Chapter 29: Anne part 1

5.8K 52 4
                                    

A/N: Talagang bibilisan ko na ang update dahil meron akong bagong storyang sisimulan hehehe sana support nyo!

Anyways bago ang lahat promote promote promote basahin nyo po ang Beautiful Prince dito sa account ko,, gawa ho sya ng pinsan ko and sayang naman kung hindi babasahin maganda panaman,, sana support nyo po,, thank you!! kung sino gusto mag padedicate sabihin nyo lang! love lots~~

******************************************

Chelsie POV

"Oh kamusta naman ang gala nyo ni NIco?" tanong ni Cassidy habang nag lalakad kami papapuntang school. Ang bait no? sinundo pa ako, grabe lang ah.

"Ok naman,, gabi na naka uwi, inulan pa nga kami sa concert nya, basang basa tuloy ako, buti nalang wala pa sila kuya ng umuwi ako"

"Good, ok ka naman ba?" tumitig sya sakin. MAg sisinungaling ako kung sasabihin kong nakalimutan ko na si Jade,,,

"Sa totoo lang, siguro ok ako kung hindi ko muna sya makikita, buti nalang hindi ko ka school mate yun," pag sasabi ko ng totoo, malas lang kasi makikita ko si Kim ng araw araw, haist.

"Oo nga, pero good thing at papasok ka narin, isang lingo ka ng nawala, nag aalala na sayo si Mam, Alam mo na? kasi nga dun sa play. Tuloy parin yun no!" Oo nga pala may lintek na play pa pala akong gaganapan...And nandun si Kim..

"Parang ayoko na yatang gawin yung play..." mahina kong pag kakasabi,

"No! tsk! wag ka nga! wag mong hayaang kontrolin ng etchoserang frog na yun ang kaligayahan mo, and besides sabi ni NIco pupunta daw sya at manonood ng practice naten afterschool!" excited na sabi ni Cass.

Napakunot naman ang noo ko. " Bat parang excited kang pumunta si Nico 0_o?"

Namula sya "Hindi lang naman si Nico ang pupunta kundi si Dyllan narin! ahahha! lagi lagi na syang napunta sa practice namin nung nag mumukmok ka" masayang sabi nya.

Oo nga pala, love birds na pala ang dalawang yun, Masaya ako para sakanila, pero ang wierd ng feeling pag dinadate ng bestfriend mo yung kapatid mo. Si Dyllan na sweet? wew! nakakakilabot isipin @_@!!

"Chelly!! buti naman at pumasok ka ng etchosera ka! Date lang pala kay Nico ang mag papa pasok sayo sa school!" salubong samin niMaxine sa harap ng gate. Napangiti ako.

"Hindi date kundi bungee jump" nag smile ako at nag patuloy na kami sa pag pasok ng school at dumiretso sa classroom.

Unang pasok ko palang ay sumama na agad ang pakiramdam ko. Unang pasok ko palang mukha nya na agad ang bubungad sakin, wow naman.

"Oh hi Chelsie! buti magaling kana! namiss panaman kita!" mataray na sabi ni Kim.

O_O. nag tatagalog?

"Oh nag tatagalog kana, bakit nahihirapan na ba yang dila mo kakaenglish?" mataray na sabi ni Maxine,

"Hohoho, naisipan ko kasi na its time na mag kaintindihan kami ni Chelsie, kaya binaba ko na ang level ko para maintindihan nya ako. " mataray na nakatitig sakin.

"Ayyy,,, hindi ko alam may bababa pa pala sa level mo" laban naman ni MAxine.

"Oh my, hindi ikaw ang kinakausap ko, bakla, oh baka naman hindi na marunong mag salita yang kaibigan mo?" mag sasalita na sana si MAxine ng pigilan ko sya gamit ang kanang kamay ko.

Bumuntong hininga ako. " Hindi sa hindi ako nag sasalita, Ayaw ko lang sayangin ang laway ko sayo, Hindi naman kasi ako bitch na kagaya mo"

Tumaas ang kilay nya. "Bitch me? " tinuro nya pa yung sarili nya.

He's a kissing monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon