MAGPAKAILANMAN

14 5 0
                                    

Isang matalinhagang kawikaan

Na may malalim na kahulugan

Lalanguyin ko ang karagatan

Aakyatin anumang kabundukan

Kung iyon lang ang natatanging paraan

Upang pawiin ang iyong kalungkutan

At pangungulila mo'y tuluyang wakasan

Ligayang nais ay tuluyang ng makamtam

Sapagkat ikaw ang dahilan

Hindi kita iiwan kailan man

Ika'y mahigpit na hahawakan

Mga labi mo'y aking hahagkan

Upang iyong maramdaman

Pagmamahal ko na walang hanggan

Ito'y para sayo lamang at hindi kanino man

Nais kitang iuwi sa pangarap kong tahanan

Ika'y aking labis na iingatan

At sa iyong pagtanda ika'y aalagaan

Mahal ko lahat ng oras ko sa'yo lang nilalaan

Sa puso ko'y mananatili ka magpakailanman

PARA SA PRINSESA KOWhere stories live. Discover now