Chapter 32: Afraid 4 love 2 fade

Start from the beginning
                                    

        Alas tres ng tumawag si Shine at sinabing susunduin niya nga ako. Sa boses pa lang niya sa kabilang linya ay nabuhayan na ako ng dugo. Wala pang ala-singko ay gumayak na ako. Nasalubong ko pa si Ma'm Balot sa hallway.

       "Good afternoon po," bati ko.
       "Oh hi! Mukhang may date ah."
       "He, he. Uhm, nasa parking na po siya."
       "I'm glad you're good na. Give Shine a chance," sagot niya sabay kindat. Ang cool cool talaga ni Ma'm. Minsan gusto ko ngang usisain ang love story nila ni Ma'm Penny.

        Pagdating ko ng parking ay nakangiti niyang binuksan ang pinto ng kotse. "Hop in, sorry namimimitig paa ko."

        Pagsakay ko na kotse ay bineso ako ng Shine. She smells fresh as the flowers she gave me a while ago.

        "Shit! Oo nga pala, nakalimutan ko 'yung bulaklak sa clinic!" Aktong bababa ako ng pigilan niya ang braso ko.

      "Bukas na lang Em, tara na."
      "Ha?"
      "May reservation ako ng dinner for two sa Manila Hotel. We need to be there at seven."
        "Ah okay. Sosyal, ano'ng mero'n?"
        "Mero'n akong Ikaw."
        "Asus!"

       Pagdating namin sa Hotel ay medyo naiilang ako. Mabuti na lang at naka dress ako ng pumasok kanina. Hindi masyadong dyahe.

       "With candle light pa talaga ha."
        "Siyempre naman. Samantalahin ko ng hindi pa ako toxic sa work."
        "Iba ka talaga. I just wonder kung ilang babae na ang ginawan mo ng ganito?"
       "Ikaw pa lang Maycee."

       Maya-maya sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napansin kong hindi siya mapakali.

        "E-lbm ka ba?"
        "Hahah! Hindi ah!"
        "Kanina ka pa kasi ikot ng-ikot ng diyan, eh."
        "Wala, wala 'to. Anyway, desert? Parating na rin."
       "Binubusog mo talaga ako ha. Baka may gayuma 'yon?"
       "Di ko na kailangan 'yon."
        "Ahahah! Conceited ang ale."
       "Hopeful lang."

        While we are on our dessert, may tatlong lalaki ang humarana sa tabi ng mesa namin. "Maybe This Time."

        "Hmmm... trying to be romantic ha," sabi ko. Kanina pa naman umiikot ang mag tumutugtog na 'yon sa mga katabi naming mesa.

        "Romantic naman talaga ako, hindi lang halata."

        Nakagaan lalo sa mood ko ang tunog ng violin nila. Si Shine naman ay pangisi-ngisi lang. Matapos ang tugtog at ang desert namin ay nakatitig lang sa akin si Shine.

        "Oh, hindi ka pa ba busog sa kinain natin? Sa tingin mong 'yan parang panghimagas mo pa rin ako."
        "Ha! ha! hah! Hindi naman. Gusto lang kitang titigan."
        "Bahala ka nga."

        Kinuha niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa at inusog papalapit ang upuan niya sa akin. Pinipisil pisil niya ang kamay ko habang nakakatitig pa rin sa akin na parang ako lang ang tao sa mundo.

        "Okay ka lang ba?" Tanong ko sabay ganti ng pisil sa kamay niya. I always love this feeling of playing with her hand.

       "Actually hindi eh."
       "Bakit naman?"
      "May gusto sana akong sabihin."
       "Hmmm?"

       Inangat niya ang kamay naming magkahawak. Sa isa niyang kamay na nakatikom ay nilabas niya ang isang engagement ring. Kinabahan ako ng todo sa antisipasyon.

       "Maycee.... Will you marry me?"

        Nanlaki bigla ang mata ko. Pinigilan niya ang kamay ko ng tangkain kong kumalas sa pagkaka-hawak niya.

       "Ash....."

       "Em.... Please? Mabaliw baliw na ako kung paano ka magiging aking muli. Hindi na ako makapag-hintay. Em please, parang awa mo na."

        "Ash... hindi pinag-mamakaawa ang pagmamamahal. Hinahayaan 'yong lumago sa paglipas ng panahon."

        "Alam ko, alam ko pero gano'n din naman diba? Alam kong mahal mo pa rin ako. Pinapangako kong, hindi kita ipe-pressure sa kahit anong bagay. Malaya ka pa ring gawin lahit ano'ng gusto mo. Sabihin mo ng desperada ako pero oo, desperada na ako. It's now or never."

        "Akala ko ba willing kang maghintay?"

        "Oo pero, natatakot ako Em.... Natatakot akong sa paglipas ng panahon ay may mahalin kang iba."

         Dama ko ang sinseridad ni Ash. Yumuko siya at umiyak. Hindi magaling si Ash sa paglalahad ng damdamin. Alam kong ito lang ang paraan niya para mapa-oo ako.

       "Umiiyak ka na naman. Sino ba ako para iyakan mo ko ng ganyan?"
        "Kailangan kita Em, mahal na mahal kita. Alam kong sa past, madami akong pagkukulang pero hindi ba puwedeng this time.... Last chance ko na talaga. Please, I'm begging you."

         "Ano ba talaga gusto mong mangyari? Ang pag-a-ask ng kasal ay para lang sa magkarelasyon. Ni hindi pa nga tayo. Ano ba'ng pumapasok sa isip mo?"

        "Wala lang akong maisip. Ewan ko, hindi ko alam. Ang alam ko, lang.... I wanna be with you for the rest of my life. Yun lang."

        "Ash....." Inangat ko ang mukha ni Shine. "Look at me. Hindi sa ganitong paraan. Masyado kang nagmamadali. Pinayagan na nga kitang manligaw diba? Hindi pa ba sapat na 'yun muna? Ayaw kong magkamaling muli. Ang masaktan ako o ang masaktan kita. Gets mo ba? Ano ba kasing pinag-aalala mo?"

        "I just want you to be mine."

         Kitang-kitang ko ang lungkot at kawalang pag-asa sa mata ni Sunshine at dinudurog no'n ang puso ko. Huminga ako ng malalim atsaka nagsalita.

       "Okay fine. Ash... sinasagot na kita. Tigilan mo na 'yang pagluha mo. Siguro, let's just start from here. Masyadong malayo kung iniisip mong kasal agad."

      "Talaga?! Tayo na?!"
      "Oo."

         Hinalik-halikan ni Ash ang kamay ko. "Salamat Em... salamat."

        "Hay naku ikaw talaga. Dami mong drama. O sige na, sa 'yo na ako."

-----------------------------

At last after 2 months :)

Shan
03132019

Hanggang Kailan Maghihintay?  (Completed)Where stories live. Discover now