Chapter 36: The Final Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sir Chase, anong nangyayari?"

Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses dahil sa matinding kabang biglang bumalot sa akin. My eyes are demanding an answer. Ano ba yung nasa palad niya?

"Ariela madaming nawalang energy sa kanya. Ganyan talaga ang nangyayari. Mas nananaig ang charm niya ngayon kesa sa kakayahan ng katawan niya na kontrolin ito."

Natigilan ako. "Pero— Pero magiging okay naman siya hindi ba? I mean kailangan maging okay siya."

"Let's just hope na mauunang maka recover ang katawan niya bago ito tuluyang masira ng kanyang charm."

Biglang nawala ang katiting na pag asang meron ako na magiging maayos ang lahat. Tiningnan ko si Jett na ngayon ay muling nawawalan ng malay. Paano? Paanong mauuna siyang makarecover kung mabilis na kumakalat ang itim na marka sa katawan niya?

"Papunta na dito ang healing team at si Evergreen, Ariela. Pakiusap, pumunta ka muna sa mga kasama mo."

Ramdam ko ang matinding sakit na bumabalot kay Jett dahil sa pagkalat ng marka. Tuluyan na nitong nabalot ang buong braso niya at ngayon ay papunta na sa balikat niya.

Bakit ganito? Dapat okay na hindi ba? Dapat tapos na ang lahat. Pero bakit pakiramdam ko hindi maibabalik ang lahat sa dati gaya ng gusto kong mangyari?

"Gagaling siya hindi ba?"

Wala na akong pakialam kung paulit ulit ako. Kailangan nilang sabihin na gagaling si Jett. Kasi kailangan pa naming bumalik sa Charm Academy. Kasi kailangan nandoon siya kapag bumalik ako.

"Ariela."

"Alam kong parang impossible pero magagawa ni Jett na gumaling hindi ba? Kayang pagalingin ng healing team at ni Miss Evergreen ang katawan ni Jett. Babalik siya sa dati at malalabanan niya ang pagkalat ng kanyang charm hindi ba?"

Pero habang sinasabi ko ang mga bagay na yun unti unting nag si-sink in sa akin ang katotohanan. Na sa lahat ng sinabi ko ang kabaligtaran ng mga ito ay ang realidad.

Bigla kong naramdaman ang paghawak ni Jett sa kamay ko. Humarap ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin. Pilit akong ngumiti. But what he did next made me lose all my remaining hopes. Jett shook his head lightly na para bang sinasabing itigil ko na ang ginagawa.

"Davis, hwag kang magalala. Natural lang ito."

"NO!" Halos sigaw ko. Nagmamakaawa akong napatingin sa mga kasama.

"Please do something. Anything. Kailangan niyang gumaling ngayon. Kailangang mapigilan ang pagkalat ng charm—"

Natigilan ako nang namalayan ang unti unting pagpikit ng mga mata ni Jett. "No. No. Please." Hinawakan ko siya sa mukha. "Hwag ka munang matulog Jett."

Every limb of my body is now shaking with overwhelming pain. Kahit hindi sabihin ng mga kasama ko alam ko ang maaaring mangyari. Hinawakan ko siya at niyugyog.

"Jett sige na. Gumising ka. Please."

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ito pwedeng mangyari! Pinahid ko ang mga luha ko at nag concentrate sa pagpigil sa kanya. Napansin ko kung paanong halos umabot na sa kalahati ng katawan niya marka.

"Tumayo ka dyan." Hinila ko siya patayo. "Okay na ang lahat Jett. Makakabalik na tayo. Kaya please tumayo ka na dyan."

Lumapit si Sir Chase sa akin. "Ariela—"

"Kaya kong patigilin ang charm niya." Bigla kong nasabi. Tumayo ako at humarap kay Sir Chase at Miss Serena.

"Kaya kong patigilin sa pagkalat ang charm niya. Kaya ko itong i-shut down hangang sa tuluyan na siyang maka recover. Mahihinto ang pagkalat ng marka at—"

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon