"Bakit?" tanong ko bago iminuwestra sa kanya na maglakad na. Sinabayan niya naman ako.

"Nakita raw kayong dalawa ni Xander sa plaza sabi ni Krisha kaya hindi mo napaunlakan ang pag aya ko kanina,"

I bit my lip. Are we too obvious? Hilaw akong ngumiti bago siya balingan.

"Yeah. Naglunch kami. Naroon na kasi kami nung nagtext ka so I had to decline your offer," sabi ko.

Ngumiti lang siya at yumuko. Poor Vaughn. He's a nice guy kaya lang ay hindi ko talaga masusuklian ang pag tingin niya sa akin.

"Maybe next time. Babawi ako,"

Huminga siya ng malalim at lumapad muli ang ngiti.

"Edi bumawi ka na ngayon. Let me take you home,"

Napabaling ako sa kanya dahil sa sinabi. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. With eyes full of hope na papayag ako. Bahagya kong nilingon ang paligid. Pababa na kami ng hagdan at kahit di ko nililingon ay alam kong pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong at nadadaanan.

Hindi pa ako sumasagot kahit pa nang tuluyan na kaming makababa mula second floor. Wala si Evan at walang maghahatid sa akin. Kung aantayin ko naman ang kung sino man sa dalawa ko'ng kapatid ay baka matagalan pa. Isa pa, ihahatid lang naman niya ako.

Yes, Jessica. You need a distraction. Mabuting tao naman si Vaughn kaya ayos lang rin ito.

"So what do you say? We could eat dinner too but if you'll like ididiretso na kita pauwi," aniya ulit at huminto na sa paglalakad. Ganon rin ako.

Ngumiti ako sa kanya. I was about to give my answer when I heard a voice from my back.

"Good offer but no thanks. I'm taking her home," sabay namin hinarap ni Vaughn si Xander na naglalakad patungo samin.

Napakunot ang noo ko. Why is he here?

"Hey, Xander," si Vaughn.

Xander nodded curtly at Vaughn before turning his gaze on me.

"We'll head home now," aniya at akmang hahawakan na ang pala pulsuhan ko ng isa na namang boses ang nang galing kung saan.

"Home? Sa pagkaka alam ko ay hindi ka kila Jessica nakatira so it is not your home," Nakahalukipkip na dumating si Chinky bitbit ang sling nag niya.

Halatang nalilito, nagtatakang tinignan ni Vaugh si Xander, Chinky tapos ay ako.

Agad ko nang iniwas ang braso sa palad ni Xander na malapit na akong hawakan. Napasulyap siya dun bago bumuntong hininga at binalingan si Chinky.

"Chinky, I told you we'll talk later tonight... or tomorrow," aniya

"Yung kaka "tomorrow" mo umabot na ng ilang linggo, Xander," umirap si Chinky bago ako balingan.

"At ikaw..." Wala pa man din siyang sinasabi ay sinubukan na siyang awatin ni Xander.

"Chinky, stop..." si Xander at humakbang sa harap ko para harangan si Chinky.

"What?" nagtatakang tanong ni Chinky sa ginawa ni Xander.

Mabilis namang hinawakan ni Vaughn ang siko ko at sinubukan akong ilayo. Umiling ako sa kanya at ngumiti.

Sumulyap sakin si Chinky bago ibinalik ang mga matang puno ng pagtataka kay Xander. She then chuckled without humor. Umatras ng bahagya at muling bumagsak ang expression sa mukha.

Kahit na nakaharang si Xander sa akin ay nasulyapan parin ako ni Chinky.

"Hindi mo driver si Xander. You have your brothers and your cousin. Sa kanila ka magpasama," mariin niyang sambit, emphasizing the words "brothers" and "cousins".

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now