classmate

1.1K 9 0
                                    

Classmate...

Naalala niyo pa ba nang mga panahong tayo'y nahihiya?
Nahihiyang makiusap sa isa't isa
Nahihiyang tumayo sa harapan upang tayo'y magpakilala
Nahihiyang kausapin ang katabi kasi hindi natin sila kakilala

Diba ang sarap balikan ang nakaraan?
Hindi ba pwedeng wag tapusin ang sampung buwan?
Hirap kasing bitawan ang sistemang nakasanayan
Kung saan pati adviser nakikipag asaran

Hayyyyy, akalain mo yun nakatiis si Sir sa sampung buwan
Natiis niya ang mga harutan at asaran
Minsan siya rin ang pasimuno ng bullyhan

Naalala niyo pa ba nung Festival?
Kung saan tayo tayo lamang ang nagtulungan
Pero anjan si Sir, suportado ang ating angkan
Kaya lahat tayo sakanya ay napamahal

Argon, ang klase kung saan tulungan at Hindi pataasan
Pero minsan may nagkokopyahan
Pero syempre alam natin kung paano natin limitasyunan

Nanjan si President para disiplinahin tayo
Si Vice para Tulungan tayo
Si Treasurer at Auditor para singilin tayo

Sa klase na may mataba
May payat
May stick
May dancer
May singer
May badjao
May pangit
May maganda
May gwapo
At meron naman na ang sarap igisado

Disiplina't Respeto
Ang natutunan natin sa klaseng ito
Kung saan ang grade ay isa lamang numero
Kung saan di ikabababa ng ating pagkatao

Sa ating pamamaalam
Ako'y lubos na nahirapan
Hindi ko alam paano ako lilisan
Kung sainyo ako masaya ng lubusan

Iyakan at hagulgulan
Ang narinig sa ating pintuan
Sa pamamaalam lahat tayo at nasaktan
Pero di parin nawala ang asaran sa ilang segundong dumadaan

Lahat tayo, pinalaya naang isa't isa
Kahit mga lalake ay nagiyakan kase nasasaktan sila
Sa mga akala ko noon ay Mali pala
Kaya masasabi ko na ito ang best section, na meron akong napala

Sana sa paglipas ng panahon manatili sainyo ang mga ala-ala
Ang mga ala-ala na mahirap kalimutan hanggang sa ating pagtanda

Sa susunod na baitang
Sana walang limutan at snob-an
Sana manatili ang ating nakasanayan
Kung saan lahat tayo ay masayang nagpapansinan

Classmate,
Siyam na letra
Libo-libong saya
Iba't ibang klase ng tao
At iba't ibang talento ang meron tayo

Argon,
Limang letra
Isang pamilya.

-; Ayskrim

MGA TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon