The Heir : A Battle For The Throne ♛

292 7 2
                                    

×××

'Dahil sa labanan para sa trono, May mabubuksang pinto. Pintong hindi dapat mabuksan. Dahil ang pinto ito ay ang pinto kung saan namamahinga ang isang kaluluwa ng mapanganib na nilalang'

"Tulungan niyo kami!" Yan ang maririnig mo sa loob nito, puro hinagpis, puro sakit, pagmamakaawa. Sa di kalayuan may makikita kang tronong pinapaligiran ng apoy at walang nakaupo dito.

" Mahal" may bumulong mula sa kawalan.

"Sino ka?" bulong ng binatang nakagapos ang mga kamay

Napatingin ang binata sa tronong walang nakaupo, may babaeng naglalakad papalapit dito.

"Hoy! Wag kang pumunta diyan!" Sigaw ng binata ngunit hindi nakinig ang dalaga tuloy parin ito sa paglalakad papunta sa trono.

"Ang Mahal na Reyna!" Paulit ulit na bulong bulong ng kung sino man. magulo, ang sakit sa tenga. 'walang tao pero bakit marami akong naririnig na boses?' sabi ng binata sa kanyang isip.

Tinignan ng binata ang nakaupo sa trono, Babaeng nakaitim nakalugay ang kanyang magandang buhok. Ngumiti ito sa kanya dahilan upang lumitaw ang kanyang mapuputing ngipin at kasama na doon ang kanyang pangil. Bukod doon ay napatingin siya sa mga mata nito. Nakakatakot, ang kanyang dating kulay kapeng mata nito ay pula na ngayon at wala kang makikitang puti kundi puro Itim, Idagdag mo pa ang walang emosyong mata nito.

"Si-sino ka?" yoon nalang ang nasabi ng binata.

"Mahal ko, Hindi mo ba ako naaalala?" walang emosyong tanong ng dalagang nakaupo sa Trono Ang 'Reyna'

"Ha? Ma-mahal? Hin--" Hindi na natuloy ng binata ang kanyang sasabihin dahil isang malambot na labi ang dumampi sa kanyang duguang labi.

"Paalam mahal ko"

Kinuha siya ng hindi matukoy na nilalang at kinuha siya palayo sa sinasabi nilang Reyna.

"Oh! Shoot! Tangina anong klasing panaginip yon!" Napaupo ang binata sa at iisipin mong gumawa ito ng milagro dahil sa itsura nito, Magulo ang buhok, Pawis na pawis at walang saplot sa pangitaas.

"Puta Pre sa susunod wag ka ngang maghandjob sa gabi para di ka nananaginip ng ganyan?! Istorbo ka eh" Sabi ng isa pang binata galing sa ibabang kama.

"Hoy di ako naggaganun ikaw yon!" Sigaw niya pabalik sa kanyang kaibigan. Pero tumawa lang ito "Tae talaga bumalik nanaman yung panaginip nayan Letse!" Inis na sabi ng binata, Na para bang batang inagawan ng Candy.

"Ano ba naman kasi yang panaginip mo, Ang weird ha?" Bumaba nalang siya sa kanyang igaan at pumunta sa tabi ng kanyang kaibigan.

"Kaya nga eh, Di ko maintindihan... May babaeng nakaupo sa trono na para sa ha--" Di niya na natuloy ang nais niyang sabihin dahil nagsalita na ito "Zel, Saulo ko na yang kwento wag paulit ulit" Napakamot nalang siya ng batok

"Sige layas! matutulog pa ako 4am palang oh? 7 pa ang pasok natin maawa ka sakin." Napasimangot nalang si Zel.

Wala na siyan nagawa kaya umakyat nalang siya sa kama niya " naman kasi yang panaginip nayan di tuloy ako makatulog" Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata.

×××

-Hi! So ito na yung New version ng 'This is our fantasy' Hahaha Pero Unedit parin XD, Same names of characters may bago lang na kunti :3 mababago ang umpisa XD New inspiration XD New Ideas and sana masipag na ako mag Ud XD ( I'll try ma best para mag Ud Once a week :3)

And itatry ko ang best ko para gumanda siya ^^ Try lang XD

By the way dedicated po ito sa isa sa mga Idol ko XD sunako_nakahara *O* Angas po ng Fallen niyo

Warning: Maraming badwords Yeah madami XD ^^ May pagkaGreeny to pero di siya lalagpas sa limit :3 I'll promis XD

So? I hope maganda kalabasan :D Hope lang XD Bwahaha!

Started:  September 20 2014 
Finished: -- -- --

FuzenPain★

The Heir : A Battle For The Throne ♛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon