3 hours na vacant. Ang boring wth.
Naka titig lang ako sa board namin nang biglang..
*Slap!*
What the fckk!
"ARAAaayy!!" Reaksyon ko nung sinapak ako ni Brandon. Naka ngisi pa itong parang tanga
Pinakita niya sakin ang cell phone niya.
Nasa messenger ito at marami akong nakitang babae na kachat neto.
*Babeee!*
*Kumain kana po?*
*Babe asan kana*
*Eut ka sakin mamaya ah *slurp**
Ang laman ng messenger niya.
Yak.
Agad naman akong ngumiwi at tumingin sakanya..
Binigyan niya akong "nakita mo ba?" -ng tingin.
"Kung gusto mo kong gayahin ka, sorry di ako katulad mo." Sabi ko.
Nagtaka naman ito. Tumingin siya sa cell phone niya at naiinis na tumingin sakin.
"Tanga, sa taas!" Aniya
Lumapit akong bahagya sa cell phone niya para makita ko ang nasa taas na parte ng messenger niya. At nakita ko ang pamilyar na picture na may green sa baba neto.
Sht.
Kinabahan ako ng konti pero hindi ko ito ipinakita kay Brandon.
"Oh tapos?" Cold na sabi ko sabay tingin sa labas.
Just play it cool, Third.
Profile picture ito ni Xaviah. Oo, aaminin kong matagal ko na siyang gusto, pero dahil sa takot akong ma reject, hindi ko parin magawang sabihin sakanya. Kahit i-chat nga lang siya hindi ko magawa.
"sige na pareee! I-chat mo na siya" pampipilit sakin ni Brandon.
"Ihhh.."
"Mag kakagusto tapos torpe naman psshh" dagdag niya pa.
Torpe?
Naiinis na tumingin ako sakanya at kinuha ang aking cellphone. In-on ko ito at binuksan ang messenger. Pinindot ko ang profile niya at nag simulang mag type. Ngumisi naman si Brandon at tumahimik nalang.
Torpe pala ah.
-
Xaviah Manubat
active now
You: I love you.
Xaviah: *typing*
-
Sht ano ba tong pinasok ko.
-
Xaviah: Ha?
You: Ay sorry wrong send.
Xaviah: *typing*
-
"HAHAHAHA!" Biglang tawa ni Brandon. Tumingin naman sakanya ang buong klase pero inalis din nila ang tingin nila. "WOOAHH!!" Dagdag niya pa.
