Isa siya doon at biglang naalala na niya ito! Naglabas ito ng isang litrato, halos kasing edad lang niya yata ang anak nitong babae.

Balingkinitan at mahaba ang buhok. Mapungay ang mata at makinis ang balat. Malaki ang ngiti sa labi kasama ang magulang nito.

"She's my only child..." Bumuhos na ulit ang luha sa mga mata nito, "After those years, they were already presumed dead. Halos lahat bumitaw na pero ako..." umiling ito, "Hindi ko kaya.. that's why I hired my own investigation team... my own search team.."

Hinawakan siya nito sa kamay, "Kaya ako nandito ngayon para kumbinsihin kang tulungan ako. Hanapin natin sila"

She has her own at hindi naman siya bumitaw, niluwagan lang niya ang pagkakahawak sa kaso because she has to keep going and focus on Eliz, too. May anak siyang kailangan isipin.

"Ginagawa ko na iyon" aniya, "I'm looking for my husband as well..."

"Hindi mo kailangan hanapin siyang magisa. They must be altogether, the six of them! Kailangan natin magtulong tulong..." Sambit nito. Nakakakumbinsi. "Hindi nila tayo naiintindihan, pero tayo... tayo lang ang magdadamayan..."

"Good morning!" Natigil sila sa paguusap nang dumating si Cath, "Oh, I-I'm sorry..."

Tumayo na ang Ginang at may iniwang card sa counter, "In case you change your mind" kinuha nito ang bag at umalis na.

Lumapit si Catherine sa kanya, "Who's she?"

Kinuha niya ang calling card, "Geniva Frias" she's a training and development specialist.

"What's her concern?"

"Isa sa anim na nawawala ang anak niya nang magcrash ang eroplano na sinasakyan ni Theo" Kwento niya, "Cath--"

"Huffle" putol agad ng kaibigan sa kanya, "Hindi na kita kinokontra sa patuloy na paghahanap pa rin kay Theo, but you're considering calling that woman.. Naloko ka na noon, paano kung isa na naman iyan sa mga nagtatake advantage sa kagaya mong umaasa pa rin na buhay si Theo?"

"Cath..."

"That's why the other families decided to move on! Hindi ka ba nadadala? Muntik ka nang mawalan ng anak sa ginagawa mo..."

That's the hard truth. Totoo naman ang sinasabi ni Catherine. There were people who would take advantage of the situation, isa doon ay nagtutulak pala ng child trafficking.

What could happen if hindi sila sinundan ni Kuya Slyther? Baka narape na siya and worst, ang anak niya nakuha na rin ng mga ito.

That forced her to move on.

Pero hindi talaga natuturuan ang puso na sumuko lalo na kung kaya pa nito lumaban. But this time, she would do this on her own at sa paraang hindi sila mapapahamak magina.

She looked at her ring. This was the engagement ring that Theo gave her. No, they weren't married. But for her, that night, she married him.

That night, they became official, but it was only for her. Dahil bago pa matuloy ay nagising na siya bigla sa panaginip. Wala na si Theo.

Noon, hindi siya ineentertain kapag hindi immediate family. That's why, kapag ang usapan ay tungkol kay Theo, she would introduce herself as his wife para kahit papaano ay magkaroon siya ng impormasyon.

Paguwi sa bahay kinahapunan ay naabutan niyang nagaassignment si Eliz. Nasa bahay din si  Pray at nakikiassignment sa pinsan.

She sat on the couch as Eliz welcomed her with a warm embrace. Hindi niya masabi sa anak ang totoong kalagayan ng ama, dahil kahit nga siya ay hindi naniniwala.

"Mama, okay ka lang po ba?" tanong nito.

She brushed his hair, kasing lago ito kagaya nang kay Theo, she kissed his forehead, "I am. How about you? How's school?"

He smiled, "It's fun! Anyway, Ma. We will have our family day next month! Promise me you'll be there!"

Family Day? "I'll call your Tito Raven--"

"No!" pigil nito, "Ayoko na pong sila Tito ang sumasama sa akin..."

"Why? Kami naman ang lagi mong kasama doon"

He sighed, "My classmates were making fun of me. They said I don't have any Papa.."

Napatingin siya sa mata ng anak. Puno nang pangugulila rito, "Papa will come home soon, anak"

Nagliwanag ang mata nito, "Really?"

"Mama will look for him" she caressed his cheeks, "Okay?"

Yumakap muli ito sa kanya, "Thank you, Mama!" Bumalik na ito sa pagaassignment kasama ang pinsan. Tutok na tutok ito sa ginagawa kaya parang hindi maabala.

She went upstairs and changed her clothes when a piece of paper fell on the ground.

Nang pulutin niya iyon ay calling card pala ni Ma'am Geniva. She sighed and prayed.

God, what should I do?

She ended up dialing that number, "Hello" sagot nito.

"I-I'm in"

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now