"Kapag ipinakita mong naaapektuhan ka sa kanilang dalawa, ikaw ang talo. Di mo ba nakikita Nana? Kapag ikaw ang gumawa ng skandalo ikaw ang pagtatawanan nila.", sabi pa ni Lowi.

Naramdaman kong nagrelax ang katawan ko, na dun ko lang narealize na kanina pa pala ako tense.

Bakit ba ko ganito? Bakit ko to ginagawa? Di naman ako ganito eh. Di ako ganito dati. Kanina lang iniisip kong gulpihin si Angelica.

"Ano na bang nangyayari sakin Lowi?", tanong ko.

Inakay niya ko papunta sa kabilang direksyon. "Ihahatid na kita sa inyo.", sabi niya.

..........................................................

Pagdating ko dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Nakakapagod. Sobrang nakakapagod na.

Ito naman ang gusto ko di ba pero bakit ayoko pa ding mangyari. Para akong push and pull, on and off, gusto ko at ayaw ko.

Kailan ba mag sisink in sa utak ko na kailangan ko ng layuan si Ronin at dapat maging masaya ako sa mga nangyayari ngayon?

Stop being selfish Nana. Stop being selfish. Focus. Focus. Focus.

Bumangon ako at naisip na hanapin si Ron2. 3 days ko na siyang di nakikita simula ng last night na sinabihan ko siyang umalis dahil ayaw ko siyang makita.

Bumaba ako at hinanap siya sa kusina, sa sala, sa garden at kahit sa basement na ngayon ko lang din nakita simula ng bumaba ako dito noong unang araw namin sa bahay. Pero di ko siya nakita. Walang Ron2 kahit saan.

Naisip kong baka magaling lang talaga siyang magtago. At baka nagtatampo pa din yun kaya nagpasya na lang akong kumain.

Nakakalahati na ko ng napahinto ako dahil di ako mapalagay. Alam kong may  mali pero di ko lang alam kung ano.

Asan na ba kasi si Ron2?? Hindi naman yun matagal magalit eh. Ngayon lang. Noon nga mas worst pa mga sinabi ko sa kanya pero kinabukasan  parang wala naman sa kanya----

Napahinto ako at mAs napaisip. Bigla akong kinabahan at napatayo ako. Nagsimula akong tumakbo papuntang basement.

"Ron2!!", sigaw ko, "Wag ka na ngang magtago! Papatayin kita kapag nakita kita!", pero wala pa din Ron2 na nagpakita.

Nagsisimula na akong magpanik at tinakbo ko na ang buong bahay namin sinisigaw ang pangalan ni Ron2.  Pero wala pa din. Nasa sala ako ng narealize ko kung anong nangyayari.

Wala na si Ron2. Iniwan na din niya ko. Wala na siya dahil unti-unti ng nagbabago ang future ni Ronin.

Nagsimula akong maglakad pabalik-balik. Wishing and hoping any moment magpapakita si Ron2 ulit. But it never came.

Anong gagawin ko?? Anong gagawin ko??

Bumukas ang pinto at nakita ko si mommy na pumasok. Napahinto siya ng nakita ako.

"May...may problema ba?", nag-aaalalang tanong ni mommy.

I was about to yell. I was about to scream and let it all out to her. Na may problema ako! Na ang dami-daming nangyayari sa buhay ko na di niya alam! Pero alam kong matatakot na naman siya. Tatakbo na naman siya sakin.

I'm sick and tired of this!

Nakakairita! Nakakainis! Nakakapagod!

Umiling-iling ako at tumakbo palabas. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero di na ko nakinig. Mabilis akong tumakbo at tumakbo at tumakbo. Kung saan? Di ko alam. I just wanted to get out of here!

.........................................................

Nasa plaza ako. Madilim na at may iilang poste ng ilaw sa bawat corner ng plaza. Wala ng mga bata o tao sa paligid maliban sa iilang multo na napapadaan lang.

Nakaupo ako sa inupuan namin dati ni Ronin. Dito ako napadpad ng wala sa oras. Dito ko nalaman ang tungkol sa buhay niya at mga pinagdaanan niya. Dito niya ko napangiti ng ginamot niya ang sugat ko. Haist! And now it was all just a memory.

Napabuntong hininga ako.

What a life. Am i cursed? Like someone just cast a spell on me para hindi ako maging masaya at maging miserable ako habang buhay?

Ngayong wala na si Ron2 tuluyan na nga siguro akong nagtagumpay sa pagbabago ng hinaharap ni Ronin. Pero bakit pakiramdam ko natalo ako?

Masyado ba talaga akong selfish para di makaramdam ng kasiyahsn sa mga nangyayari kay Ronin at Ron2? Ganun na ba ako kasamang tao?

Napapikit ako. Gusto kong pigilan ang pagbadya ng mga luha ko. Ilang ulit ko na bang sinabing di na ko iiyak. Kaya di ako dapat umiyak. Di ako iiyak.

Kahit wala na si Ron2...atleast...atleast andyan naman si Ronin at buhay. He's safe.

"Sabihin mo lang kung anong ginawa sayo ni Lowi at ako ng bahala."

Napadilat ako sa biglang nagsalita at nakita ko si Ronin na nakatayo sa harapan ko. Nakapamulsa ang dalawang kamay at nakakunot ang noo.

And again, for the nth time. My heart skip a beat.

~seeeeee? bitin ba kayo? vote na kasi kayo..hahaha~

I don't Care!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon