Hannah POV
Maaga akong nagising ngayon dahil narin kay James, tuturuan niya ulit ako ngayon dahil bukas na ung exam namin sa math kaya naman puspusan na talaga ung pag-aaral ko ,gusto ko kasi na makapasa at makakuha ng mataas na grades para makalipat ako sa section nila Harold. Pangako ni Ms. Hernandez samin un (Teacher namin sa math) nagbaba kasi ng policy si Mr. Principal Lahat ng Makakapasa sa Exam na iyon at makakuha ng pinakamataas na Grade ay maaaring maging section 1
Kaya ako nagpapakahirap na mag aral para kay Harold.
Agad na din akong naligo at nag ayos. Habang nasusuklay ako ng aking kulot na buhok, hindi ko naman maiwasang tingnan ang aking itsura napaka panget ko talaga. Kulot ang buhok ko at maitim pa ako , may makapal din akong salamin totally nerd ang itsura ko, kaya siguro kahit anong pangungulit ko at pagpapansin ko kay Harold hindi niya ako magugustuhan dahil ang panget ko talaga ..
Nalungkot naman ako sa idea na un ... Napabungtong hinga nalang ako,
Sana naman matulad ako kay Cinderella na may dumating na fairy godmother at pagandahin ako para mapansin naman niya ako..
Pagkatapos kong mag suklay ay kinuha ko na ung bag ko at lumabas na ako ng kwarto ko. Hindi naman na ako nag me-make up dahil hindi naman tatalab sa muka ko ung mga kolorete na un.
Pagkalabas ko naabutan ko sa sala si mama na abala sa pagluluto ng sinangag at itlog para sa almusal.
Oh anak halika na kumain ka muna bago ka pumasok, Nakangiting sabi ni mama sakin agad naman akong napangiti sa kanya at umupo na din ako sa maliit naming mesa ..
Nakatingin lang ako kay mama habang abala siya sa pagsandok ng sinangag sa plato ko . Ang ganda ng mama ko maputi at makinis ang kanyang mga balat at unat na unat din ang kanyang buhok na hanggang balikat lang, Matangos din ang kanyang ilong , Napakaamo ng kanyang muka , Minsan napapaisip ko anak ba talaga niya ako? Ang papa ko naman gwapo din ,maagang umalis si papa dahil trafic sa pinapasukan niya kaya madaling araw pa lang umaalis na siya ng bahay ..
Hahahahha ewan ko ba bakit ang panget ko . Tsssss
Kain na anak mahuhuli ka pa sa klase mo! , Nagulat ako at nabalik sa reyalidad ng dahil sa sinabi ni mama .. at agad kong hinawakan ung kutsara at nag simula ng kumain , Grabe ang sarap talaga ng sinangag ni mama The best talaga ..
Pag katapos kong kumain ay agad ko ng kinuha ang aking bag at akmang lalabas na ng bahay ng bigla akong tawagin ni mama
Anak naku ! Muntik mo ng kalimutan ung baon mo . Nakangiting sambit ni mama
Thanks ma! Agad ko naman inabot ung 100 pesos sa kamay niya at agad na humalik sa pisnigi niya at agad na akong tumakbo palabas ng bahay namin
Ingat anakk !!! Dinig ko pang sigaw ni mama habang kumakaway pa sakin sa labas ng pintuan namin ..
Nakangiti din naman akong kumaway sa kanya at agad ng tumakbo papunta sa paradahan ng tricycle dito sa labas ..
Agad naman akong nakarating sa school pagkababa ko ng tricycle agad kong inabot ung bayad ko at agad na tumakbo papasok sa gate ng school namin..
Agad naman akong dumiretso sa library dahil alam kong naghihintay na si James doon dahil never siyang late 😂 .
Pag pasok ko sa library dumiretso na ako sa pinakadulong mesa dahil doon kami palaging pumupwesto ni James para hindi daw ako madistract ..
Napahinto naman ako dahil may ibang nakaupo doon , Pero ang mas kinalaki ng mata ko dahil ...
Si Harold ung nakaupo, May hawak siyang isang math notebook at mataimtim na binabasa ito, Napansin ko din na marami ding book sa mesa mukang nagaaral din siya ..
ESTÁS LEYENDO
^Crush^
RomanceMay Isang Girl na nagkaCrush sa isang mayabang at Antipatikong lalaki na walang inisip kundi ang sarili nia at wala kang makikitang ngiti sa labi nia isang araw nagtapat ang makulit at walang inuurungang babae sa kanya anu kaya ang mangyayari.... ...
