Nang malaman nila na iyon ang unang request ni Crissa ay agad silang namroblema. Why?

Tagaytay lang ang pinakamalapit na lugar kung saan may puting kabayo na pwedeng sakyan. They can't kidnap her and go to that place!

So, they had to think of a better solution.

"Okay, let's scratch this off the list" ani Huffle.

Nagtataka yata si Crissa nang dalihin nila ito sa mall, "Anong ginagawa natin dito?"

"Sasakay sa kabayo" Sagot ni Huffle habang tinutulak ang wheelchair nito. Nakakalakad naman si Crissa pero ayaw nilang mapagod ito nang masyado lalo na mahina ang katawan nito.

"At kailan pa nagkaroon ng kabayo sa mall?" She sarcastically asked, "Let's just go back to the hospital, or better yet, iuwi mo na lang ako--" naputol ang sinasabi ni Crissa nang makita ang tinigilan nila.

It's a carousel!

"Let's go?" Nilahad niya ang kamay rito, "This your chance!"

"Hi, Ma'am welcome. How many tickets po?"

"Two" ani Huffle at binayaran, "May puting kabayo ba kayo diyan?" tukoy pa nito sa carousel.

Nakita niya kung papaano namangha si Crissa. She didn't think Huffle could pull this off? Si Huffle pa ba?

"Yes, Ma'am! May pink pa po"

"Great!" Ngiti nito.

"Let's go" aniya, "Miss, aalalayan ko lang sila" aniya. Nauna si Huffle pumasok at naghanap ng puting kabayo.

Nang makatayo si Crissa ay inalalayan niya itong makasakay sa puting kabayo. Nang masigurong okay na ay si Huffle naman ang inalalayan.

"I'll just stand there" he said, "Pipicturan ko kayo, ha?" aniya.

Then the carousel turned. Napangiti siya nang makita ang dalawa na nakangiti. Then Crissa started to cry.

He took them a photo. Nilukob nang init ang puso ni Theo. They might have the unusal set up, but this is what God allowed them to experience.

Nagkaroon pa yata ng paguusap ang dalawa. He might not know what they're talking about, but his heart felt at peace.

"Naisahan niyo ako, ha?" sambit nito nang makababa sila. May kislap sa mga mata nito na halatado.

"It's a deal" He replied, "Did you have fun?"

Hindi maaming tumango naman si Crissa, "You're both impossible, nasabi ko na ba?"

Inalalayan niya itong umupo, "So, a deal is a deal, Crissa"

She sighed, "Fine"

Masayang masaya ang magulang ni Crissa nang mapapayag na nila itong pumunta ng States. They wasted no time. Agad na inasikaso ng ospital ang papers para rito.

On January 25th, they arrived at the States.

"Thank you, Theo.. Huffle.." Mrs. Germar said, "This meant so much to me, malaking bagay na nandito na ang anak ko"

"Tita, we still have to do the next deal with her" sambit ni Huffle, "because if we didn't she won't agree to do the medication"

Mrs.Germar nodded, "Alright, if there's anything that I could help you with. Just let me know"

Same as what they did on the Philippines. Pagkatapos maexamine si Crissa ay pinagpaalam nila muna itong muli. Her parents did pull some strings, masyado kasing mahigpit sa States.

"At saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Crissa sa kanila nang isakay nila ito sa sasakyan, "It's freezing out here! Hindi niyo naman ako gustong patayin sa lamig?"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now