PANAGINIP *brutal*

79 8 0
                                    

Hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal sa madilim na lugar na ito, at sigurado akong hinahanap na ako ni mama at papa.

Ayoko sa lugar na ito dahil maaamoy mo ang malansang amoy. May kaba at takot saaking dibdib tuwing may papasok na lalaking nanakamaskara sa silid na ito, at kukuha ng mga batang walang tigil kung umiyak. Mabuti na lang at nasa sulok ako kaya hindi ako nito napapansin.

"Hu-uwagg po-o Maawa po kayo saakin huhuhuh " hagulgol ng kapwa ko bata, patpatin ang bata, hila hila ng lalaking nakamaskara naani moy mapuputol na ang buto dahil sa pagkakahila sa kanya ng isang lalaki.

Walang nagawa ang bata kundi ang sumama ba lamang, nakaramdam ako ng awa sakanya kaya iniyak ko na lamang ito. Lima na lang kami dito at ang bawat isa saamin ay hindi nagsasalita dahil alam namin na may nakamanman saamin.

Isang maling galaw mo lang baka ikaw na ang kunin. Mala hayop ang trato nila saamin dito. Hindi ko masabi kung umaga na ba o gabi na, parang gusto ko nalang mamatay dito. Dinadalan nila kami ng pagkain na parang kanin baboy.

"ahhhh Tulonggg Tulangan niyo ako "sigaw ng isang batang babae na hinihila ng lalakeng naka maskara, humihingi ito ng tulong, ngunit wala naman tumutulong. Tinakpan ko na lamang ang aking tenga upang hindi ko yun marinig.

Ilang sandali pa lang ay narinig ko ulit ang pagpihit ng doorknob at bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang isang lalaking naliligo ng dugo at may hawak itong kutsilyo na may dugo rin.

Labis ang takot na nadama ko ng mapapad saakin ang kanyang tingin, bigla namang nagpuntahan sa sulok ang mga bata na animoy takot na takot. Nakita kong papunta na siya sa kinaroroonan ko kaya sumiksik ako sa gilid at pumikit, labis ang aking pagkagulat ng hawakan niya ang aking braso at hinila pa tayo.

"arayy ko po masakit po maawa po kayo saakin huwag po" hinila niya ako palabas at parang mapupunit ang aking balat at parang mapuputol ang akong braso dahil sa kanyang pagkakahawak. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama.

Halos masuka ako sa amoy na bumulaga saakin paglabas ko sa madilim na silid na iyon, amoy parang nabubulok na laman. Itinali nila ang aking kamay.

Pag tingin ko saaking harapan nakita ko ang kinuha nilang bata kanina wala na itong buhay at nakatali ang pareho nitong kamay at paa sa kanyang hinihigaan.

May saksak ito sa leeg, sumisirit pa ang dugo nito. Mukhang pinahirapan dahil sa paso ng sigarilyo sa kanyang mga binti at paa. Wala akong nagawa kundi ang umiyak, may lumapit na dalawang lalaki naka mask sa batang babae na walang buhay.

May kinuha silang mga kagamitan, laking gulat ko na sinaksak nila ito sa tiyan ng bata. Ang buong akala ko ay itatapon na lang nila ang bangkay kung saan. sumisirit ang dugo habang hinihiwa nila. Animoy baboy ang musmos nitong katawan. Kitang kita ko ang pag kapunit ng balat nito at pag tulo ng dugo ng buksan nila ito ibinuka nila ang tiyan ng bata

Bumulaga saakin ang lamang loob nito, gusto kong masuka. Napaka sama nila wala silang puso. Kinuha rin nila ang puso nito kitang kita ko ito at inilagay sa cooler. Pagbukas ng cooler ay nakita ko din ang mga ibang laman loob doon na sigurado ako na laman loob iyon ng tao na nakasama ko sa madilim ba silid. natulala na lang ako sa mga nakita ko. Nawawala na ako ng ulirat sa mga nasasaksihan ko.

Nagising na lamang ang diwa ko ng narinig kong mag salita ang isang lalakeng naka maskara

"BOG ipakaain mo na to sa mga ibang batang nandon" habang hawak ang atay na kinuha niya mula sa bata.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, na suka ako. Kaya pala hindi ko maiintindihan ang lasa ng aking kinakain dahil laman ito ng tao.

Napatingin naman saakin ang Bog na yon at sabi niya "Masarap ba? Susunod kana." at kinuha niya ang atay na ibinigay ng lalaki at pumunta sa lamesa kung saan niya hiniwa ang atay at hinalo sa kanin.

Mga baliw ang mga taong ito "Pauuwiin niyo na ako" pag mamakaawa ko "Makakauwi ka naman eh kapag wala kanang lamang loob ihahatid na lang namin ang bangkay mo sa mga magulang mo hahahahah" sabi nung bog.

Ibinalin ko na lang ang tingin ko sa lalaking kanina pa kinakal ang loob ng katawan ng b.atang babae nagulat ako ng ibuka niya ang nakapikit nitong mata gamit ang mga daliri niya, at dinudukot ang mga mata nito kitang kita ko ang pag patid ng mga ugat nito.

Ng matapos niyang dukutin ang mga mata nito ay tinanguan niya ang ilang armadong lalaki at kinuha ang bangkay ng batang babae at inilabas sa silid ng walang buhay at lasug lasog ang katawan, wala nang mga laman loob.

Hinatak ako ng isang aramadong lalaki "Huwa-g po. Mama Papa tulungan niyo po ako" sigaw ko, ngunit parang wala sila naririnig. Hiniga nila ako kung saan naka puwesto ang batang babae kanina.

Itinali nila ang mga kamay at paa ko sa bawat sulok ng hinihigaan ko. Pumikit na lang ako at marahil ito na katapusan ko. Kung sana nakinig na lang ako kay mama at papa na huwag nang lumabas kasi gabi na ay di sana mangyayari saakin to.

Nabalikwas ako nang magising ako, nanaginip nanaman pala ako. Ngunit hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko. Dahil sa pagkakatali nito sa bawat sulok ng higaan ko......

Midnight Horror STORIES Where stories live. Discover now