TAYO

11 4 5
                                        


“Para!  Para po!”


“Sa may college lang po.”



Ngunit tila hindi ako narinig ng driver ng bus. Malapit na ako sa school namin kaya kailangan ko nang makababa. Lumakad ako hanggang sa unahan ng bus para doon pumara.



“Manong, sa may college lang ho.” malumanay kong banggit sa driver. Sa isang iglap ay pinilot ng driver ang kanyang manobela at marahas na inapakan ang brake.



“Bakit hindi ka agad pumara? Dapat lapit na agad para hindi makalampas” at mukhang si manong driver pa ang nabadtrip, eh kanina pa ako sumisigaw ng para.


Haaay nako manong, ang init-init na nga ng panahon, hindi ka pa attentive sa mga pasahero mo.



Bumaba ako ng bus at nagsimulang maglakad, hindi naman ganon kalayo ang pagkakalampas ko sa aking destinasyon subalit dahil sa tindi ng sikat ng araw ay pakiramdam ko sobrang layo ng kailangan kong tahakin.




Habang naglalakad ako ay napalingon ako sa abandonadong computer shop sa tabi ng kalsada. Napangiti ako ng kusa nang matanaw ko iyon.




Bumalik sa ala-ala ko ang masayang ala-ala natin doon.



Sa computer shop na iyon naging tayo, kinikilig pa rin ako kapag naalala ko noong gabing iyon kung paano tayo nag-pinky swear at nangako sa isa’t-isa na aalagaan at magmamahalan tayo marami man ang maging hadlang.




Hindi ko malilimutan ang senaryong iyon, madilim at tanging ilaw lamang ng poste ang nagsisilbing liwanag para sas atin ngunit kitang-kita ko ang sensiridad sa iyong mga mata.


“Pangako, ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko.”


Nag-init ang mukha ko at sa palagay ko’y nagba-blush ako ngayon marahil siguro ay dahil na rin sa init ng panahon o siguro dahil sa ala-alang iyon.


Nagpatuloy ako sa palakad at sa sobrang init ay kumukubli ako sa ilalim ng mga puno na aking dinaraanan.


Sa pagkubli ko ay biglang nasagi ang buhok ko ng isang maliit na sanga ng Indian Tree.


Napangiti ako dahil sumagi ulit sa ala-ala ko noong mga gabing madilim at nakatambay tayo dito at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.



Napagkamalan pa nga tayong masamang tao ng isa sa mga room mate ko  nang napadaan siya. Hahaha.


Napatigil ako sa paglalakad ng makarating ako sa riles ng tren. Nilingon ko ang tila walang katapusang riles at inalala habang hawak kamay tayong naglalakad dito.


Lalo kitang minamahal kapag naalala ko kung paano mo hawakan ang kamay ko.


Sa wakas ay nakarating na rin ako sa dorm, dumaan muna ako sa canteen para uminom ng tubig dahil sa sobrang init.

Agad namang nawala ang uhaw ko matapos maubos ang isang basong tubig.


Natatandaan ko pa noong unang araw natin bilang magkasintahan, dito sa mesang ito ka naghihintay sa akin para sabay tayong umuwi.

Kinikilig pa rin talaga ako kahit taon na ang lumipas magmula noon.


Pumasok na ako sa dorm at dala ang mga gamit ko. Diretso ako sa kwarto ko, at pabagsak na humiga sa higaan ko.


Napaisip ako kung ikaw ba ay nasa kwarto mo o nasa school na. Bumangon ako at inayos ang aking sarili.



Lumabas ako ng kwarto at naghahanda na para pumunta sa eskwelahan. Hinagilap ko ang blackshoes ko at umupo sa baitang ng hagdan para madali itong maisuot. 


Ngunit napangiti na naman ako sa ala-alang sumagi sa isipan ko.


Dito mismo sa hagdang ito ko iniwan ang isang maliit na star na may nakasulat na “you are my star, I love you baby.” para ibigay sa’yo.


Natatawa ako sa kakornihan na ginawa ko. Pero at the same time kinikilig ako.


Naglakad na ako palabas ng dorm at nagtungo sa eskwelahan. Gusto na kitang makita dahil miss na miss na kita.

Parang nag-uunahan ang puso ko sa pagpintig kaya mabilis akong naglakad.


Napadaan ako sa pathway kung saan natin dati hinintay ang pinsan ko sa Agriculture Department na nagdidilig ng halaman niya.


Naalala ko ang mga kulitan natin dito, naalala ko yung mga korni mong joke tungkol sa mga oso.


Buti na lang at wala akong nakakasalubong na ibang estudyante, siguro dahil lunchbreak ngayon at kumakain ang mga estudyante ngayon kaya tahimik ang paligid, marahil ay aakalain nila akong baliw dahil tumatawa akong mag-isa ngayon.



Nakarating ako sa canteen ng school at tama ang hinala ko. Lunch break ngayon kung kaya’t halos magsiksikan ang mga estudyante sa pagbili ng makakain.



Inilibot ko ang aking paningin upang humanap ng maaring upuan.


Napangiti ako dahil may bakanteng upuan sa sulok ng canteen. Agad akong umupo at kinuha ang libro sa bag ko.


Binuklat ko kung nasaang pahina na ako. Ito yung paborito mong libro na lagi mong ikinukwento sa akin kaya lagi ko itong binabasa kahit paulit-ulit na.


Abala ako sa pagbabasa nang may napansin akong pigura ng tao sa harapan ko. Isinara ko ang libro ko para tungahyin kung sino ang nasa harapan ko.


Bumilis ang pagpintig ng puso ko.


Bigla akong napangiti nang makita kong ikaw ang nasa harapan ko, subalit bigla rin iyong nawala nang makita ang isang babaeng kahawak-kamay mo.



Napatayo ako sa pagkaka-upo ko, dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at nagsimulang maglakad palayo sa iyo.


Tumulo ang mga luhang regular costumer na ng mga mata ko.








Biglang nagbalik sa ala-ala kong tapos na nga pala TAYO.








**********

Aww. 💔  T^T

Nasaktan din ba kayo o ako lang? Shakett eh :(

Salamat po sa pagbabasa! Nagustuhan n'yo po ba? Baka naman mapindot n'yo yung vote? Beke nemen.

Let me hear your feedback.

From your lovely author, Hyacinth Lotus :*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAYOWhere stories live. Discover now