"Dahil diyan, where do you wanna go tomorrow? Papasyal tayo" tanong niya sa anak.

Nagliwanag muli ang mata nito. Muntik na maging hugis star, "Kidzania!"

"Okay, pupunta tayo doon bukas" she smiled and kissed his cheeks.

---

Umagang umaga namromorblema si Huffle sa sasakyan. Kung hindi ba naman din kasi timing ang isang ito. Kung kailan may lakad tsaka hindi nagststart!

"Damn" she cussed, as if on cue tumawag si Catherine sa kanya. Nasabi niya rito ang problema.

"Timing" sambit ng huli, "Sige, just wait a minute. Let me see what I can do"

"Thank you, Cath" aniya at binaba ang tawag, "Eliz, just wait a minute okay? Ninang Cath would pick us up!"

"Okay po, Mama!" sagot nito habang nakaupo sa porch at nanonood lang ng videos sa Youtube. Eliz loves watching to cooking shows, namana siguro sa kanya, ang pinagkaiba lang ay hindi lang pastry ang pinapanood nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay may bumusina ng sasakyan sa harapan ng tahanan nila. But, it's not Catherine.

It's Alvin!

"Sabi ni Cath nasiraan ka daw ng sasakyan at may lakad kayo ni Eliz?"

Masasabunutan na talaga niya si Catherine!

"Inabala ka pa ni Cath, pasensya na..."

He smiled, "Wala ako rito kung abala ako" anito, "C'mon, ihahatid ko kayo ni Eliz sa pupuntahan ninyo"

"Tito Alvin!" Tumakbo ang anak sa lalaki, "You'll join us to our date?"

Hinaplos nito ang buhok ni Eliz at marahang inipit ang ilong, "I'm just gonna drop you off and Tita Catherine would pick you up later"

"Yey!" Sumakay na agad ito sa sasakyan ni Alvin.

"Let's go? Gusto ko rin naman masigurong ayos ka na" Tukoy nito sa nangyari sa kanya kahapon, pinagbuksan siya nito ng pinto at umikot agad para makasakay sa drivers seat.

Agad niyang tinext ang kaibigan.

Maguusap tayo pagbalik ko!

Sent.

Tahimik si Eliz na nagcecellphone sa likod nang magpasalamat siya para sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya kahapon.

She really thought it's Theo she saw and heard. But earlier, while in the shower. Rational thoughts filled her head.

Kung si Theo iyon ay ito ang una niyang makikita pagbukas ng mga mata niya. Hindi siya iiwan ni Theo ulit, kung ito talaga iyon.

"What were you doing in that place, Huffle?" Tanong rin nito sa kanya, "Bakit ka pupunta doon magisa?"

She sighed, "Mahirap ipaliwanag" dahil iisa lang sila ng sasabihin lahat. Theo is dead. She should move on. At iyon ang pinakamahirap para sa kanya.

She couldn't.

"How did you find me there?" Tanong niya rito nang mapagtanto, "Did you follow me?"

Nagtatakang tinignan siya nito, "I didn't" nagulat siyang sagot nito, "Hindi kita sinundan"

"B-But they said it was you who saved me..."

"What?" he let out a chuckle, "No, ako lang yung tumawag sa kanila nang nakita na kita sa ospital"

Parang nabuhayan siya sa narinig! Sinasabi na nga ba niya! Damn, Theo! Bakit hindi ka na lang magpakita!

"S-Sino nagdala sa akin sa ospital?"

"I don't know. But, the nurse called me" he said, "He was the one who told me that you're at the emergency room--"

"He?" paguulit niya, "Nakita mo ba yung nurse? Sino daw nagdala sa akin?"

Umiling na ito, "Naabutan na lang kita na ililipat ka na sa kwarto" nagtataka na rin, "Why, Huffle? What really happened with you?"

Napasandal siyang muli at napabuntog hininga. Namamawis ang mga kamay sa nangyayari. Kung si Theo iyon, which she's so sure, bakit hindi ito magpakita sa kanya?

Sa sobrang pagiisip ay hindi na niya namalayan na nasa destinasyon na sila. Eliz beamed when he saw the place, nagmamadali pa itong bumaba ng kotse.

"Hey..." hawak ni Alvin sa kamay niya, "Have fun" mapagmahal nitong ngiti sa kanya.

"Salamat sa lahat, Alvin" she said, "I really appreciate it"

Hinawakan ni Eliz ang kamay niya't sabay silang pumasok sa KidZania.

KidZania is an interactive city made for children that combines inspiration, fun and learning through realistic role-play.

Children can learn about different careers, the inner-workings of a city and the concept of managing money.

Each experience is designed to give confidence to the children to be their best selves, and be an inspiration to be great global citizens.

Magugustuhan ito ng anak. Sa ngiti at tawa ni Eliz sa ginagawa ay parang nawala sandali ang iniisip niya.

Kapag kasama niya si Eliz, she felt at peace. She feel complete.

"Mama, nauuhaw po ako..." lapit nito sa kanya nang matapos ang ginagawa. "I'm hungry, too. Where can we eat?"

"Punta na lang tayong Mckinley? Marami doong restaurant" she smiled at chineck kung may pawis ito sa likod.

"Sige po, Mama"

Nang makarating sila sa Venice Piazza ay sa fast food chain lang sila nagpunta. Matakaw talaga sa mata ng bata ang McDonalds.

"Mama, may chair na po!" turo ni Eliz sa dulong upuan, marami kasing kumakain kaya unahan talaga sa mauupuan.

"Let's go" nagpunta sila doon ngunit naunahan sila!

"Ay.." sambit ni Eliz, "Mama, pila ka na po. Ako na po bahala sa chair natin"

"S-Sigurado ka anak?"

Tumango naman ito, "Opo, big boy na po ako" he smiled, "Mama, chicken with spaghetti po ha?"

"Alright, be cautious anak ha?" Paalala niya at naglakad papunta sa counter.

---

Nakatayo si Eliz at tumitingin tingin sa paligid para makita kung sino ang customer na aalis na sa kinauupuan.

He looked at her Mom who's already at the counter giving their orders. Kailangan na niya makahanap ng mauupuan!

"Hey, kid" tawag sa kanya ng isang lalaki, "You need a seat?"

Tumango naman siya at lumapit, "T-Tapos ka na po kumain?"

"Is it okay if we share?" Tanong nito pabalik sa kanya. Bakit parang pamilyar ang itsura nito? Saan ba niya nakita.

Umupo siya sa harapan ng lalaki at mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang ina, "I'm with my Mom. Okay lang po ba?"

Bakit parang naiiyak ito ngunit nakangiti? Ayos lang ba ito? "S-Sir, are you okay?"

"W-What's your name, kid?"

"Elizandre but my Mama calls me Eliz" he smiled, "H-How about you po?"

Ngumiti ito at nilahad ang kamay sa kanya, "I'm Theo" he said, "Theo Amante Harrison"

Nanlaki ang mga mata niya! "P-Papa?"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now