Pinadala naman agad si Vice sa office dahil sa hindi kumbinsido ang prof niya sa nasabing dahilan. 

Sa wechat ng magbarkada...

"Kuys, si Vice nasa office ni Dean."  - Billy

"Ha? Bakit? Kakabugbog lang dun, mukhang nabugbog na naman!" - Vhong

"Ewan ko nga eh." - Billy

"VICE!!!!" - Vhong

"Bestieeee!" - Billy

"Jose Marie!" Vhong

"Huy!!!" - Vhong 

Nang malaman ni Vhong ang dahilan ay agad naman silang nagkita ni Billy para sabay na nilang mapuntahan ang best friend nila. Pagkarating doon ay nakita naman nilang tahimik nakaupo si Vice sa isang bench sa labas ng office. Tumayo na rin ito at mabilis na aalis sana ngunit hinabol naman siya ng dalawang magkaibigan.

Nang hinawakan na siya sa braso ni Vhong ay hinatak na siya nito papunta sa kanilang tambayan. 

"Brad, anong nangyari?" tanong ni Vhong nang makitang naluluha na ang kanyang kaibigan. Naupo na si Vice at sinubukan naman niyang magkwento ngunit hindi niya kayang magsalita. "What's this about Kuys? Parang wala ata akong alam dito." tanong naman ulit ni Billy.

"Si Karylle.." matamlay na sagot naman ni Vice.

"Ano meron sa kanya brad?"

"Siya dahilan nito..Siya talaga eh. " at nagulat naman si Vice sa kanyang nasabi.

Nagtitigan naman si Vhong at Billy ng dahil sa narinig. Pero hindi na muna sila nagreact.

"Sh*t. Bakit ba kasi ganito? Bakit ko ba nararamdaman 'to? Bakit ko nasabi yun?"  bulong ni Vice sa sarii niya. 

--------------------

Meanwhile, si Karylle naman ngayon ay kasama ang kanyang boyfriend na si Yael sa band practice nito para sa kanilang nalalapit na event. She was just sitting sa isang corner playing with her phone while her boyfriend was too busy rehearsing. 

She tried calling her best friends pero hindi rin sumasagot ang mga ito. Even her most beloved best friend, Vice was ignoring her calls. 

She felt lonely that she already started talking to herself.

Karylle's POV

Ano ba naman 'to. How come my friends aren't answering their phones? Mismong boyfriend ko busy naman sa pag rehearse. Can I at least have someone to hang with while waiting for Yael to finish this?

"You okay there baby?" 

I turned to my side and just smiled back. Yeah right, as if naman i'm really okay. I'm really bored! I turned to my phone once more and tried calling Vice.. 

ViceRylle: PansamantalaWhere stories live. Discover now