Kabanata I

57 0 0
                                    

Tick

Tock

Tick

Tock

Ang lakas na naman ng ulan, sumabay pa ang napakalamig na ihip ng hangip at malalakas na mga kulog. Nagliliwanag pa ang kwarto ko dahil sa mga kidlat na nagmumula sa langit.

Malamang, saan ba nagmumula ang kidlat? Ang tanga ko minsan. Haha.

Hindi ako mapakali sa higaan ko dahil kanina pa ako giniginaw. Kahit nakatalukbong na ako ng kumot ay damang-dama ko pa rin ang ihip ng hangin.

Sumulyap ako sa orasan sa tabi ng kama at doon ko napagtanto na Alas-dose na pala ng madaling araw.

Kailangan ko nang matulog. Baka ma-late na naman ako sa eskwela bukas at mapatayo na naman ako sa likod ng classroom.

Sandali akong napatingin sa aparador sa harap ng aking kama, antigo na ang kulay nito. Gawa ito sa kahoy ng Narra kung kaya napakatibay pa nito kahit ilang siglo na ang napagdaanan.

Sabi ni Lala, galing pa daw ang aparador na iyon sa lolo ng lola niya na kapanahunan pa daw ni Magellan. Weird, right?

Nasa ibabaw ng aparador na yun ang mga koleksyon ko ng laruan. May mga pogs, holen, sipa, at Robot katulad ng Transfomer! Sa lahat ng laruan na meron ako, isa lang ang pinakapaborito ko, si Ted, ang aking paboritong teddy bear. Oo, hindi siya robot.

Ang sarap pagmasdan ng mga laruan ko sa gabi. May mga nagliliwanag pang ilaw sa loob ng aparador ko at may lumalabas na dwende dito. Para lang siyang maliit na robot na magnanakaw. Hahaha

"Haysh, makatulog na nga" wika ko kasabay ng pagbuga hininga sa hangin. Ipinikit ko na ang aking mga mata ang hinayaan nalang na higupin ako ng dilim upang makapagpahinga.



Teka,

Yung aparador ko umiilaw? Wala akong nilagay na ilaw dun ah?

At may dwende? Wala akong dwendeng robot!

Napabalikwas agad ako sa kama at napatingin sa aparador ko.


"AAAAAHHHHHHHHHHHHH"

Kasabay ng aking pagkagulat ay ang pagkahulog ko sa kama. Paano ba naman kasi yung dwende na nakita ko kanina-------


------Pagtingin ko,




Nasa may kama ko na!


"Aray ko, ang sakit ng ulo ko" feeling ko tuloy sumakay ako ng ferris wheel na nag-ala gulong ng sports car ang ikot.

"Aray, ang sakit. Ang sakit ng katawan ko"

Halah! Sino yun? Agad akong kinilabutan ng marining ko ng boses na yun. Napakaliit.

Hindi kaya siya ang dwendeng nakita ko kanina?

Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses.

Wala sa kama

Tinignan ko sa malapit sa aparador

Wala din

Siguro imahinasyon ko lang

Nang masiguro kong wala ng bakas ng dwendeng yun, pumunta na ako sa aking kama ngunit palingalinga pa din ang aking ulo dahil baka mamaya bigla nalang sumulpot yung empaktong yun.

"Arayyyyyyyy! Ang sakitt! Tumingin ka nga dito"

"AAAAAAHHHHHHH"

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 03, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Ang Paglalakbay ni KikoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin