"Sus! Natuto ka lang uminom, tuwang tuwa ka na jan" natatawang sabi ni Ian.

Dating gawi, habang umiikot ang tagay, umiikot din ang bote sa gitna.

"Shit!" I cursed. Saakin kasi unang tumuro ang pesteng bote.

"Nath, Truth or Dare?" Tanong ni Justin.

"Truth" sagot ko

"Mahal mo pa rin ba si Joseph? Or kahit konting feelings lang? Meron pa ba?" Nanunuksong tanong ni Jus.

Shit! Sinasabi ko na nga ba eh!

"Meron pa naman syempre," sagot ko na nagpatili sa mga kaibigan kong babae. Tsk tsk! "Hindi naman kasi nawawala yung love, sadyang dumadating lang sa point na may mas higit ka nang mamahalin kaysa dun sa nauna. Pero yung pagmamahal mo sa taong yon, mananatili yon" dagdag ko pa.

Inikot ko na ang bote at tumapat ito kay Joseph.

"Truth or..." Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nag 'truth' na sya.

"Kahit papaano ba... Minahal mo ko dati? I mean... Not as a fan and friend... Bilang ako" tanong ko

Shit! Bakit ba walang preno tong bibig ko? Nakakainis! Iniisip ko lang yon eh. Nakakahiya! Ano bang pinagsasabi ko? Damn it Nath! Nakakainis ka talaga!

"Of course. Hindi naman kita ipaglalaban kina Mommy at Daddy kung hindi kita mahal, and I still love you. I love you so much Nath! At gaya nga ng sabi ko dati, kung pwede lang... kung pwede lang Nath pinakasalan na kita" malungkot na sabi ni Joseph

Shit! Bakit ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko? Damn! Mali 'to! Mali! I shouldn't feel this! Nagiging unfair ako kay Rai neto! Shit naman!

"Pero hindi na pwede kasi..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Joseph.

"Kasi may boyfriend ka na. Ang unfair lang diba? Ang wrong timing!" sabi nya.

"Sorry," yun lang ang nasabi ko at tuluyan na akong napayuko.

"Shh! Don't be! It's okay!" sabi nya at pina ikot na ang bote, na humarap naman kay Ian.

"Truth or Dare?"

"Dare" sagot ni Ian.

"Kunwari mag p-propose ka kay Althea" Sabi ni Joseph

Tumayo naman si Ian at itinayo rin nya si Thea.

"Caliyah, can I borrow your..." Hindi pa man natatapos ni Ian ang sasabihin ay inihagis na ni Caliyah ang singsing kay Ian na agad din naman nitong nasalo.

Pagkatapos ay lumuhod na si Ian habang hawak hawak ang kamay ni Althea.

"Zein, I may not be the Ideal Man you wish to be with, I promise to love you forever, kahit mataray ka pa. I will accept every flaws you have. Alam mo sa dami ng pinagdaanan nating dalawa, kahit minsan na tayong sumuko at ninais nalang na wag ng lumaban. Alam ko tayo at tayo pa rin ang para sa isa't isa" sabi ni Ian at bumuntong hininga.

Shit! Parang totoo't mula sa puso ang mga sinasabi ni Ian. Masyadong malalim.

"Althea Zein Fortalejo, I love you so much to the point na hindi na kita kayang pakawalan. I wanna spent my Day, my Night and My forever, with you... Zein... Will you be my forever? Will you Marry Me?" Dagdag pa ni Ian.

Natatawang napa " yes" naman si Althea. Sumasabay sa Trip ng barkada.
Pero mukha na syang matatae, for sure deep deep down inside kinikilig yang babaitang yan. Tss.

Pinaikot na ni Ian ang bote at tumapat ito kay Caliyah.

"May gusto ka ba kay Justin?" Tanong ni Ian

"Ang baba naman ng taste ko kung magkakagusto ako sa isang unggoy" natatawang sabi ni Caliyah. "Pero hindi naman sya mahirap magustuhan eh. I'm not yet there but... I'm getting there!" dagdag pa nya na nagpa tili sa lahat.

Pinaikot na ni Caliyah ang bote na tumapat naman kay Justin.

"Dare!" agad na sabi ni Justin kahit hindi pa sya tinatanong ni Caliyah

Caliyah's P.O.V

"Dare!" Agad na sabi ni Justin kahit hindi ko pa naman sya tinatanong. Tss. Excited?

"Sumayaw ka sa harapan namin. Yung pinaka sexy na sayaw na alam mo" Dare ko sakanya.

Tumayo na si Jus at nagsimulang sumayaw. Pakiramdam ko ay nabingi ako, wala akong ibang marinig at biglang nag blurred ang paligid. Tanging ang pag sayaw lang ni Justin ang nakikita at ang pokus ng mga mata ko.

Shit! Ano ba 'to? Bakit parang ayaw ko na syang huminto?

Natauhan lamang ako nang huminto sya at nag salita, "Hoy Caliyah! Laway mo."

Dali dali ko namang pinunasan ang gilid ng labi ko, pero wala naman akong laway na tumulo. G*go 'to ah!

"F*ck you!" Sigaw ko sa kanya.

"Grabeng pagmamahal naman yan Caliyah. Ramdam na ramdam ko" natatawang sabi nya at kinindatan pa nya ako.

"I hate you!" Sigaw ko sakanya.

"I love you too!" Sabi naman ni Jus na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Damn it Justin!

Ano ba itong nangyayari sa'kin? Shit! Am I into... No! No! No! Can't be! Erase that! Nababaliw lang ako.

"Hello guys! Nandito pa kami oh!" Sabi ni Althea habang nakatingin saming dalawa ni Justin.

Tss! Panir... Ayttt! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?

Ano ba Caliyah! Umayos ka!

Nagbi biro lang naman ako kanina sa sagot ko sa tanong ni Althea.

Pano ba naman kasi, biglang nalungkot si Justin noong sinabi kong "Ang baba naman ng taste ko kung magkakagusto ako sa isang unggoy"

Nag bi biro lang naman ako diba? Nung sinabi ko na nagustuhan ko sya. Diba? Diba?

Damn it!

The Person You Love Will Never Be YoursWhere stories live. Discover now