Hi!
Magsalita ka naman!
Wuy, sabi ko, Hi!
Oo ikaw! Ikaw na nagbabasa nito, haha...
Nakakabaliw ba? haha
Alam ko ang iniisip mo.
Kung sa tingin mo baliw ako, tingin mo lang yun, haha...
Pwede bang magtanong?
Oo, sayo ko gustong magtanong. Ikaw lang naman kausap ko eh...
Minsan ba naranasan mo ng malito?
Sa tingin ko naranasan mo na. Nililito ba kita?
Ang hirap no? Kinakausap ka ng mga salitang binabasa mo lang.
Sige, sisimulan ko na.
'Di mo man lang ba itatanong kung ano ang sisimulan ko?
Nagtataka ka ba kung tunay ako?
Sa palagay ko, oo...
Alam mo bang Prologue na 'to? haha
Kung sinasabi mong kakaiba ang prologue na 'to , mukhang kakaiba nga. Alam mo kung bakit? Haha, 'di ko rin alam eh, tanong mo sa author.
Ano handa ka na?
Oo ikaw! Ikaw lang naman ang nagbabasa, diba?
Ano nga pala sisimulan ko?
Ayan tuloy, nakalimutan ko, 'kaw naman kasi.
Wait lang, iisipin ko muna.
.
.
.
Oh naalala ko na!
Gusto mo bang malaman ang istorya ng buhay ko?
Excited ka?
Parang hindi eh, pakita mo munang excited ka, haha.
Babasahin mo pa ba kung sasabihin kong medyo madrama ang simula? Haha, common diba kung iisipin, pero di mo naman iisipin eh, babasahin mo lang. Pwede mo namang pagtiisan.
Sige ka, baka ito na ang huling story na mababasa mo, marunong pa naman akong kumulam, hahaha, hindi biro lang, ang corny ko 'no?
Sige sisimulan ko na nga lang, nakakabagot kang kausap, haha...
.
.
Sisimulan ko sa parte kung saan...
