"Tara sa loob, gagamutin ko iyang sugat mo," tiningnan ko siya sa mata, nakatingin lang din siya sa akin. Ilang minuto pa kaming ganoon nang tumawa ako. His forehead creased. "Why are you laughing?" I shook my head.

"Nothing," pero nanatili lang na nakakunot iyong noo niya tapos bigla siyang lumapit sa akin kaya medyo napaatras ako. "Ano nga 'yon?" I shook my head again. Pero lapit lang siya nang lapit kaya atras din ako nang atras hanggang sa mapaupo na ako dahil na-out of balance. Dahan-dahan siyang umupo at tinapat 'yung mukha niya sa mukha ko kaya napalunok pa ako.

Bahagyang umawang 'yung labi niya pero 'di naman siya nagsasalita, umatras ako ng konti at pinilit na tumayo.

"Gamutin mo na ako?" Ngumiti ako para mawala iyong awkward na atmosphere kaso nanatili lang siyang seryoso. "Huy." Napakagat na lang ako sa labi ko, ano bang dapat na sabihin?

"Tara na sa loob." Napahinga na lang ako ng maluwag sa sinabi niya.

Ginamot niya 'yung sugat ko, at medyo awkward iyon. Tapos ang hilig niya pang tumitig! Nabuhusan pa nga niya ng alcohol 'yung sugat sa tuhod ko, e! Ang hapdi kaya, halos maiyak ako kanina, ah. Ano ba kasing nangyayari kay Xzayvian ngayon? Nagiging weird na siya, ah.

Kasabay namin si Xsen na maglunch, sa apartment nila kami naglunch. Lagi naman akong nakatambay sa apartment nila, hindi ko pa nga yata sila naiimbita sa bahay ko, ang dami kasing kalat 'tsaka wala naman ako sa kanilang ipapakain at kung meron man, ano iyon, paghuhugasin pa nila ako ng pagkakainan nila?

Nang magtwo pm na, nagbihis na ako para pumasok sa café na pinapasukan ko. Namiss ko si Carlo, 'yung bakla 'yun. Kahapon kasi hindi ako pumasok, nagpaalam ako kasi nga akala ko ay magba-bike kami ni Xzayvian.

"Where are you going?" Nakasalubong ko si Xzayvian sa may kanto, nakasakay pa siya sa bike niya.

"Wherever." He frowned.

"Seriously, where are you going?" I laughed. Pikon talaga siya.

"Sa café na pinapasukan ko."

"Sama," I shook my head. Hindi nga yata sanay 'to ng gawaing bahay, e.

"Hintayin mo na lang ako, uuwi ako mamayang 8pm." Kumunot agad iyong noo niya. Nako, ito na naman tayo.

"What? Eight pa? Gabi na iyon, delikado na noon. Magresign ka na nga diyan. Sa akin ka na lang magtrabaho." Wow. Makapagsabi naman ng resign, parang sa kompanya ako nagtatrabaho.

"Anong trabaho sa'yo... Nag-aaral ka pa lang kaya." I said. "Sige na, alis na ako."

"Luan! Wait!" Hindi ko na lang siya pinakinggan at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagdating ko sa café, nandoon na si Carlo– Carla or whatever. May ilang costumers na rin.

"Ba't ngayon ka lang, 'te? Ang dami ng umo-order."

"Sorry na... Si Xzayvian kasi, ang kulit." Tinulungan ko agad siya sa ginagawa niya.

"Ah, iyong jowabells mo, nako! Ang hirap talaga ng may intindihin, dalhin mo na nga 'to roon." Kinuha ko iyong isang order at dinala roon sa costumer. Iyong iba, Wi-Fi lang naman ang habol dito, e.

Dumating ang gabi, pinauwi na ako ni Carlo nang mag7:30 na. Sabi ko nga, hindi pa naman tapos iyong duty pero sabi niya, okay lang daw, siya na iyong bahala kaya umuwi na ako. Ang bait talaga ng bakla na iyon.

Nakita ko naman si Xzayvian sa kanto, may hawak pa ngang sigarilyo, pero nung nakita niya ako ay bigla niyang tinapon at inapakan.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Ano iyon?" He shook his head.

The Two Weeks Relationship Donde viven las historias. Descúbrelo ahora