Buod ng Florante at Laura

1K 8 0
                                    


Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sq may dakong labas ng bayang ALBANYA , malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay nag lalaro sa palagay niya ay nagtaksil sa giliq na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at Florante kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Princess Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintad niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kqnha ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatanggap si Florante ng lihan tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagbalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menadro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroom siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya'y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turning hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya'y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Florida na nag-uusap. Si Flerida'y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nanf mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhubad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa PERSYA.


...THE END...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Buod Ng Florante at LauraWhere stories live. Discover now