Tss, ilang taon na rin pero hindi pa rin siya nagpaparamdam! Anong klaseng tao yun!? Paasa!
Ako pala si Syara Majari, ang taong umaasa paring babalik pa ang lalakeng nang iwan sa kanya 2 years ago
Flashback
Nandito ako ngayon sa bahay ng boyfriend ko, si Jameron Tariko. Sinasamahan ko siyang nag iimpake ng mga gamit niya kasi pupunta siyang ibang bansa, sa Barcelona
"Babe, sigurado ka bang pupunta ka dun? Paano na ako babe?" Tanong ko sa kanya habang nag aayos ng gamit niya
"Sorry babe, pero alam mo namang kaya ako pupunta doon para makapagtapos ng kursong arkitektura. At para din naman sa atin to sa future" rason niya
"Okay, basta ba huwag na huwag mo kong kakalimutan dun ha? Tawagan mo ako, pag may oras ka. Aabangan kita parati" lumapit ako sa kanya at niyakap pero tinulak niya ako ng mahina at "Ano ba babe, huwag ka ngang maarte. Uuwi din ako pagkatapos ng taon, halika na ayusin an natin tong mga gamit ko, at baka mamaya nandyan na si Tito Rocco para sunduin ako papuntang airport" sabi niya ng hindi nakatingin sa akin at nakatutok sa pag aayos ng maleta niya
End of flashback
At ang sabi niyang pagkatapos ng taon ay nadagdagan ng isa pang taon. Ang sabi niya noon ay hindi pa pala tapos ang pag aaral niya dahil sa pumasok siya dun noong kalagitnaan ng iskwela, at eto ako ngayon, nakatingin sa cellphone ko at umaasang tatawag siya
Makalipas ng halos isang oras hindi pa rin siya tumatawag, ang sabi niya tatawag siya pero heto ngayon..... walang tawag, ganyan naman parati. Lagi siyang paasa, at ako naman etong si tanga umaasa parin
*bzzzt* *bzzzt*
Nagvibrate ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag
0935*******
Accept Decline
Unregistered pero sinagot ko parin. "Hello?" Tanong ko sa kabilang linya, hindi siya sumagot pero rinig na rinig ko ang hininga nito. "Ano ba?! Sino ba to?!" Sa inis ko sinigawan ko na ang nasa kabilang linya, hindi pa rin siya sumasagot, "Pag hindi mo pa to sinasagot, ibababa ko na to!", "W-wait!" Bigla niyang sabi at nagulat ako ng narinig ang boses niya. Mangiyak ngiyak akong sumagot sa kanya, "O-oh! Buhay ka pa pala! Kala ko nalagutan ka na ng hininga sa Barcelona!". "Sorry babe, napatagal ako sa pagtawag, kakarating ko din kasi dito sa airport at ikaw ang unang tinawagan ko. I miss you babe" nagulat ako sa sinabi niya. So nandito na siya sa pinas! Dali dali akong tumayo sa mula sa higaan "Totoo! Nandito ka na sa Bansa? Totoo??" Natutuwa kong sabi sa telepono. "Totoo babe, hantayin mo ako, malapit na ako diyan sa bahay mo, I miss you babe", "I miss you too!"
___________________________
Ampanget! Di ko alam kung saan nagmula ang kwentong to at kung ano ano pinagsusulat ko wahahaha
YOU ARE READING
one shot
Randompuro one shot na nagagawa ko kaya gagawa na lang ako ng compilation nito
