Okay lang. Kasalanan ko naman, e.

Hinilot ko muna iyung sintido ko at saka naglakad ulit papuntang bahay. Sinarado ko lang 'yung pinto at pumunta agad ng kwarto para mahiga. Gusto kong magpahinga muna... Ang sakit talaga ng ulo ko.

Nagising ako nang mag 8:30pm na. Sobrang sakit ng katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko. Humarap ako sa salamin at tiningnan iyung sarili ko, ang payat ko pala. Hinipo ko 'yung leeg ko. Napapikit na lang ako ng madiin at napasampal sa noo. Ang init ko! May lagnat pa ako. Lagnat naman, bakit ngayon ka pa sumabay? Wala akong pera ngayon!

Naghalf bath ako at nagbihis ng pajama at white t-shirt. Binuksan ko rin iyung electric fan at tinutok sa akin. Init na init ako, hay. Nako naman, sumabay pa itong lagnat na ito, sobrang wrong timing, pwede namang kapag nasa China na 'tsaka ako magkasakit pero rito pa!

Wala pang gamot! Ang tagal ko na rin kasing nagkasakit kaya hindi ako bumibili ng gamot. Lumabas ako ng bahay at pinuntahan iyung pinakamalapit na tindahan sa amin.

"Pabili nga po ng Paracetamol o kahit ano pong gamot na pwede sa lagnat," I said.

"Ay, hija, hindi pa ako nakakabili ng mga gamot." Wow! Bakit ngayon pa nawalan?

"Ah, ganoon po ba? Sige po." Napabuntong-hininga na lang ako. Sa may lagpas pa ng kanto iyung sunod na tindahan, tinatamad na akong maglakad 'tsaka ang sakit kaya ng katawan ko! Bakit ba kasi ngayon pa? Dapat naging matatag ka muna, katawan ko.

Umuwi na ako sa amin, hindi na ako bumili ng gamot. Siguro, iiinom ko muna ito ng tubig, puro tubig lang. Okay na iyon, masama rin naman na laging gamot. Pagkainom ko ng maraming tubig, nahiga na ulit ako. Parang pagod na pagod 'yung katawan ko... Tapos hindi pa ako kinakausap ni Xzayvian.

E? Connect noon?

Hindi ko na lang inisip at natulog na.

Paggising ko, kinuha ko agad iyung phone ko at tinext si Carlo na hindi ako makakapasok dahil may lagnat ako, nagreply naman agad siya at sinabi na okay lang daw, siya na raw 'yung bahala at si... Carla.

Kinikilig talaga ako sa dalawang 'yun, e. Tiningnan ko iyung oras sa cellphone ko, 8:23am. Nagugutom na ako pero wala akong lakas para magluto. Nanghihina pa rin ako, para ngang mas uminit pa ako, e.

Tumayo lang ako saglit para patayin iyung electric fan, ang lamig, e. Nagtalukbong din ako sa kumot, nilalamig talaga ako kapag may lagnat o sakit ako.

Tawagan ko kaya si Yttrium? Iyong singkit na iyon na lang ang pag-alagain ko sa akin o kaya utus-utusan ko. Pero joke lang, nakakahiya naman. Tiyak nagpapakadalubhasa na naman iyon para madali na sa kanya iyung mga lessons sa Grade 10 niya. Napakasipag naman kasi nang singkit na 'yun. Ang bata-bata pa, ang dami ng alam sa buhay.

Nakarinig ako ng katok sa pinto... Sino ba iyon? Matutulog sana ulit ako, e. Naisip ko na 'yung pwedeng maging panaginip ko. Hahawaan ko 'tong kung sino man 'to.

"Oh?!" Tumaas agad iyung kilay ko hindi ko pa man nabubuksan 'yung pinto. Nakita ko si Xzayvian na nakatayo at nakasando lang. Tiningnan niya ako.

"Kumain ka na?" He said coldly.

"H-Ha?" Parang hindi lang ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko. Baka naman nasa panaginip ko na talaga ako?

"Kumain ka na ba?" May pagkainis na sabi niya. Medyo napayuko tuloy ako... Simpleng ganiyan niya pa lang, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag sobrang sakit na ng mga sinabi niya?

"H-Hindi pa." I honestly said.

"Bakit?" Kasi masama 'yung pakiramdam ko para magluto.

"Tinatamad pa ako, e. Pero mamaya naman ay kakain na ako." I lied... Ayoko lang malaman niya na may sakit ako, baka maawa lang siya sa akin. Ayoko naman ng ganoon. Masakit lang... na nandiyan siya kasi kailangan mo siya at hindi dahil mahal ka niya.

