Nag-angat ako ng tingin. Seryosong-seryoso ang boses niya, miski pagmumukha ay ganoon din. Halatang gusto talagang ako ang maging partner niya. Iyon naman ang hindi ko ma-gets sa gagong ito. Ilang beses ko nang sinabi na maraming iba, for sure mas maalam pa sila sa akin. Ano ba naman ako? I stopped in college for three years, hindi kami magkakilala, hindi naman kami nagkasama ng ilang taon. Her classmates, as far as I know block section na sila since first year, siguradong nakapag-establish na sila ng bond sa mahabang panahon. So, bakit ako?

Thesis ang pinag-uusapan dito. She should choose her partner wisely, hindi dahil sa gusto niya lang. Dapat maging praktikal siya pero ito si Eris at pinagpipilitan ang gusto niya. May point naman siya, she won't be the president kung wala siyang utak, kung hindi siya efficient at useful. Ang problema, matagal na akong nasanay na mag-isa. Ako na mismo ang bumubuhay sa sarili ko, wala akong paglalaanan ng mga bagay-bagay. Kaya lang ako nag-aaral kasi nanghihinayang lang ako, na sayang naman lahat.

Ayoko sa kanya, masyado siyang masayahin, dugyot siya, may pagkamanyakis─halos buong pagkatao niya ayoko. Pero sobrang seryoso niya, mapilit siya, talagang may pakiramdam akong miski sa pagtulog ay guguluhin niya ako mapapayag lang. Putangina. I hate this feeling of being cornered. Putangina ulit. Letse. Bwisit. Gago!

"Fine," Sinara ko ang libro at itinago iyon sa bag ko. Nakita kong nagliwanag ang expression ng mukha niyang tingnan ko. Nakakairita yung saya niya, sarap bangasan. "Huwag kang ngumiti! Pangit ka."

Natawa siya at tumango. Napairap ako dahil nakangiti pa rin naman siya. "Wala nang bawian, ah."

"Basta hindi ako maiinis sa'yo."

"Lagi kang naiinis sa akin."

Napangisi ako. "Buti alam mo."

"Sungit mo."

"Gago mo."

Tumawa siya. Ipinagsalikop niya ang mga kamay na nasa ibabaw ng table. "May titles ka na?" Tumango ako bilang sagot. She looked serious kaya hindi ko na binara. Wala na, official nang thesis partner ko itong si Eris Belona. Naglabas siya ng yellow pad. May nakasulat na sa unahang page, sampung thesis titles ang nando'n. Kumuha rin siya ng ballpen. "I'll write your titles here. Saan mo nilagay yung sa'yo?"

"Dito," Inilabas ko sa bag yung cellphone ko. After a few taps on the screen ay pinakita ko iyon sa kanya.

Tumango naman si Eris at muling nangiti. Sinimulan na niyang isulat iyong mga titles na naisip ko. Sana lang ay ayos na 'yon, bahala na siya. "May phone ka pala."

"Malamang."

Phone is very useful these days lalo na sa ngayon na madali na lang ang mag-research. Kadalasan lang nagiging distraction ang phone dahil sa social media, imbes na gumawa ng school related activities, inuuna ang Facebook. Tapos kapag deadline na, ang mga students, todo reklamo kesyo they are not robots daw. I will admit na there's pressure in studying but today's technology makes our lives more easier than before, kapalit no'n is yung resistance natin sa pagp-procrastinate at kung anu-ano pa. 

I'm working home based, most of the time, laptop naman ang gamit ko at hindi cellphone. Bihira ko lang ito gamitin kung tutuusin. I can even live without it, but phones are lighter and convenient, I can bring it anywhere. I don't have any social media accounts, medyo mahirap din dahil halos lahat ng lectures namin sa school, inu-upload na lang either sa group chat or sa Facebook group. Nakakabwisit din. Kaya ang ginagawa ko, nagdadala na lang ako ng USB para makakuha ng copy.

"Anong name mo sa Facebook?"

"Wala."

Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Tinago ko na ang phone nang makitang tapos na siyang magsulat. "I know you don't like me for now pero hindi ko naman i-stalk ang account mo, hihingin ko lang so we can communicate kapag wala tayo sa school regarding the thesis. We don't need to add each other if that's what─"

"Ang ingay mo naman, tangina." naiiritang pagputol ko sa kanya. Ang ikli-ikli ng sinabi ko, isang nobela naman sagot. Kumunot ang noo niya at nginusuhan ako. Inirapan ko naman siya at humalukipkip. "Wala akong Facebook account, as in wala."

Oh," Napatango siya nang mabagal at napatitig sa akin. "Kahit Insta?" Tumango ako. "Twitter?" Muli ay tumango ako. "Even─"

"Wala nga lahat!" Nakakainis 'tong babaeng 'to! Hindi makuntento sa isang sagot, bwisit!

"Bakit?"

"Sa wala, eh." Maikli kong sagot. Hindi na rin naman siya nang-usisa pa. Nakaramdam na siguro. May Facebook account naman ako dati, pero sadyang wala akong hilig. Ayoko rin namang nakikpag-chat sa kung kanino, lalo na sa mga Arabong bigla na lang lumilitaw sa message request na mahal ka na agad. Tangina. Ang daming hayok sa love life na mga tao ngayon, bakit kaya hindi Arabo patulan nila? Sagana sa pagmamahal iyon. May I love you kaagad bago send nudes.

Itinago niya ang papel. Pinapanood ko lang siyang i-check ang cellphone niya. Hindi rin nagtagal ay tumayo na siya at isinukbit ang dalang bag sa likuran. Hinawi niya ang mahabang buhok pagilid. Sakto namang humangin kaya bahagyang nag-wave iyon. Kumunot na lang ang noo ko. Mukha siyang model, kung hindi lang dugyot. Muntik pa akong matigilan nang ngumiti siya sa akin. "Hanap na ako sa student council. Will you be okay here?"

"Oo, layas na."

"Sure ka?" she asked, "Kung gusto mo papuntahin ko sina Kara para samahan ka─"

"Ayoko." mabilis na tanggi ko. "Sanay akong mag-isa. Alis na."

"No man is an island, Bianca."

Tinitigan ko siya ng masama. "Aalis ka na, 'di ba? Nakakabwisit ka, huwag kang feeling close, okay? Alis!"

Nagkibit siya ng balikat. Mukha siyang hindi na-offend, which is nakapagtataka. Sinasadya ko na ngang maging rude talaga sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Hindi man lang tinatablan, ewan ko kung matigas lang talaga ang mukha niya o sadyang hindi niya lang alintana ang attitude ko.

"Ako nang magpapasa nitong paper natin, I wrote your name na rin kanina." sabi niya. Tumango lang ako. "Before ko makalimutan, can I get your number? So I can contact you."

"Fine." Bumuntong-hininga ako. Nilabas ko ulit ang cellphone at ipinakita sa kanya ang number ko. Kinopya naman niya iyon sa cellphone niya. "Magt-text ka lang kung tungkol sa thesis."

"Sure," Ngiting-ngiti niyang ipinakita ang name ko na ni-set niya sa phone contacts niya. Gusto ko siyang supalpalin sa mukha nang makitang Girlfriend ang nakalagay do'n─all caps pa! Ang bwisit talaga ng gagong ito! "Love your name?"

"Ulol. Layas!" bulyaw ko. "Palitan mo 'yan!"

"Nah," Kumindat ang siraulo. "See you around, Maria Clara."

Nararamdaman ko na yung pagsisisi ko. Tangina.

_____

Discord [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon