Chapter 2

457 25 1
                                    

Alyssa's POV

"Bwiset na lalaki yun. Napaka antipatiko. Wag nyang sabihing dahil gwapo sya, pwede na sya umasta ng ganun," bulong ko habang pasakay ako ng taxi.

Binigay ko sa driver ang address ng apartment na titirahan ko habang andito ako sa Taiwan.

Pagdating ko sa apartment, namangha ako sa lugar. Super nice! Ayos to sa isip isip ko. Big time talaga tong company namin. Kunsabagay, world class tong company na papasukan ko. Ano pa nga bang ieexpect ko.

Sinalubong ako ng isang babae na sa tingin ko ay nasa early 40's na.

"Ni Hao! Zaoshang hao !", bati nya

"Ahm.. Good morning mam", sagot ko at nginitian ko sya.

"Ay ate girl, ikaw ba si Alyssa?", tanong nya.

"Whattt?!? Pinoy ka pala ate. Hahaha. Opo. Ako nga po. Alyssa Valdez po", at inilahad ang kamay ko sa kanya para I shake hands pero lumapit sya sakin at niyakap ako.

" Hahahaha. Oo girl, Pinoy na pinoy. Felerina Madlang-Sakay at your service. Di ba pinoy na pinoy. Tawagin mo nalang akong Ate Fe" , wika niya.

"Ibinilin ka sa akin ni Mr. Chao. Sabi nya i-welcome daw kita kaya eto. Haha.Mamaya pa yun dadating e. Nagdate lang sila ng misis nya. Hehe", dugtong nya.

Si Mr. Chao ang may-ari ng apartment na ito. Nakausap ko na sya before pero sa email nga lang.

"Nako buti nalang ate may Pinoy dito. Akala ko manonose bleed na ko kasi di ko naiintindihan language nila. Hahaha", sabi ko.

" Hay nako girl, maraming Pinoy dito sa Taiwan. Dyan nga sa building nyo may mangilan ngilan din na Pinoy. Ay yung katapat mo nga na unit Pinoy din e. Si Papa Yummy.", kinikilig na sabi ni ate Fe.

"Papa Yummy talaga ah. Crush mo ate?", tanong ko.

"Ay nako oo. Yun nga lang, bata pa sya. Di kami talo. Pero kung kasing age ko yun nako..Hahaha." , sabi ni ate Fe.

"Ay, kasing age mo siguro yun." , dagdag nya.

"Ah nice. Sana mabait. Para magkaron ako agad ng mga kaibigan dito", sabi ko.

"Ay oo. Napakabait nung bata na yun. Lahat ng tao dito kaibigan nya. Paboritong tenant nga yun ni Mr. Chao at ng asawa nya e. Halika na Alyssa. Ihahatid na kita sa unit mo", sagot ni Ate Fe.

"Salamat po ate Fe", saad ko.

"Nga pala, paalis kasi ako. E may dumating na package para kay Papa Yummy. E baka mawala dito pag iniwan ko. Pwede bang pakiabot nalang sa kanya mamaya?", tanong ni ate Fe.

"No problem ate", sagot ko.

Hinatid na ako ni Ate Fe sa unit ko. In fairness, maganda talaga. Kumpleto na din sa gamit. Maliban lang sa washing machine at dryer dahil sabi ni Ate Fe, may common Laundry area daw every floor.

Nag ayos lang ako ng mga gamit ko saglit. Kakaupo ko lang sa sofa ng maalala ko yung package na pinapaabot ni Ate Fe sa katapat ng unit ko.

Kinuha ko ang package bago ako lumabas. Kumatok ako sa pintuan nung katapat ko na unit at isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya ang tumambad sa mga mata ko..

Napasigaw ako at nagtakip ng mata .. Iniaabot ko sa kanya yung pinapabigay ni Ate Fe ng nakatakip pa din kamay ko sa mata ko..

"Pinapabigay ni Ate Fe. Dumating daw kanina. Ako nga pala yung bagong lipat dyan sa tapat ", sabi ko

"Salamat miss", Pero pwede mo na alisin yang takip ng mata mo. Unless nahihiya kang makita ang maganda kong katawan.", sabi nya habang tawa tawa.

"Ay ang kapal. Di naman maganda katawan mo no!" Sabay alis ng takip sa mata ko at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Ikaw na naman?"



Kiefer's POV

Pagdating ko sa unit ko, nagpahinga lang ako saglit ng maisipan kong maligo dahil feeling ko ang lagkit lagkit ko.. Bakit kasi ang init na e hindi pa naman summer.

Kakalabas ko lang ng CR ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Sinilip ko muna sa door peephole kung sino yun at laking gulat ko ng makita ko yung babaeng nakasabay ko sa eroplano kanina.

Isang pilyong ideya ang pumasok sa isip ko. Lumabas ako ng tanging nakatapis lang ng tuwalya.

Napasigaw sya at biglang nagtakip ng mata. Tawa ako ng tawa. Ang cute nya.. Hahaha

"Pinapabigay ni Ate Fe. Dumating daw kanina. Ako nga pala yung bagong lipat dyan sa tapat ", sabi nya.

"Salamat miss", Pero pwede mo na alisin yang takip ng mata mo. Unless nahihiya kang makita ang maganda kong katawan.", sabi ko habang tawang tawa.

"Ay ang kapal. Di naman maganda katawan mo no!" Sabay alis ng takip sa mata nya.

"Ikaw na naman?", sigaw nya.

"At ikaw na naman. Sinusundan mo ba ako?", tanong ko.

"Ay ang kapal ha. Para sabihin ko sayo, dyan ako nakatira sa tapat. Hay nako. Kapag mamalasin ka nga naman." , sabi nya sabay talikod.

"E di wow. Hahaha. Welcome to Taiwan Miss ? ", tanong ko

" Tse!!" , sigaw nya.

"As if di ko malalaman ang pangalan mo. Tatanong ko kay Ate Fe!" , sigaw ko.

Pumasok ako sa unit ko ng tawang tawa. Di ko alam pero ang saya ko pag naasar ko sya.. Ang cute nya kasi mainis... Pero grabe ang tadhana ah.


Lord, is this your way of telling me to move on?

Fated To Love YouWhere stories live. Discover now