Chapter Fifteen: Headache

486 13 0
                                        

“Andree Leona,” nakangiting tawag ni Austin kay Andree Leona habang unti-onting naglalaho ang kanyang katawan na parang bula.

 

Habang si Andree Leona ay walang tigil na umiiyak at walang magawa. Napatingin siya sa kanyang hawak-hawak at nabitawan niya iyon, ang canvass kung saan niya ipininta si Austin na onti-onting nasusunog sa paanan niya at ang lighter na ginamit para sunugin ito.

 

“Austin!” panaghoy niya ay tuluyan na siyang napa-upo habang nawala na sa kanyang harapan si Austin.

--

Humihingal na nagising si Andree Leona mula sa mahabang pagkakatulog. Akala niya totoo na ang kanyang panaginip. Akala niya totoong nawala na sa mismong harapan niya si Austin na parang bula na siya mismo ang may kagagawan.

Napahawak sa pisngi niya si Andree Leona at naramdamang basa iyon. Kumakabog din ng malakas ang kanyang dibdib at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa normal na pagtibok ang puso niya.

Mangyayari kaya ang napanaginipan niya?

Sign kaya ‘yong panaginip niya?

Napahinga ng malalim si Andree Leona at tiningnan ang bookshelves kung saan ang kwarto ni Austin. “Austin…”

--

Nagmulat ng mga mata si Andree Leona at tiningnan sa wall clock kung ano ang oras na.

6:00

Napapikit ulit si Andree Leona dahil nakaramdam siya ng sakit ng ulo. Recently ay laging sumasakit ang ulo niya na ikipinagtataka niya. Hindi naman siya stress. Hindi naman siya napapagod sa mga daily routine niya.

“Anak,” tawag sa kanya ng ina niya na nasa labas ng kanyang silid.  Bumangon siya para pagbuksan ng pinto ito. Kailangan niyang i-lock lagi ang kanyang silid dahil baka makita si Austin ng ina niya at hindi niya ma-imagine ang magiging reaksryon nito.

“Mom…” mahinang tawag niya dito. “I’m kinda sick. My head hurts, Mom.”

Nag-alala naman ang Mom niya. Dinama nito ang noo ni Andree. “Wala ka namang lagnat. Gusto mong magpacheck-up ka na? Lagi bang sumasakit ang ulo mo?”

Tumango siya. “Madalas po. Pero hindi na po siguro kailangan ng check-up. Siguro ipapahinga ko na lang muna ito, Mom.”

“Okay. But are you sure? Mas okay na rin kung magpapacheck-up ka.”

Ngumiti si Andree Leona. “Hindi na, Mom.”

“Okay. Ipaghahanda na lang kita ng breakfast mo.”

“Thank you, Mom.”

--

‘Are you okay, Andree Leona?’ nag-aalalang tanong ni Austin. Kanina pa niya naririnig ang pag-uusap ni Andree Leona at ng ina nito. Gusto niyang makita si Andree pero hindi maari dahil halos oras-oras ay nasa loob ng silid ni Andree Leona ang Mom nito.

My Obra Maestra!Where stories live. Discover now