PPI.08

9 1 1
                                    

O pasensya na maraming typos ( tama ba? ) ;D anyway maiksi lang ang chapter na ito nakakatamad wala,paring nag babasa eh pero itutuloy ko ito dahil marami akung naisip na maganda sa kwento na toh! ^_______^ happy reading ;))

---------

Elise pov :

Off ko kaya ng magising si Lou ay naabutan nya akung nag lalaba gamit ang washing machine at nag lilinis sa sala.

Kanya-kanya kaming laba at plantsa ng damit pero sakin nakatoka ang paglilinis at kay Lou naman ang pagluluto.

Ang alam ko lang sa pagluluto ay mag saing magprito at mag adobo habang si Lou ay halos lahat ay akam lutuin.

Ang sabi nga ay once-in-a-blue-moon lang ako magluto.

Nangyayari lang yon kapag may sakit si Lou o kaya ay umuuwi ito saming probinsya.

"saluhan mo muna akong kumain mag-early dinner ka na rin" sabi ni lou pag labas nito ng banyo.

"patapos na akong maglinis susunod na lang ako sa komedor."

Nakahain na sa mesa ang pagkain ng pumunta ko steamed kangkong at ginataang kalabasa ang ulam namin.

"wow mapaparami ang kain ko nito"

Nakangiting sabi ko.

"tamang tama gutom ako ngaun dahil napagod ako sa paglilinis at paglalaba"

Bumungisngis si Lou pagkatapos ay inabot nito ang sakin ang kanin.

"may napansin lang ako lately ay tahimik ang cell phone mo hindi ba nag tetext o tumatawag si shadow sayo? At saka himalang hindi sya dumalaw ngaung off mo?" anino o shadow ang nickname nito kay henry parang ganun daw kasi si henry sakin.

Pilyang nginitian ko sya pagkatapos ay ikinuwento ko sakanya ang nabasa ko mula sa magazine nya sinabi ko rin ang ibinigay kung kondisyon kay henry noong nag daang linggo.

"Really sinabi mo yon sigurado ka?"

Sunod na sunod na tanong nya sakin mababakas sa muka nya ang labis na pagkakagulat at pagtataka.

"oo bakit?" hindi ko maiwasan ang magtaka sa reaksyon nya.

"sinabi mo ba sakanya na ang kailangan mong rosas ay Hybrid tea? Yon kasi ang tumutugma sa nabasa mo sa magazine"

Napakunot ang noo ko .

"bakit may iba pa bang klase ng rosas?"

"hala ka! Bakit hindi mo binasa ng buo yong magazine yong binigay mong kondisyon sa kanya may klase ng rosas na ganun ang floribunda"

Muntik na akung mabilaukan at napilitan akung umubo ng malakas para mailabas ang pagkaing bumara sa lalamunan ko.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Hinimas ni Lou ang likod ko habang pinapaypayan ako ng mahimasmasan ako saka lang ako nakapag salita ulit.

"ibig mong sabihin may ganun palang klase ng rosas?"

"meron pero sana ay hindi iyon mahanap ni henry dahil ang pangkaraniwang klase ng rosas dito ay iyong Hybrid tea. Kahit ako ay hindi pa nakakakita ng Floribunda kaya magdasal ka na lang ba walang makitang ganun si Shadow sa susunod na labing-tatlong araw" sabay kindat sakin.

"kunsabagay wala namang masama kung maging boyfriend mo sya magkakaron ka ng syotang baduy!"

Mabuti na lang tisyu ang hawak ko at ito ang pinukol ko kay Lou na walang tigil sa paghalakhak.

~

A/N : OY VOTE AND COMMENT NAMAN PO PLSS ... Basahin nyo po ito :]]]

PUSTAHANG PAG-IBIGWhere stories live. Discover now