"Papa, please? Para sa atin naman itong gagawin ko" pagmamakaawa ko.
"Anak, hindi porket ikaw ang panganay ay kailangan mo nang akuin ang pagsusundalo." mahinahon ngunit maririnig mo ang kalungkutan sa kanyang tinig.
"Pero pa, gusto ko po yun! Pangarap kong maging sundalo." sabi ko.
"But you're just a girl Iris for God's sake!" galit na sabi niya na ikinabigla ko. Kahit kailan hindi pa kami pinagtaasan ng boses ni papa kahit na galit na ito sa amin.
"Silas, anak mo iyang kinakausap mo!" galit ring sabi ni mama.
"Pa hindi na ako bata! Magdadalawampu't isa na ako!" galit na sabi ko na siyang ikinabasag ng boses ko.
Kunot pa rin ang noo ngunit kalauna'y napabuntong hininga nalang siya na para bang kinakalma ang sarili
"Look, Iris pasensya na kung napagtaasan kita ng boses pero hindi ko kayang mawala ka sakin dahil anak kita." sabi ni papa at tinignan ako na parang siguradong sigurado na siya na sinabi niya.
Pakiramdam ko ay parang pinagtaksilan ako ng mundo. Ang sikip sikip ng dibdib ko at parang hindi ako tinirhan ng hangin sa mundo.
Nagsimula nang mabasa ang mga mata ko ngunit bago pa ito bumagsak ay nagsalita ako kahit na alam kong mahirap at masakit.
"Parang sinabi niyo na rin na wala kayong tiwala sakin na anak niyo." at pumunta na sa kwarto ko.
Pagsara ko ng pinto ay doon na nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Sobrang sakit lang kasi na kung sino pa ang akala mong susuportahan ka sa gusto mo ay sila pa mismo ang tutol.
-
Nagising ako na alas tres na ng hapon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak. Paglabas ko ng kwarto ay wala na sila mama at papa. Sila lang kasing dalawa ang nagtatrabaho at isa rin 'to sa mga rason kung bakit gusto kong maging sundalo sa The Creed.
Ang The Creed parang paaralan ngunit ang pinagkaiba ay imbes na estudyante ay mga magsusundalo ang papasok doon. Sasanayin nila kami upang maging sundalo at ipaglaban ang Arr. Ang Arr ay hinati-hati sa tatlong pangkat. Aria ang pinakahuli sa tatlo dahil hindi sila gaanong nakakaahon sa buhay ngunit sila ay mga maliliksing tao dahil sa puro sila pagtatrabaho o di kaya pag eensayo dahil nakapokus ang mga ito sa gawaing pisikal at sa apoy. Riverlyn naman ang pangalawa at nakapokus naman ang mga ito sa lupa at tubig. Kaya nilang kontrolin ang dalawa o kahit ano pamg bagay na may kaugnay sa lupa at tubig. Nangunguna naman ang mga Raven. Maliban sa sila ang mga angkan ng mayayaman, sila rin ang kayang kumontrol sa halos lahat ng nabanggit ko maliban sa isa, ang apoy. Kaya nilang gawin ang pisikal na gawain, lupa at tubig ngunit hindi ang apoy. Ngunit hindi sila Raven kung wala silang hawak na makapangyarihan. Hindi nga nila hawak ang apoy pero hawak naman nila ang ilaw na kapag tinamaan ka, magkikita na kayo ni satanas.
At dahil mga kakaibang nilalang kami rito. Mayroon rin kaming palatandaan kung saang grupo kami nabibilang. Every person has a black tint on their wrist enable to sort and identify which group they belong. Crown is a symbol for Raven. Seashell for Riverlyn. And ofcourse,
"Aria." I said as I look at the arrow on my wrist.
YOU ARE READING
The Brave Queen
FantasyIris wants to be a soldier. So she decided to enter The Creed where she can be trained and be a soldier to protect her family, country and the Montesorey and Halton family. Alam ni Iris na hindi madali ang gusto niyang makuha dahil maliban sa babae...
