2049 (1)

11 0 0
                                        

"If you've been given the chance to go back to the past and make everything right, would you go back in time?" tanong sa amin ng Amerikanang doktor.

"Ano raw?" tanong ko naman kay Tootsie, kasama ko sa trabaho.

"Kung babalik ka raw sa dati tapos pupunta kang kanan, bakit ka raw may orasan sa likod." Sagot naman niya. "Ang ganda ganda netong ni Dok Beautiful di ka nakikinig!"

"Tanga! Ang sabi bilisan mo raw kumanan kasi wala nang oras!" sabi naman ni Poknat na nasa likod ko. Kasama rin namin siya sa pinagtatrabahuhan namin na construction.

"Oh teka lang, wag kayo mag-away diyan" Sabi ni Mr. Lipoga, "ang tanong ni Miss Yorker dito, eh kung babalik daw ba kayo sa oras at gagawing tama yung mga pagkakamali niyo, pipiliin niyo bang bumalik sa oras?" nilinaw niya sa aming tatlo. Di ko alam bakit niya kami sinama rito sa lugar na katulad ng ganito eh.

Puti yung mga pader pati yung mga sahig. Puno ng mga makinaryang hindi namin alam kung pano gamitin ang nakalagay dito sa kwartong pinasukan namin. Matagal na kami sa construction work pero hindi pa kami nakakakita ng ganito kalalaking makinarya sa tala ng pagtatrabaho namin. May mga makinaryang parang kabaong, merong parang arinola lang, meron din na parang malaking electric fan. Basta lahat siguro ng maisip mong makinarya, nandito.

Walang gaanong tao dito sa loob. Si dok beautiful, Mr. Lipoga, Tootsie, Poknat at ako lang ang nandito. Sa labas, bago kami pumasok, dun yung marami. Lahat sila nakaputing coat tapos lahat sila nagtatakbuhan tsaka parang nagmamadali. Parang walang oras makipag-usap sa isa't isa, nagkakabangaan pero walang lingunan.

Wala silang pawis pero walang nakangiti sa kanila kahit isa.

Sabi pa naman ng nanay ko eh mag aral daw ako ng mabuti para hindi nakakapawis yung trabaho ko. Pag nakakapawis daw kasi, nakakapagod. Kapag nakakapagod, hindi masaya.

Pero kaming tatlo nila Tootsie at Poknat, masaya naman kami kahit di kami nakapagtapos sa pag-aaral at di kami nakahanap ng magandang trabaho.

"Oh anong sagot niyo?" tanong ulit ni Mr. Lipoga.

Kay Mr. Lipoga kami nagtatrabaho. Siya yung boss namin sa tinatayo namin na building. Sabi nila school daw yun para sa matatalinong scientist at gagawin daw yung isang malaking laboratory. Medyo naguluhan kami nung sinabi nila samin yun, kasi ang alam namin, aso ang laboratory.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Poknat na nangungulangot habang tinitignan yung upuan na puno ng kable sa bawat gilid. Lahat ng bagay dito eh puti. Lahat malinis, kami lang ang hindi. Pasimpleng sinubukan ni Poknat ipahid yung binilog niyang kulangot sa likod ng upuan. Nang makita siya ng magandang doktor, nagsalita siya.

"We have created a machine that lets you go back in time. But in order to test it out, we must have a person who's willing to try it." kuda niya.

"Tang inang americans." sabi na lang ni Tootsie.

"Okay! We, uhh, is yes, to, uhh, willie, uhh, very good! Hehe." biglang sabi ni Poknat. Hindi ko alam kung naipahid ba niya o naipitik na niya ang laruan niya tulad ng lagi niyang ginagawa sa trabaho namin kapag break time.

Oo, laruan ang tawag niya dun.

"Mr. Lipoga, pwede niyo po bang sabihin samin kung bakit kami nandito? Tsaka bakit po kaming tatlo nila Tootsie kinuha niyo? Mukhang di po kami bagay dito sa lugar na to. Pang-mayaman po kasi yung itsuraan eh." tanong ko.

Time MachineStories to obsess over. Discover now