salamat, Armi!" Sabay ngiti mo.
Ngumiti ka na naman. Kilig. Yun ang tanging naramdaman ko. Umakyat na nga ata lahat ng dugo ko papunta sa mga pisngi ko, dahil lang dyan sa iisang ngiti na nasilayan ko mula sa labi mo. Leche.
"Uy galit ka ba? 'Di ka na naman nagsasalita. Sorry, kokopya na naman ako ng assignment mo. 'Di 'ko kasi natapos kagabi. Pramis, 'di na 'to mauulit!" Itinaas mo pa yung kanan mong kamay na parang nanunumpa.
Ngumiti na lang ako, at saka tumango. Pagkatalikod mo, umayos na ang sistema ko. Maya maya'y pumasok na yung susunod namin guro, at nagsimula na naman ang isa pang araw sa mundo ko. Bumagabag na naman sa isip ko ang isang tanong na hindi mawala-wala sa isip ko. Hindi mo ba talaga ako naalala, Allen?
******************
Dahan-dahan. Papalapit nang papalapit. 4:30 PM. Naglalakad na ako papalabas ng eskwelahan, kakatapos lang kasi ng klase. Gusto ko nga sanang antayin ulit si Allen, kaso narinig ko kanina na alas-siyete pa sya uuwi dahil sa isang group project. Wala na akong nagawa kundi ituloy ang paglalakad ko.
Madami akong nakasalubong. Yung iba, kilala ko pero hindi ako pinapansin. Sanay naman na ako. Nahihiya naman kasi ang lahat pag kasama ako, kaya walang pumapansin sakin, maliban lamang pag may kailangan sila. Wirdo raw kasi ako. Walang kaibigan. Oo, masakit. Pero ito na 'ko eh. Ganyan naman talaga ang mga tao, kung ayaw sa'yo, 'di na gagawa ng paraan para makilala ka lalo at 'yong buo mong pagkatao. Sa tingin ko naman, hindi ako tulad ng inaakala nila. Hindi lang kasi ako yung tipo ng tao na mahilig makipag-"socialize", introvert ako kumbaga.
Habang naglalakad, may nakita akong nagtitinda ng mga streetfood. Sakto, gutom na 'ko! Lumapit agad ako, at nakisiksik sa mga tao. Natakam ako sa mga nakita ko! Fishball, Kikiam, tapos may kwek-kwek pa!
"Kuya, penge naman akong lalagyanan." Galing ito sa isang boses na mula sa likod ko.
Pamilyar ah. Parang boses ni A---
"Uy Armi, ikaw pala yan! Ba't andito ka? 'Di ba kanina pa yung uwian?"
Allen. Si Allen na naman! Akala ko nasa school pa sya?
"A-Ah, k-kase ano p-paborito ko kase 'to." Pabilis na nang pabilis yung pagsalok ko ng fishball sa lalagyanan ko. Leche! Ba't bigla akong nahirapang magsalita?
"Parehas pala tayo. Napadaan lang ako dito kasi pauwi na 'ko. Ikaw ba?" Sabi ni Allen habang kumukuha nung kwek-kwek.
"A-Ah a-ako din." Nauutal na naman ako!
Natapos na 'kong kumuha ng mga kakainin 'ko. Nagbayad na 'ko don sa tindero, habang si Allen, kumukuha pa ng iba maliban doon sa kwek-kwek.
"San ba daan mo? Dire-diretso lang ba?" Ani Allen.
Tumango na lang ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Kahit ilang beses na kaming nag-usap, iba pa rin talaga ang epekto sakin.
YOU ARE READING
Allen (One Shot)
Teen FictionIsang bagay lang naman ang gustong mangyari ng dalagang si Armi, ang maalala siya ni Allen.
