WHEN IS THE RIGHT TIME?

5 0 0
                                        

Part 1

"For life to be fully meaningful, add a little sacrifice,subtract anger and hatred, multiply friends and divide love for everyone to share."

-----------------------------------------------------------

Sometimes you don't have to be brave to face the battle alone, you have to sacrifice something to win the battle.

Isa ito sa laging sinabi sa akin ni coach Allen. Noon ay hindi ko pa lubos na maintindihan lahat ng sinasabi nya, basta ang alam ko sa bawat laban ko, panalo ako.

——---------------------—----------------------------
Hi, I'm Asher Leigh, call me Leigh or Asher, doesn't matter anyway. Lumaki ako sa isang "broken family". Natukso ang tatay ko sa isang batang bata pa. Ang nanay ko naman ang nagsakripisyo sa aming limang magkakapatid nung tuluyan ng umalis ang tatay namin.

Noong una ay maayos pa naman ang buhay namin, masaya kami, sama-sama at sapat din ang kinikita ng tatay ko.

May negosyo syang buy and sell.. Lumago ito hanggang sa dumami pa ang customers nya. Sa sobrang dami, dumagdag din lahat - bodega, tao, kita, at mga gamit sa bahay at negosyo. In short, nakakaangat na sa buhay.

Totoo pala talaga ang kasabihan " Pag ang lalaki dumami ang pera, kailangan nya ng maraming babae, pero pag ang babae dumami ang pera, hindi na nya kailangan ang lalaki".

Bigla nalang kaming nakalimutan ng tatay ko. Unti unting nawala ang mga damit nya sa bahay. Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ng walang paalam.

---------Fast Forward----------
First year high school nagsimula yung pagtatalo nila hanggang sa nag third year high school na ako at tuluyan na silang naghiwalay.

Marami ang nagsakripisyo. Kapag naghihiwalay pala talaga ang mag asawa, ang pinakaapektado ay ang mga anak. Nagpatuloy lang paghihirap namin hanggang sa makita ko ang sakripisyo ng nanay ko.

Nagsikap ako upang makatapos ng high school. Dumalo sa graduation si tatay pero umalis din ulit sya nang walang paalam.

Sa mga oras na yun, tinanong ko si Lord, kailan ba sila magkakabalikan? O magkakabalikan pa ba sila?

Lagi akong naghihintay ng kasagutan. Hindi ko alam kung may hinihintay pa akong kasagutan.

----—----------------------------------------------------
Dahil graduate na ako ng high school, sabi ni mama wag na daw muna ako magcollege dahil si Kuya na daw muna ang mag aaral. Tutulungan nalang daw nya kaming mga kapag nakapagtapos na sya ng pag aaral.

Hindi ako pumayag. Gumawa ako ng paraan. Alam ko na ito ang tamang panahon para ipagpatuloy ko ang aking pag aaral.

Sinubok ako ng panahon. Maraming nangyari, sakripisyo, pagod, puyat, frustrations at maging depression. Hindi ako sumuko. Alam ko na ito ang tamang panahon. Nagpatuloy lang ako. Hanggang sa naitawid ko ang apat na taon ko sa koleheyo na puno ng pagsisikap at paghihirap sa tulong na din ng scholarship.

------------------------------—--------------------------
Lumipas ang aming graduation, umuwi ulit si papa upang mag attend ng graduation ko. Sa muli, umalis sya pagkatapos ng walang paalam.

Lumipas ulit ang ilang araw pakatapos ng graduation, kailangan ko na mag board exam para makapagtrabaho. Ngunit hindi ako nakasabay sa first batch dahil sa dami ng requirements na hindi ko pa maasikaso - naintindihan ko, hindi ko pa panahon.

Lumabas na ang resulta ng exam, lahat ng kaklase ko ay nakapasa sa first batch, samantalang ako, heto, mahpafile palang.

Nakapag apply ako at hinintay ang schedule. Habang ako nag eexam pa, nanalangin ako. Kung para sa akin ito at nasa tamang panahon na, sana ipagkaloob mo ito sa akin.

Laking gulat ko nung lumabas ang resulta ng exam. Nakapasa ako. Iba talaga gumalaw si Lord. Sa lahat ng bagay, Sya lang ang nakakaalam ng tamang panahon. Hindi ko man inaasahan na makapasa ako dahil hindi ako nakapag review, busy ako sa work at stress pa ako sa dami ng iniiisip ko, pero laking pasasalamat ko sa Kanya dahil sya ang natatanging makapangyarihan sa lahat.

Sa tamang panahon, ibibigay nya saiyo anuman ang gusto ng puso mo na naaayon sa Kanyang kagustuhan.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHEN IS THE RIGHT TIME?Where stories live. Discover now