"Ah, okay." He said. Tumalikod na siya at naglakad paalis.

I left there. Standing alone. Bakit ba ang arte ko? Dapat sinabi ko na lang na may sakit ako, at least, makakasama ko siya.

Sayang 'yung pagkakataon.

Napapikit na lang ako at napahawak sa dibdib ko, ang gara. Parang naninikip, ramdam na ramdam ko iyung sakit. Masakit kasi talaga, e. Siguro... Mas minahal ko talaga si Xzayvian kaysa kay Alex, kahit na ilang araw pa lang kaming nagkakasama. Ganoon talaga... sabi nga nila, pinagtagpo pero hindi itinadhana. Siguro, pinahiram lang talaga sa akin si Xzayvian para mapabilis ang pagmo-move on ko kay Alex... Baka nga ganoon lang.

Sinarado ko na 'yung pinto at natulog na lang.

2pm, nagising ako. Para kumain? Oo sana kaso naalala ko, wala nga pala akong sinaing man lang o ulam o tinapay man lang na pwedeng kainin. Sobrang gutom na ako! Gusto kong kumain.

Wala na akong nagawa at lumabas na ako ng bahay, sa Sabado pa 'yung suweldo ko kaya corn beef pa lang ang mabibili ko. May bigas pa naman yata ako sa bahay, e. Sana.

Pagkabili ko, para akong lasing na palakad-lakad pauwi ng bahay. Ang sakit na naman ng ulo ko, ang init kasi, wala pa akong dalang payong. Kung saan-saan ko na naman kasi nalagay iyung payong ko. Pagdating ko sa compound, mabilis akong naglakad papuntang bahay dahil feeling ko anytime ay babagsak ako, pero bago ko pa man mabuksan 'yung pinto ay bumagsak na ako.

--

11th day. I missed her. Gustong-gusto ko na siyang puntahan pero para akong pinipigalan ng mga sarili kong paa. Ayoko siyang pahirapan pero nasasaktan din naman ako. Kaya kong ibigay lahat sa kanya pero bakit gano'n? Parang siya hindi. Ang bilis niyang maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao kaysa pakinggan muna ako.

I sighed.

Mahal ko siya. Kaya siguro ako na lang iyung magso-sorry at ipapaliwanag sa kanya na hindi ko naman talaga siya ginamit. It was just a misunderstanding, lintek na Natalie kasi iyon, pinsan ko siya at alam niyang... err... I hate to say it but marami akong naging babae at fuck... Pati si Luan, sinama niya. Akala niya ay laruan ko rin si Luan. Shit.

Hindi ko na natiis at lumabas na ako ng bahay para puntahan si Luan. Wala naman kasi si Xsen para i-update ako sa mga nangyayari kay Luan. Bakit ba kasi ngayon pa nawala 'yung kumag na iyon? Hindi ko akalaing kakailanganin ko pa siya.

Kumatok ako, it took a minute before she opened the door.

"Oh?!" Nakataas agad iyung kilay niya. May nagawa ba agad akong mali?

"Kumain ka na?" I coldly said. Para kasing ayaw niya akong makita, pero okay. Kung diyan siya masaya.

"H-Ha?" Ba't siya nauutal?

"Kumain ka na ba?" I repeated my question. Yumuko siya ng kaunti.

"H-Hindi pa."

"Bakit?" I asked. Sabihin mo lang na wala ka pang niluluto at isasabay na kitang kumain. Please.

"Tinatamad pa ako, e. Pero mamaya naman ay kakain na ako." Sabi ko nga, e.

"Ah, okay." Ayaw niya talagang sumabay sa akin. Luan Keihl, bakit ka ba ganiyan? Dapat talaga naiinis na ako sa'yo pero hindi, e. Nahuhulog lang ako lalo at hindi ko pa mapigilan.

Bandang 2pm, lumabas ako ng bahay para bumili ng meryenda kaso nakita ko si Luan na may dala-dalang gamot. Sa kanya ba 'yun? Syempre. Siya nga may dala, e. Pero bakit? May sakit siya? Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa bahay niya, aalis na sana ako kaso nagulat ako nang bigla siyang bumagsak.

Fuck! Ay, lintek. Hindi na nga pala ako magmumura.

Lumapit agad ako roon at binuhat siya. Ang init niya. May lagnat. Kanina pa ba ito? Kaya ba mukha siyang malata kanina?

"Luan," tinapik-tapik ko iyong pisngi niya pero wala. Ayaw umimik, kaya dinala ko na agad siya sa bahay namin.

The Two Weeks Relationship जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें